Chp. 16 "This Annoying Arrogant Man."

92 4 1
                                    

~

Libby' POV.

Kinabukasan...

Pumunta na ako sa Mall kung saan magkikita nga kami ngayon ni Aryl. Dala ko na ang mga gamit ko dahil mayamaya ay darating na din ang sundo ko. Nag-text kasi kaninang umaga sakin si Earl na meron daw siyang pinadalang driver na magsusundo sakin.

So, habang naghihintay ako dito sa may isang coffee shop ay may sinusulat ako sa diary album ko. Well, kinikilig na naman kasi ako kasi nga magsisimula na ang matagal ko ng pinangarap. ang makasama at ang laging makita o makausap si Earl. Di ko akalain na mangyayari itong pinangarap ko, na ang tanging diary album ko ang nakakaalam ng lahat ng mga nararamdaman ko para kay Earl.

Kaya naman, nung mga oras na yun na nagkasundo kami ay pinagpalit ko talaga ito sa kasalukuyang trabaho ko. Nag-live muna ako doon at mabuti nga ay pumayag ang ninang ko sa pakiusap ko sa kanya tungkol dito.

Hinalikan ko muna yung diary album ko bago ko siya itago sa bag ko. 

Excited na talaga ako.

Mayamaya pa ay dumating na nga si Aryl at bihis na bihis. Lumapit siya sakin kaya naman inabutan ko siya ng coffee na inorder ko para sa kanya.

"Wow! Ganda natin ngayon ah? Pinaghandaan mo talaga ang date niyo ah. Naks naman!" Bungad na bati ko sa kanya kaya naman sumimangot siya sakin.

"Ti-next ko kasi siya kagabi na nga-ngayon na namin simulan yung napagkasunduan namin para naman matapos na agad. Saka FYI lang ah! Matagal na akong maganda." Sagot naman niya. Tinawanan ko lang yun. Halata naman kasing defensive eh.

"Atsaka, bakit ang dami mong dalang gamit? Forever ka bang maninirahan doon?" Biglang tanong niya sakin pero nginitian ko lang siya.

"Sana nga ganun edi sobrang saya ko diba?" Sagot ko sa kanya saka ako tumawa kaya naman biglang sumeryoso ang mukha niya. Natigilan tuloy ako, "Bakit?"

"Libby? Alam mo naman siguro na meron ng mahal si Earl diba? Payo ko lang sana na habang nandun ka eh turuan mo ang puso mo na wag na siyang mahalin." Seryosong sagot niya sakin.

Tipid ngiti lang ako sa sinabi niya. "Wag kang mag-alala Aryl. Hindi ko nakakalimutan yun, mukha nga lang mahirap mangako na pipigilan ko itong nararamdaman ko para sa kanya. Pero, sige. Susubukan ko naman eh kasi alam kong yun ang tama." Sagot ko naman pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Kaya mo yan." Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

After 30 minutes ay lumabas na din kami ng Mall. Nag-text daw kasi si Vince na susunduin na daw siya dahil hindi naman daw sa mall ang destinasyon ng date nila. Inasar ko pa nga si Aryl eh pero kagaya ng lagi niyang ginagawa eh todo tangi siya. Mas lalo tuloy napaghahalataan eh.

Sakto paglabas namin ng mall ay may biglang isang sasakyan ang tumigil sa harapan namin. Ibinaba nun ang glass window at bumungad samin ang nakangiti at ang gwapong si Vince. Napamangha ako, mas gwapo pala ito sa malapitan.

"Aryl? Matagal ka bang naghintay?" Sabi ni Vince.

"Ah oo kanina pa ako nagaantay dito." Sagot ni Aryl na parang plain lang. Nanlaki ang mga mata ko. Talaga itong babaeng ito gagawin ang lahat wag lang mapaghalataan na kinikilig siya ngayon.

"Ah ganun ba? Sorry." Sabi ni Vince habang kumakamot na sa ulo. Aw, wawa naman tong gwapong lalaking to. Aryl naman kasi eh!

"Aryl ano ka ba naman? Masyado ka namang atang rude niyan?" Bulong ko kay Aryl pero nag-make face lang siya sakin. Tingnan mo tong babaeng 'to? Dinamay pa ako.

"Sige na. Aalis na kami. Mag-iingat ka dun Libby ah!" Then niyakap niya ako. Pinagbuksan siya ni Vince at umalis na sila.

