Chp. 13 "A Bestfriend of Janea."

92 3 0
                                    

~

Francheska's POV.

Nandito ako ngayon sa office ng student council president at meron akong inaasikasong importanteng appointment. Sakin kasi naiutos ni Janeah ang pagre-re-arrange ng office para sa pagdating ng bagong campus muse na si Fariz. Kaya naman busy din ako ngayon.

Mayamaya pa ay natapos na namin, kasama ko ang ibang members sa pag-aayos kaya mas napabilis ang pag-aayos namin.

"Okay guys. Siguro naman okay na ang arrangement natin para sa welcoming ng ating new campus muse." Sabi ng secretary namin.

"Ah Chescka? Bakit nga pala busy ulit si Janeah?" Tanong sa akin ng secretary.

"Actually, bukas kasi ng gabi ang labanan sa Campus Escort. At alam mo naman siguro na hindi lang yun ang inaasikaso ni Janeah right?" At na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.

Ito kasing si Janeah eh, gumagawa na naman ng paraan para hindi na tuluyang makasali sa kahit ano mang event ang naisip niya ang 'The Chasers'. Hayss, kailan kaya titigil ang babaeng yun.

Since walang klase ngayong cause whole week is a celebration of a special activity event na plinano ni Janeah. Yung nga yung 'Search for the New Campus Muse and Escort'. Lahat ay naghahanda para sa kani-kanilang pambato kaya ayun, masasabi ko ding bongga talaga ang competition na ito.

Lumabas muna ako saglit ng office at pumunta sa Cafeteria. Bumili lang ako saglit ng makakain ko dahil nagugutom na talaga ako. Habang nakapila ako sa estasyon ng drinks ay may naramdaman ako na may pumila bigla sa likuran ko since ako yung nasa last kanina.

Narinig ko na kinikilig at may pinag-uusapan yung mga babaeng estudyante dito sa Cafeteria. Bakit naman kaya at sino ang pinag-uusapan nila. Di ko na lang pinansin. Kinuha ko na yung wallet ko para kumuha ng 10 pesos since ako na ang susunod pero bigla na lang nalaglag ang sampung pisong buo na hawak ko at gumulong ito sa malayo. Hinabol ko naman yung pera ko at nakuha ko naman. Babalik na sana ako sa pila ko ng makita ko ang isang lalaki na naglaglag na ng pera niya at kinuha na ang binili niya.

Aba teka? Singit to ah!?

Umalis na siya habang iniinom ang binili niya. Pumunta naman ako sa station at sa kamas-malasan nga naman oo! Wala na yung paborito kong Soda! Last na pala yun? Hayss! Badtrip! Mukhang siniwerte ang lalaking yun ah.

Sayang hindi ko nakita ang mukha niya. Likod lang at side view ng mukha niya ang nakita ko kaya hindi masyadong malinaw. Tsk. Tubig na nga lang ang bibilhin ko, badtrip talaga!

Bumalik na lang ako sa office habang kinakain yung isang small size ng pizza. 4 slice to kaya naman busog na ako.

Pagdating ko ay naabutan ko si Fariz na nasa labas ng office at nakaupo sa isang upuan sa labas. Nilapitan ko naman siya.

"Hi Fariz!" Bati ko saka ako tumabi sa kanya.

"Ah diba ikaw si Franchescka Divine Ortega?" Tanong niya sakin

"Ah yeah. How did you know my name?" Tanong ko naman.

"Ah, kasi tinanong ko yung pangalan mo sa secretary saka natandaan ko kasi ang mukha mo. Diba sayo ako nag-abot ng form ko?" Tanong niya.

"Ah yeah. Ahm, nailipat mo na ba ang mga gamit mo? Meron ka ng table sa loob." Pag-iiba ko.

"Yeah, nailipat ko na lahat ng gamit ko. Salamat nga pala sa pagtanggap sakin dito. Don't worry gagawin ko yung best ko to do my job." Napangiti ako sa kanya.

"Well, tutulungan ka namin. Basta wag kang mahihiya na humingi sa amin ng tulong ah." Sabi ko naman. Nag-nod lang siya sakin saka ngumiti.

Habang nagkakakwentuhan kami ni Fariz ay may biglang tumawag sa kanya. Nagpaalam muna siya sakin at lumapit doon sa babaeng tumawag sa kanya. Mayamaya pa ay umalis sila at mukhang mag-uusap sa ibang lugar. Napabuntong hininga na lang ako at kinain ang huling slice ng pizza ko.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now