Chapter 33

30.3K 507 52
                                    

Veronica

"Sigurado ka bang gusto mong bumalik ng Gigantes?" I was on the phone with Scarlette. My friend.

Umalis ako ng Manila na hindi nagpapaalam sa kanila. Last week ko lang sila ki-nontact ni Tiffany, they told me they were sick worried about me nang pumutok ang balita.

Ang nangyari sa birthday party ni Daddy ay naglikha ng ingay sa media. Kaya ginusto ko ring magpaka layo layo dahil hindi healthy para sa akin at sa baby ko ang ganoong environment.

Dahil rin sa issue, marami sa mga investors ko ang nag back out. Gayunpaman, nanatiling stable ang sales at stats ng modeling agency at clothing line ko. Iniwan ko muna sa OIC ko ang lahat ng mga gawain sa Manila, paminsan minsan, ini email sa akin ang files kung kailangan ko talagang pirmahan ang mga iyon. Pero napaka hirap na maghanap ng signal sa Gigantes. Kahit na nasa pinaka tuktok ng isla ang bahay ko, pawala wala pa rin ang signal.

"Yes Scar. Please do me a favor and don't tell your fiancé my whereabouts. Mahirap na." Na kwento kasi sa akin ni Scarlette na nag propose sa kanya kamakailan lang ang kanyang long time boyfriend na si Alexander.

"Of course, V. What are friends are for, right? It's just that, I miss you. And I wish Tiff and I are there to help you."

Mahirap para sa akin ang makahanap ng totoong kaibigan. Especially after what happened. Kaya naman sobrang thankful ako na kahit dadalawa lang ang kaibigan ko sa mundong ito ay nandyan pa rin sila para sa akin.

"It's okay! You can visit me sometime." I said.

"Basta alagaan mo ang sarili mo at ang magiging anak mo. Ilang buwan lang pala ang pagitan natin." She said.

"Sure. I have to go. I'll call you when I can."

Nag paalam na din si Scarlette matapos kong magpaalam. Bumalik ako sa pag-aayos ng aking mga gamit. Dalawang linggo rin akong nanatili sa City dahil sa takot kong maulit ang pag s-spotting ko. Walang ospital sa Gigantes, tanging kumadrona lang ang mayroon don. Kaya naman ang plano ko sana'y babalik ako ng City kapag kabuwanan ko na upang dito manganak.

Hindi rin naman pala ganon kahirap na mamuhay mag isa nang malayo sa kanila. I actually felt refreshed. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang magiging kapakanan ng anak ko. Saka ko na uli po problemahin ang mga naiwan ko sa Manila. Sa ngayon ay nag fo focus ako sa pagiging malusog dahil ayokong lumabas na may komplikasyon ang baby ko.

I never contacted my dad when I left Manila. Hindi rin naman niya ako sinubukang contactin o hanapin. Marahil ay masaya na sila ngayon dahil wala nang tinik na sagabal sa pamilya nila. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib. I shouldn't be thinking about this. Tinapos ko na ang pag e empake.

Hinubad ko ang suot kong robe at tanging underwear nalang ang suot ko. Tiningnan ko sa salamin ang umbok sa aking puson. Medyo malaki na iyon dahil mag lilimang buwan na rin ang baby ko. Hinaplos ko iyon at nagbihis.

Ilang sandali pa ay handa na akong umalis. Pinatawag ko si Mang Maning at siya na ang nag buhat ng mga gamit ko para sa akin, gustuhin ko mang ako na ang gumawa niyon ay hindi rin pwede dahil bawal akong mag buhat ng mabibigat.

Tatlong oras nanaman ang bubunuin ko bago ako makarating ng Bancal. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa tanawin. Kahit isang beses kasi ay hindi ko sinubukang mag bukas ng internet dahil natatakot lamang ako sa pwede kong makita.

Camille

Hindi ko na nagawa pang lumabas ng bahay. Pakiramdam ko kasi ay wala akong maihaharap sa mundo. Pagkatapos ng huli naming ingkwentro ni Guideon ay hindi na talaga siya bumalik sa bahay namin. Wala akong naramdamang sakit sa pag alis niya, parang nabunutan pa nga ako ng tinik. Siguro kung mayroon akong nararamdaman ngayon, iyon ay guilt.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon