Chp. 12 "The Campus Muse, Fariz."

108 5 0
                                    

~

Fariz' POV

"So, talagang desidido ka na diyan sa plano mo na pagsali-sali sa competition na yan?" Tanong sakin ng best friend kong si Havannah. Tumango lang ako sa kanya.

Umupo kami sa may isang vacant table sa may Cafeteria habang dala-dala ang lunch namin na nakalagay sa tray.

"Well, that's okay! Susuportahan kita. Kailan ba ang laban?" Tanong ulit ni Havannah.

"Actually, bukas na siya kaya naman naghahanda na ako ngayon."Sagot ko naman.

"Bukas? Naku! Mukhang mali-late ata ako bukas ng dating. Meron kasi kaming date ni Clint. Alam mo naman na ayokong palagpasin ang pagkakataong ito best!" Bigla akong natigilan sa pagsubo. Napatingin ako kay Havannah. Masaya siya dahil napansin na siya ng long time crush niya na si Clint na ngayon ay boyfriend na niya.

"Ahm. Ganun ba? Sige okay lang best kung bukas ay hindi ka makakarating. Naiintindihan ko naman eh. Promise." Ngumiti pa ako sa kanya para hindi niya mapansin na medyo nalungkot ako.

"Yay! Salamat talaga Fariz! Promise! Babawi na lang ako sayo next time ah." Ngumiti lang ako bilang tugon.

Matapos ang break time at konting kwentuhan ay pumasok na kami sa mga klase namin. Ngayon na ang last day ng pasok dahil bukas hanggang biyernes ay School Fest na. Kailangan ko pang maghanda para sa event bukas.

Nakita ko na kumaway pa sakin si Havannah habang papalayo siya at unti-unting nawala sa paningin ko.

Alam kong mali, pero hindi ko maiwasang magselos kay Havannah. Matagal ko ng gusto si Clint at si Clint ang dahilan kung bakit gusto ko din ng kasikatan. Gusto kong mapansin niya ako, gusto ko din mapalapit sa kanya. Pero mukhang malabo na ata yun. Ayokong saktan ang best friend ko kaya hanggang sikreto na lang ito. Ganunpaman, gusto ko pa ding manalo bilang isang Campus Muse dahil sa isa pang dahilan.

At bukas na bukas din ay malalaman na ng lahat.

~

Xander's POV.

Isang malakas na tawa mula sa miyembro ko ang bumulaga sakin ng pumasok ako sa studio room namin. Kumunot bigla ang noo ko dahil hindi ko gusto ang tawa ng mga loko-lokong ito. Nakita ko na may isang papel na tinitingnan sina Earl, Brent, at Aljon. Wala sina Clint at Vince at ewan ko kung nasa'n sila.

"Ano yan?" Inis na tanong ko. Saka ko kinuha ang papel sa kanila at binasa.

"Mukhang galit na galit talaga sayo ang bagong presidente ng college council ah." Matawa-tawang komento ni Earl.

"Sayang, sasali pa naman sana ako." Kunwaring malungkot na angal naman ni Brent.

Naningkit bigla ang mata ko at parang may gisto akong komprontahin ngayon.

"Anong karapatan niya para bawalan tayo sa event bukas?" Madiin na pagkakasabi ko.

"Dude, sagutin mo na kasi siya." Pang-aasar bigla ni Brent.

"Tss. I'm serious! Sa ginawa niya ay hindi niya binigyan ng karapatan ang 'The Chasers'! Sumusobra na talaga ang babaeng yan!" Bigla akong napalabas sa studio.

Pupuntahan ko ang office niya. I can't believe this. Bawal kaming maging candidates, maging performer even a judge? Tss. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Gagawin niya talaga ang lahat para mawala kami sa school nito.

"Ganun pala ha? Sige, pagbibigyan kita sa larong gusto mo. Janeah." Huling sabi ko bago pa ako nakaharap sa pinto ng office nila.

Maraming students ang nakatingin sakin at lahat sila ay takot. Siguro dahil sa nakunot ang noo ko at sa itsura ko na galit na galit. Well, hindi ko nga alam kuung bakit hindi man lang natatakot sakin ang babaeng yun. Kailan ba siya susuko?

I Honestly Hate You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon