Chp. 5 "I Agreed."

127 5 0
                                    

Chp. 5 "I Agreed."

No Author's Note

~

Libby's POV.

Narating ko na din ang room na sinabi sakin ni Mrs. Cornelia. Bago ako kumatok ay nag-pray muna ako at nag-inhale exhale. This is it! Kailangan hindi ako kabahan at matakot para mapaniwala ko siya na sincere ako sa paghingi ng tawad sa kanya.

Kumatok na nga ako saka ko pinihit ang doorknob at pumasok. Nakita ko siya na nakaupo at mukhang hinhintay ako. Kinabahan ako at biglang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Naiilang ako at basta halo halo ang nararamdaman ko. Pumasok na lang ako at saka ko inayos ang tayo ko.

"Tell me your name." Utos niya. Nagulat ako dun kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko na seryoso naman siya kaya lang medyo iritado pa din ang mukha niya.

"Ah, magandang umaga sayo Earl. Ako si Libby Azona Arcangel. Ahm.." Tiningnan ko naman siya. Diretso lang ang titig niya sakin. Nakurap pa ba ito? Lalo tuloy akong kinakabahan eh.

"Naparito ako kasi gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko nung gabi ng concert niyo. Sana mapatawad mo ako sa nangyari. Hi-hindi ko po talaga ginusto na masira yung concert niyo. Patawarin niyo po ako." Yumuko ako at pinikit ko ang mga mata ko. Napakagat na din ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba. Pinagsisisihan ko na talaga yung nangyari.

Naramdaman ko na lang na tumayo siya at naglakad palapit sakin. Naidilat ko ang mga mata ko at naiangat ko ang ulo ko para tignan siya. Tumigil siya sa harap ko at biglang naningkit ang mga mata. Kinabahan ako, galit kaya siya?

"Sa totoo lang ay hindi ko tanggap ang paghingi mo ng tawad sakin. Ang ginawa mong yun ay unforgivable." Matigas na pagkakasabi niya at matatalim ang mga tingin niya sakin.

Bigla ay naramdaman ko yung sakit. Kungsabagay tama siya. Tama nga naman ang sinabi niya. Bakit ba kasi ginawa ko pa yun? Ang sakit pala sa feeling na yung taong mahal mo ay may galit sayo. Galit sa ginawa mo. Pero di ko naman siya masisisi.

Napayuko ulit ako. Pinipigilan ko na huwag tumulo ang luha ko. Kasalanan ko naman ito eh, i deserve this. Napatahimik na lang ako at nanatiling nakayuko. Hinhintay ko na lang na meron siyang sabihin o kung ano pa.

"Sa totoo lang, ayoko ng makita ka pa. Pero, naisip ko na dapat kang bigyan ng punishment sa ginawa mo ng sa ganun, kahit konti ay mabawasan naman ang inis ko sayo." Tumalikod siya at kinuha na ang mga gamit niya. Pagkatapos ay lumapit muli siya sakin at may iniabot na isang folder. Kinuha ko naman pero para saan naman kaya to?

"Signed that contract so you can start your day by next week, yan ang bayad sa ginawa mong kasalanan." At pagkatapos noon ay lumabas na siya. Nagtataka namang binuksan ko yung folder at binasa.

Nanglaki ang mga mata ko matapos kong mabasa ang mga nakasulat. Isang buwan na paninilbihan bilang isang personal assistant ng 'The Chasers' at katulong. May sahod ako na 10k a week. Ha? As in 10000Php? Wow! Payag ba ako?

Pero, gusto ko na din kasi na patawarin akoni Earl kaya sigur i okay na din na pumayag ako. Saka isa pa, gusto ko na din mapalapit sa kanya ng sa ganun ay mapatunayan ko na mali siya ng pagkakakilala sakin. Napabuntong hininga na lang ako.

~

Aryl's POV.

Nung umalis si Libby para makipagkita kay Earl ay lihim ko siyang sinundan. Hindi ko kayang magtiwala kay Earl lalo na ng marinig ko yung sinabi niya na pinaplano niya para kay Libby. Naku! May mangyari lang talagang masama sa bestfriend ko patay sakin yang Earl na yan!

Sumilip ako ng konti sa may bintana at nakita ko sina Earl at Libby na seryosong nag-uusap. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila pero nakikita ko sa facial expression ng bestfriend ko na hindi maganda ang nagyayari sa loob. Kainis! Kung pwede lang pumasok eh susuntukin ko ang pagmumukha ng lalaking yan!

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now