Chapter 27

26.6K 483 84
                                    

Camille

"Are you sure na kaya mo na?" Kaka upo ko lang sa kama namin.

Matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital sa wakas ay nakauwi na ako.

"Kaya ko na nga. Hindi naman ako baldado." Gusto kong matawa kay Guideon pero hindi ko magawa.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay sa pakikitungo niya sa akin. Kung maka kilos siya parang takot na takot siyang magalusan ako o masaktan.

"May iba ka bang nararamdaman?" Tanong niya ulit.

"Wala. Okay lang ako." Sagot ko.

"I have works to do. Ito ang phone mo. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Inabot niya sakin ang cellphone ko.

Umalis na din siya sa kwarto at naiwan nanaman akong mag isa nakita kong maraming text sa phone ko galing kay Greg. Oh, the thought of him. Gusto ko siyang makita. Pero kung ano man ang meron kami, tapos na iyon.

Sinong niloko mo, Camille? Kahit kailan ay hindi matatapos ang koneksyon niyo. Lalong lalo na ngayon.

Naisip ko nanaman kung gaano kagulo ang sitwasyon ko.

Nakita ko rin ang ilang text ng mommy ko sa akin.

Drink your meds. Wag mong kalimutan.

You need to talk to your tito jose. Call him asap.

Call me

Dinial ko ang number niya at pagtapos ng ilang rings ay sumagot siya.

"Nainom mo na ba ang gamot mo?" Bungad kaagad sa akin ni Mommy.

"Y-yes po." I said.

Ang totoo niyan ay hindi ko pa iniinom ang gamot ko simula nang malaman kong buntis ako. Natatakot ako sa magiging epekto non sa bata, kaya naman itinigil ko ang pag inom. But I can't let my mom know dahil sigurado akong magagalit siya sa akin.

"Good girl. Tawagan mo ang Tito Jose mo. Kailangan niyong mag usap." Iyon lang at binaba na niya ang tawag. Ni hindi niya kinamusta ang lagay ng baby ko.

Ang isa pang pinagtataka ko ay parang guminhawa ang pakiramdam ko nang itigil ko ang pag inom ng gamot ko. Hindi ako naglakaroon ng mga episodes. Parang normal lang ulit ang lahat.

Tito Jose is Mommy's friend. He is a psychiatrist. Siya ang kinakausap ko tungkol sa kalagayan ko. Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil iyon ang gusto ni Mommy. Kay Tito Jose niya lang ako pinapatingin.

"Darling, hinihintay ko ang tawag mo." Tito Jose has this creepy old man voice.

"M-mommy told me to call you po." I said.

"Now, pwede mo bang ikwento ang mga nangyari this past few weeks?" Sabi niya.

Nagsimula akong ikwento lahat, simula sa mga nalaman ko na may kabit ang asawa ko. Na kapatid ko si Veronica sa labas at nang malaman kong buntis ako.

"What is your name?"

"C-camille Galico." Sagot ko.

"Who is your husband?"

"Guideon Vallente."

"Do you love him?" Nakapikit ako at nag e echo sa pandinig ko ang sinasabi ni Tito Jose.

"No." Napadilat ako nang kusang lumabas sa bibig ko ang salitang 'no'.

"You only love Guideon, Camille. Repeat after me." Paulit ulit na nag e echo.

The Second WomanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt