Chapter 37

28.4K 395 34
                                    

GUIDEON

The boys are busy grilling barbecue for dinner. Ang mga kasama naman nila ay busy sa pag inom ng cocktail drinks habang nakaupo sa mga beanbags na nakalatag sa dalampasigan.

Gigantes Island is not like any other beaches, walang signal ang cellphone dito, lalo na ang mga smartphone. So the owner,Harris keeps another phone for important calls. The resort has a little satellite for wifi connections but it's to small to cover the island kaya sa mismong resort lang gumagana ang wifi. Hindi ko alam dahil wala din naman ako sa mood na tumingin sa internet.

Earlier today, I had a little talk with Xander. He told me that the only thing for me to be completely happy is if I let go of my past. Ang sabi niya, kailangan kong magsimula sa pinaka umpisa. Which means I have to talk to Camille and have the closure that was suppose to happen almost two years ago.

Kaso, hindi naman iyon ang nasa isip ko. Veronica is the only one in my mind. Nakasalampak ako sa buhangin habang nag iisip. Siyempre siya lang naiisip ko. Lumagok ako sa hawak kong bote ng red horse at tumingala. You can clearly see the sky in here. Masyadong makinang ang mga bituin.

Naisip ko, paano kung isa siya sa mga bituin na 'yan? Can she see me right now? Alam niya kaya kung gaano ako ka miserable ngayong wala siya dito sa tabi ko? I can almost see her face in the sky. Tuluyan na akong humiga para mas matitigan ang mga bituin.

Ganito pala 'yung sinasabi nilang pagmamahal. Kahit ang tagal na nung huli ko siyang nakita, hindi pa rin siya nawala sa puso ko. I've never been with another woman since she left. Even with Camille, hindi ko na kayang makipag siping sa kanya noon. Palaging si Veronica lang ang nasa isip ko. Siya lang ang gusto kong makita, makasama, mahalin.

Hindi ko namalayang tuloy tuloy na pala ang pag agos ng luha ko. Tangina, umiiyak nanaman ako. Hindi naman ako 'yung tipong tao na basta nalang nagpapadala sa damdamin eh. Hindi ko talaga kaya, masyadong masakit.

"Umiiyak ka ba?" Tumingala ako upang tingnan kung sino ang nagsalita. Nakita ko si Xander na nakayuko sa akin habang may hawak na bote ng alak.

Nag iwas agad ako ng tingin. Sminghot pa ako at pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko.

"H-hindi ah!" Pag de deny ko.

"Weh? Umiiyak ka eh! Uy! Nag bibinata na siya." Utas ni Xander.

Napahalakhak nalang din ako sa pag bibiro niya at saka bumangon. Pinagpagan ko ang mga braso ko at lumagok muli ng alak. Sinilip ko si Xander na nakatingin lamang sa karagatan.

"Ang hirap, pre. Hirap mag panggap na masaya." I confessed.

"Sa tingin mo ba, matutuwa si Veronica niyan kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka?" I smiled a little.

She wouldn't want me to be sad. Palagi siyang gagawa ng paraan para maging masaya ako.

"Oh, ngumingiti ka na mag isa ngayon? Malala na yan, dude." Pabirong utas ni Xander.

"Naalala ko lang siya. Naalala ko nung magkasama pa kami. Ang tanga tanga ko kasi pinakawalan ko pa siya." Tumitig ako sa karagatan.

"I also felt that way when I almost lost Scarlette and our son. Pero tingnan mo, andito kami. Masaya." I heard the sincerith in Xander's voice.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon