Chp. 17 "He Found Her Album."

78 4 1
                                    

~

Earl's POV.

Maaga akong nagising dahil performance na namin mamaya. Kaya naman naghanda na ako ng mga gamit ko na dadalhin ko dahil kasunod nun ay magche-check-in kami mamaya sa isang hotel para naman sa gagawing commercial namin bukas. Mga 1 week siguro kami hindi makakapasok pero excuse na naman kami sa university at, bago ko makalimutan. Ipinaalam ko na din si Libby since siya nga ang bagong assistand maid ng buong 'The Chasers'.

Bumaba na ako at dumiretso ako papuntang kwarto ni Libby. Papaalalahananbko lang baka kasi makalimutan. Pagkadating ko ay nakabukas ang pinto at at may mga damit na nakakalat sa kama niya. Wala siya sa loob kaya pumasok ako.

Asan naman kaya ang babaeng yun? Teka, matanong nga si manang Jen. Lalabas na sana ako ng may napansin ako sa isang table na isang decorated na notebook ba to o book? Lumapit ako doon at hinawakan ko saka ko binuksan.

Diary Album? Ngayon lang ako nakarinig ng ganun ah.

Sa sobrang curious ko ay binasa ko at tiningnan ko ang mga nilalaman ng album. Hindi ko alam kung matatawa ba ako kasi may mga picture siya dito tapos nakalagay kung anong event at kung kailan nangyari. Nice ah. Ang sipag naman niyang gumawa ng ganito?

Nung nilipat ko na sa ibang pahina ay iba na ang nakita ko. Lahat tungkol sakin na. Meron akong picture dito na nagsusulat, nagba-basketball, kumakain sa canteen, naglalakad sa hallway, nagbabasa ng libro, natutulog sa klase, pati yung bumaba ako sa kotse ko.

Hindi lang yun, lahat may message para sakin at...

sa feelings niya?

Binuksan ko yung pinakahuling post niya sa diary niya. Meron siyang drawing doon na babaeng nakayuko at umiiyak. At sa gilid nun, nakasulat ang 'i hope he will give me a chance to prove myself.'

Sinara ko yung diary album niya at pasimple kong dinala sa taas at itinago.

Wala lang, parang curious lang ako sa laman.

Hayss, ewan ko ba! Basta!

I hate her...

~

Libby's POV.

Kakatapos ko lang magluto ng umagahan ni Earl kaya naman pagkarating ko sa kwarto ko ay nag-shower na ako at hinanda na ang mga gamit ko na kaninang nakakalat sa kama ko.

Matapos kong maligo at magligpit ng mga gamit na dadalhin ko ngayon ay hindi ko makita yung album ko. Hala? Nasa'n kaya yun?

Halos tumagal na ako ng isang oras kakahanap at kakahaluglog sa mga gamit ko at sa buong kwarto ko pero hindi ko makita kung nasa'n.

Hala! Hindi pwedeng mawala yun, importante sakin yun. Halos maluha-luha na ako ng hindi ko makita yung diary album ko. Nagtanong na din ako sa mga katrabaho ko at kay manang Jen pero di daw nila nakita ang diary album ko.

Napaluha na lang ako at nagdasal na sana makita ko na siya. Napaupo ako sa kama ko sa sobrang pagod. Nagulat na lang ako ng may biglang kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko yun at bumungad sakin si sir Earl.

"Bakit di ka pa lumalabas? Kanina pa ako nag-aantay ah. Ano pa bang ginagawa mo?" Tanong niya sakin.

Yumuko lang ako at humingi ng paumanhin saka na ako sumunod sa kanya paalis. Umalis kami ni Earl na hindi ko man lang nakita yung diary ko. Makita ko pa kaya yun lalo na at 1 week akong mawawala.

~

Vince's POV.

Nandito na kaming lahat sa bahay ng manager namin na si Jhonny. Hinihintay na lang namin si Earl dahil siya na lang ang wala. At habang nag-aantay kami ay nagpapractice kami ng sayaw dito sa may practice room ng bahay ni manager.

"Kamusta ang date kahapon?" Biglang tumabi sakin si Clint. Mukhang ako na naman ang kukulitin ng mga 'to ah.

"Well, ayos na ayos naman." Sagot ko habang nagpapractice ng dance moves.

"Paano naging maayos? Kwento ka naman!" Tanong ni Brent.

"Kayo talaga! Angchi-chismoso niyo. Kalalaking tao eh." Sagot ko. Nag- 'Tss' lang sila.

"Bakit ayaw mo na lang kasing ikwento? Nabasted ka no?" Biglang singit naman ni Xander.

"Hindi. Hindi yun, malayo naman dun eh. Basta nanuod lang kami ng sine tapos sumakay sa mga rides at kumain sa restaurant. Ayun lang." Sagot ko naman. Yun lang naman talaga ang nagyari eh. Normal lang na para bang walang ilangan at hiyaang nagyari pero, hindi naman kami ganun ka-sweet pero masasabi ko na din na parang medyo close na kami.

"Yun lang?" Tanong ni Aljon.

"Eh ano pa bang hinahanap mong sagot? Saka, ang mas importante doon sa nanguaring date namin kahapon ay yung medyo komportable na kami sa isa't isa." Sagot ko naman.

"Kung sabagay. Yan naman ang talagang dapat mauna." Sabi naman ni Xander.

"Tama na nga yan! Tara na practice na lang ulit tayo." Biglang sabi ni Clint.

Mayamaya pa ay biglang dumating si Earl at nagulat kami na meron siyang kasamang babae.

Teka? Parang pamilyar siya sakin ah. Diba parang siya yung babaeng kasama kahapon ni Aryl sa mall? Anong ginagawa niya dito?

Nauna ng nagtanong si manager tungkol doon sa babae. Sinagot nanan kani ni Earl na yung babaeng yun daw ay magiging ersonal assistant namin for a month.

Agad naman kaming nakipagkilala sa babae. Mukhang ngang excited siya dahil agad niyang sinabi na fan daw siya ng grupo namin.

Afyer ng ilang minutes ay sumakay na kami sa malaking van ni manager. Tinabihan ni manager si Libby sa pangalawang upuan samantalang nasa pinakadulo naman kaming tatlo nina Earl at Clint. Nasa unahan namin sina Xander, Brent, at Aljon habang nasa unahan naman nila sina Libby at manager Jhonny. May sarili kaming driver at katabi nung driver yung personal guard ni manager, bale katabi ng driver ang personal giard ni manager.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko naiwasan ang magtaning kay Earl pero hininaan lang namin para hindi marinig sa unahan.

"Earl? Diba siya din yung babae sa concert?" Biglang tanong oo with a low tone of voice.

"Oo nga siya yun." Sagot niya.

"Bakit nga pala kinuha mo siyang alalay nating lahat?" Biglang singit ni Clint dahil narinig niya yung usapan namin ni Earl.

"Cause i hate her, gusto ko siyang mahirapan." Nanglaki ang mga mata ko sa mga sinagot ni Earl.

"Seryoso ka?" Di rin makapaniwalang tanong ni Clint.

"Of course." Medyo may inis na sagot niya samin.

"Anong binabalak mo?" Tanong ni Clint.

But he just gave us a grinned.

Napailing-iling na lang si Clint. Samantalang ako, bigla akong kinabahan.

Naalala ko kasi yung pinagusapan namin ni Aryl sa park kahapon.

"Hindi ko pinagkakatiwalaan si Earl, Vince kaya pakiusap. Hangga't kaya ko, bantayan mo ang mga nangyayari sa kanila. Please, gawin ko para sakin." Yun ang huling sinabi sakin ni Aryl kaya medyo kinabahan ako.

I don't know what do i need to do.

~

Salamuch!

©LadyEmina™

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now