Chp. 7 "Back to a Normal Life? Or Complicated Life?"

129 5 0
                                    

~

Vince POV.

"Ano? Napilayan ka na nga lahat-lahat mas pinili mo pa na yayain na makipag-date sayo si Aryl?" Napakamot ako sa ulo ko.

Nandito kami ngayong lahat sa kwarto ko at nakahiga ako sa kama ko habang silang lahat ay kung ano-anong ginagawa sa kwarto ko. Hay nako hindi na talaga ako nasanay.

"Ano ka ba naman Xander? Pagkakataon ko na yun para maipaalala kay Aryl kung sino ba talaga ako. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng lakas loob eh." Sagot ko naman. Napailing-iling siya sa sinabi ko.

"Eh paano yan? Injured ka pa?" Biglang singit samin ni Brent. Napa-smile ako sa kanila. Bigla tuloy nagtaka ang expression ng mga mukha nila.

"Oy, hindi ko gusto yang ngiti na yan ah. May tinatago ka samin no? Sabihin mo na! Dali na!" Pangungulit sakin ni Brent.

"Oo na oo na. Sasabihin ko naman eh." Biglang nagsilapitan sina Earl, Clint, at Aljon.

"Oy anong pinaguusapan niyo diyan?" Tanong ni Earl.

"Ito na nga sasabihin ko na." Isa-isa ko silang tiningnan. At lahat sila seryosong naghihintay sa sasabihin ko. Paktay, mukhang na hot-seat ako ngayon ah.

"Tsk. Ang tagal naman! Pabitin eh!" Reklamo ni Aljon.

"Cool ka lang kasi Aljon. Ano nga ba kasi yun Vince?" Kalmang tanong naman ni Clint.

"Okay ito kasi yun. Naalala niyo ba yung kinikwento ko sa inyo noon? Diba nabanggit ko noon sa inyo na meron akong childhood classmate dati na crush na crush ko? Si Aryl yun guys." Proud na sabi ko. Nagkatinginan naman sila.

"Ah yung babaeng sinundan mo kahapon? Uhmm. Maganda siya." Komento ni Clint. Bigla ko naman siyang hinagisan ng unan. "What's that for?" Tanong niya.

"Kilala ko na yang tabas ng dila mo Clint. If i were you, ngayon palang magpakatino ka na." Napangisi siya ng mahulaan niya ang ibig kong sabihin. Sa aming 6 siyang ang dakilang playboy.

"Don't worry dude. May bago naman akong pinopormahan eh." Pagmamalaki niya.

"Kahit sino pa yang pinopormahan mo dude. Wag mo ng sabihin, ayaw lang namin nakaawaan siya." Sagot naman ng napapailing na si Earl.

Nagkatawanan kami dahil nag-iba bigla ang expression ng mukha ni Clint.

Nang may biglang kumatok sa pinto ay natigilan kami.

"Bukas yan." Sigaw ko. Bumungad samin ang head ng maids namin.

"Ah senorito, pasensya na po sa distorbo pero meron po kayong bisita."

"Sino?" Tanong ko.

"Aryl daw ho ang pangalan niya." Nanglaki bigla ang mga mata ko ng marinig ko ang mga pangalanan niya.

"Ah teka lang ah!" Tapos sinara ng maid yung pinto. Hinarap ko ang mga tropa ko.

"Dude, nandito si Aryl. Umalis na muna kayo. Bukas ko na lang sasabihin sa inyo ang nangyari."

Napailing-iling sila sakin tapos sabay-sabay na nag-wave ng bye.

"Di mo na kailangan sabihin pa samin yan." Ngiting sagot ni Earl.

"Basta kwento mo samin buong details ah." Paninigurado naman ni Brent.

"Pre, balitaan mo agad ako pagnaka-score ka. Ahahaha." Sagot naman ng loko-lokong si Clint.

Binatukan naman siya ni Xander. "Tumigil ka na kasi ng kakahithit ng katol." Natawa naman si Aljon sa ginawa ni Xander.

"Ay, tama na nga yan. Umalis na kayo. Puro kayo kalokohan." At nagkatawanan pa sila habang ako naman yung napapailing. Saka na sila lumabas ng kwarto ko.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now