Ngayon ay mag-isa na akong nakaupo dito sa may park sa harap ng mall. Meron kasing park dito na para sa mga customers kung sakaling gusto nilang mamahinga. Maganda dito, merong fountain, wooden chairs at magagandang poste ng ilaw. Basta maganda ang pagkakagawa. Bigla tuloy akong nag-imagine na hawak kamay na naglalakad kami ni Earl dito sa park. Hay, hanggang pangarap na lang talaga ang lahat.

"Halika na." Bigla akong nakarinig ng lalaking nagsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko si Earl na naka-plain t-shirt and jeans at naka-sunglass siya. Kunot ang noo niya habang nakapamulsa. Parang badtrip ata siya?

"Ah, Earl- i mean sir Earl, bakit kayo po ang nagsusundo sakin ngayon?" Tanong ko.

"Nakakabadtrip kasi yung lalaking inutusan ko para sunduin ka. Nagkasakit siya kaya tinanggal ko na siya sa trabaho niya." Nanlaki ang mga mata ko.

"T-teka? B-bakit mo naman siya tinanggal sa trabaho niya? Nagkasakit na nga siya eh." Grabe naman ang ginawa niya.

"Its none of your business pwede? Ano? Tatayo ka na lang ba diyan? O bubuhatin mo yang mga gamit mo at sumunod ka na sakin." Then, tinalikuran niya ako.

Bakit ganun siya magsalita? Tss, ngayon ko lang nakita na meron palang nakakainis na pag-uugali itong si Earl. Tss.

Binuhat ko na lang yung mga gamit ko at sumunod sa kanya. Sumakay na kami sa kotse at umalis. Sa likod ako nakaupo habang tabi ko ang mga gamit ko sa gilid ko.

Walang naimik samin. Nakabusangot lang ang mukha ko at ganun din siya. Habang nasa biyahe kami ay nakaramdam ako ng lungkot. Bakit naman ganun siya? Di man lang siya gentleman. Siguro? Galit pa din siya sa ginawa ko sa kanya? Well, hindi ko naman talaga siya masisisi. Napabuntong-hininga na lang ako.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa mansyon nila. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng bahay nila saka inutusan yung mga guard na buhatin ang mga gamit ko papasok. Pagpasok namin sa loob ay inutusan naman niya ang mga katulong na i-assist ako sa magiging bagong kwarto ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang umaakyat siya sa hagdan. Di siya lumingon sakin at wala din siyang sinabi.

Napayuko na lang ako at sumunod sa mga katulong. Nakarating na ako sa bagong kwarto ko. Medyo maliit lang siya pero maganda naman. Saktong pangisang tao lang. Humiga ako sa kama ko at namalayan ko na lang na tumulo ang luha ko. Ngumiti na lang ako ng pait saka ko yun pinunasan ng palad ko.

Nasaktan pala ako sa sinabi niya? Pero bakit ngayon ko lang naramdaman ang sakit?

Mayamaya pa ay sinuot ko na ang uniform ko at nagsimula na ng trabaho ko. Naging close ko kaagad ang mga maid dito lalo na ang head maid. Lahat naman sila ay mababait.

Hindi ko nga lang naiwasan na magtanong sa yaya ni Earl. Matagal na daw niyang inaalagaan si Earl simula pagkabata. Ganun daw talaga ang ugali ni Earl simula nung nawala yung bestfriend nito at hindi ito close sa mga magulang niya. Kaya naman parang palagi itong galit sa kahit kanino. Pero mabait naman daw si Earl at mapagmahal.

Napangiti naman ako. Gusto kong makita at maranasan kung paano ba magmahal ang isang Raven Earl Cuzon.

Hay nako, nangarap na naman ako. Tigilan na nga.

Nagluto ako ng meryenda naming lahat. Hinatiran ko si Earl sa kwarto niya at nakita ko siya na nagla-loptop.

"Ah sir, pasensya na po sa distorbo. Kumain po muna kayo ng meryenda." Sabi ko.

"Ilapag mo lang diyan." Plain na sagot niya at hindi siya tumitingin sakin.

Tumalikod na ako at aalis na sana pero natigilan ako sa mga sinabi niya.

"Next time, ayokong ikaw ang magdadala ng pagkain sakin. Okay?" Sabi niya. Nag-nod lang ako saka na ako umalis.

Sa labas ay napabuntong-hininga na lang ako.

Hayaan mo na Libby. Basta, intindihin mo lang siya.

Yun lang ang sinabi ko at bumaba na ako.

~

:)

#LadyEmina

I Honestly Hate You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon