Chp. 19 "Even Just A Friend."

74 3 2
                                    

~

Libby's POV.

Matapos ang nangyaring performance ng 'The Chasers' ay dumiretso na kami sa Hotel na pansamantalang tutuluyan namin for 2 days. Meron pa kasi silang commercial at photoshoot bukas kaya naman naisipan ni mng. Jhonny na dito muna kami tumuloy for 2 days hanggang matapos ang project ng 'The Chasers'.

Naguglat ako ng biglang sabihin sakin ni mng. Jhonny na iisa lang daw kami ng kwarto ni Earl dahil daw hindi daw siya nakapag-reserved ng room para sa akin. Well, kung sabagay kanina lang kasi nila ako nakilala eh. Tumingin ako sa direksyon ni Earl at nakita ko na iritado siya. 

Kinausap siya bigla ni mng. Jhonny ng private talk kaya naman naiwan ako dito sa harap ng pinto ng may biglang umakbay sakin gulat akong napalingon sa umakbay sakin. At nakita ko si Clint na parang inosente lang habang nakatingin sa direksyon nina Earl at mng. Jhonny. Hindi ko tuloy alam kung anong iri-react ko. Baka naman may cctv dito at nakita na kami? Hala! Pag nagkataon panibagong isyu na naman, naku patay! Maisip ko palang ang mangyayari kinakabahan na ako. Kaya naman tinanggal ko yung kamay niya ng dahan-dahan. Ngumiti lang siya sa ginawa ko.

"Sorry, gusto ko lang makipag-close sayo." Sabi niya sakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Kaya naman nag-nod lang ako at okay lang tuloy ang naisagot ko.

"Libby right?" Tanong niya kaya tumango lang ako.

"I like you." Sabi niya sakin kaya biglang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nagulat na lang ako ng may humila sa kamay ko, napalapit ako sa humila sakin at paglingon ko, hawak ni Earl ang kamay ko at halos mapasandal na ako sa dibdib niya sa sobrang lapit ko sa kanya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ito.

"May sasabihin ka ba Clint?" Biglang tanong ni Earl habang yung mukha niya eh nakabusangot. 

"Ah wala naman, nakipag-close lang ako kay Libby." Sagot naman ng nakangiting si Clint na para bang hindi siya apektado ng mga titig ni Earl.

"Papasok na kami sa loob." Sabi ni Earl saka niya binitawan ang kamay ko at nauna na siyang pumasok sa loob. Nagulat na lang ako ng biglang tumawa si Clint.

"Bakit?" Di ko tuloy maiwasan ang hindi magtanong. Ano bang nakakatawa?

"Ah wala lang to. Ganito talaga ako, sige na Libby pasok ka na din. Papasok na din ako." Then tinuro niya yung katabing room namin. Tumango lang ulit ako. Hindi kasi ako kumbinsi sa sagot niya.

Pumasok na ako sa loob pero sinilip ko muna si Clint, nag-wave din lang siya sakin then, pumasok na siya. Sinara ko na yung pinto at dahan-dahan na tumingin sa likuran ko.

"Ay kabayo!" Naisigaw ko bigla sa sobrang gulat ko. Paano ba naman kasi nakatayo na pala sa likod ko si Earl at seryosong nakatitig sakin. Kinabahan tuloy ako.

"doon ako sa folding bed matutulog, doon kana sa kama." Sabi niya saka na siya umalis at pumasok ng C.R. Geez, ang akward naman nito. Saka, nakakahiya ako pa tuloy ang matutulog sa kama.

Nilapag ko yung bagpack ko at tiningnan ang kabuuan ng room. Malawak siya, parang pang-family nga eh, mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng kaba. Hayss.

Pumunta ako sa terrace at mula doon ay tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng syudad. Maganda siyang tingan dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa mga biuldings at street lights. 

Ganun lang ang ginagawa ko ng biglang dumating ang bagong ligong si Earl. Hindi siya nakatingin sakin. Aakma sana akong lalakad paalis nung natigilan ako sa sinabi niya.

"Sorry." Sinabi niya yun? Napalingon ako at ngayon ay nakatingin siya sakin.

"Ah b-bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko.

"Basta." Sagot niya.

Tumango na lang ako at lumakad paalis. Bakit kaya nag-sorry siya? May ginawa ba siya sakin? Okay lang naman sakin na mainis siya sakin at magsungit. Naiintindihan ko naman yun eh.

Well, hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa C.R at nag-shower. after 1 hour eh lumabas na ako. Nakadamit na ako ng pangtulog ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Earl na mahimbing ang pagkakatulog sa folding bed. 

Nakaramdam tuloy ako ng awa. Sanay ba siya na matulog diyan? Sa tingin ko hindi siya komportable sa folding bed kasi maliit lang yun. Nakokonsensya ako kasi bukas meron silang photoshoot tapos di pa maayos ang tulog niya ngayon.

Lumapit ako sa side niya, ang cute naman niyang matulog. Napakaamo ng mukha.

Umupo ako at tumitig sa kanya.

Ewan ko ba pero masaya na ako na kahit magkaibigan lang kami ay okay na.

Even just a friend Earl, sana ay maging magkaibigan tayo.

~

:))

I Honestly Hate You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon