Chp. 21 "Emergency Call."

65 2 0
                                    

Sorry po talaga guys kung minsan na lang ako makapa-update ang dami ko lang pong ginagawa, as in super busy  lang po sa college, so, ayun sana po ay nakapaghintay kayo :)

Salamat po sa mga sumusuporta at naniniwala na buhay pa ako xD Wahahah! Biro lang :D

Again! Salamat ng maraming maraming salamat po!

~

Earl's POV.

"Wooh! Mabuti naman at successful ang naging last stage performance natin, sa wakas at makakapagpahinga na din." Sabi ni Clint sabay higa sa sofa. Sabagay, talagang nakakapagod ang huling performance namin.

Nandito kami sa Hotel sa kwarto ni Jhonny since kakatapos lang ng performance namin. Bukas na ang uwi namin dahil sa sobrang pagod namin ay hindi na namin kinayanan ang umuwi pa, baka kapag bumiyahe kami ay bukas ng umaga din kami makarating. 

"Jhonny, punta na ako sa kwarto ko ah. Magpapahinga na ako." Saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Libby's POV.

"Ouch!" Napalingon ako sa taong nakabunggo ko. "E-Earl!"

"Sa'n ka galing at bakit nagmamadali ka ata?" Tanong niya. Napayuko ako napakamot sa ulo.

"Ah eh kasi, naghanap ako sa labas ng mabibilhan ng burger kaso wala akong nakita eh." Nilingon ko siya, nakita kong nakataas ang isa niyang kilay. Kinakabahan tuloy ako sa mga tingin niya eh, tinging hindi kumbinsi.

"Sa tingin mo ba meron nun ditong mabibilhan? Libby, nasa isang hotel tayo at isa pa halos alas-onse na ng gabi. Anong aasahan mo? Na meron pang bukas na convenience store dito?" Patay, nagalit ko pa po ata siya.

"Pa-pasensya ka na." Ang nasabi ko na lang. Kasi naman eh, bigla akong naghanap ng burger dahil sa ewan ko. Gusto ko lang. "Ah nga pala, bakit ka nasa labas? Nasa loob pa ba sila ng kwarto ni Jhonny?" Tanong ko.

"Lahat sila nandun pa, lumabas lang ako dahil pupunta na ako sa kwarto natin at matutulog na." Bigla akong natigilan sa pagsasalita. Iba ang pumasok sa isip ko nung sinabi niyang 'kwarto natin'.

Hala ka Libby! Hindi ito ang oras para mamula at kiligin!

"Ah hehe, ga-ganun ba?" Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko eh.

"Ikaw hindi ka pa ba matutulog?" Napalingon ako sa kanya, ooops! Wrong move, bahagya kasi siyang naka-bend at pinantayan ako. Ngayon nakatitig siya sa mga mata ko. Wala naman akong makitang iba sa titig niya. Cold as always pero itong dibdib ko kabog ng kabog. Kinakabahan ako at di ko alam ang sasabihin ko.

"Ah ano, ma-matutulog. Kaso kasi ano...  Kasi... Dun ka pa din ba sa stretcher matutulog?" Biglang natanong ko.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now