Chapter 17

1.2K 39 2
                                    

Woooo... Umaga na. Ito na ang first rehearsal namin. Ano kayang mangyayari.? Ano kayang kakantahin? Sweet, Pop, OPM, or LOVE SONG. ??

Hahaha. Aga-aga kung ano anong iniisip ko. Sadyang excited lang naman.

"Ang saya yata ng araw natin.?" tanong ni Alec. Bigla biglang sumusulpot.

"Oo naman Bro! Alam mo naman diba?" Get's na nya yun. SANA!

"Ang ano yun Bro? Anong meron ngayon." Hayy nako kahit kelan, sabi ko na nakalimutan na may rehearsal kami ni Crush ngayon.

"Ano ka ba naman, Tandaan mo,kahapon anong nangyari? Kaya mo yan Bro." sabi ko sa kanya. Makalilimutin.

" Ui! TJ, congrats kahapon ha!" sabi ni Warren, isang schoolmate namin.

"Ah. Tnx ha."

"Ay oo nga pala, sabi nung announcer kahapon may practice kayo everyday. Wow Bro. Kaya mo na yan, alam mo na!. Kaya naman pala ang aura eh napaka linis eh. Sus, ganyan ba pag inlove.!" Grabe talaga si Alec, di na lang ibulong ang lakas lakas pa ng boses.

"Oo nga eh, kaya naman kung ako sayo Bro. Mananahimik na lang ako kasi baka mamaya may makarinig sa atin at makarating kay Princess edi patay ako dun, at baka mag back out pa yun. Okay ba Bro?" nilakasan ko yung boses ko para mag mukang galit kunwari.

"Ay pasensya lang naman. Ikaw na masaya." sumagot pa rin ang loko.

"Oo na ako na nga ang masaya sa araw na to. Okay na,o kulang pa rin para sayo? Dagdagan ko pa Bro?" malakas na sabi ko kay Alec.

"Bago ka pa makasagot dyan, tara na nga baka malate pa tayo sa flag ceremony edi sermon na naman tayo." sabi ko bago pa sumagot ulit si Alec.

" Ito na nga oh, binibilisan na po Sir" Nakipag biruan pa. Tss..

"Yan masunuring bata." sabi ko. Ganyan talaga kami maglokohan parang mga gradeschoolers.

Tapos na yung flag ceremony. Tapos natanaw ko na rin si Princess kasama syempre ang kanyang mga friends.

Pumasok na kami sa room. Nagsimula ang klase namin. Ang boring ng klase. Parang ang bagal bagal ng oras. Kaasar. Oras bumilis ka na.Sige na. Gusto ko na ulit marinig yung boses nya eh. Hahaha! Nababaliw na si Tyrone James Anderson!

"Mukang inip na inip ka yata ngayon Tol?" tanong sakin nung kaklase ko, si Cleeve un.

"Congrats nga pala kahapon, galing mo." dagdag pa nya.

"Ah oo kasi naman ang tagal tagal naman ng klase natin, kung pwede lang paandarin ang oras,kanina ko pa ginawa." Hahaha! may nakapansin din pala sakin na boring na boring na ako sa klaseng ito.

"Oo nga Tol. Kung pwede nga lang, may date pa ako mamaya eh. Excited na ako!" Hala, kaya pala gusto ng umuwi may date ang Cleeve na to.

"Hahaha. Loko ka. Mag focus na nga tayo sa discussion na ito." Hahaha.. kung san san makakarating ang usapan namin kung di ko pa puputulin eh.

After how many hours, minutes and seconds. Last subject is M.A.P.E.H.. Yes! 1 na lang rehearsal na.

Natapos ang klase namin sa paggawa ng Yells sa team na activity namin sa P.E. Blah blah blah. Basta ang daming eklabo na sinabi ng teacher namin.

"Okay class, Understood?" sabi ni Sir.

"Opo, Yes, Yow." mga sagot ng students.

" Paalala ko lang Mr. Anderson, don't forget ang rehearsal niyo ngayon ha, sa auditorium kayo ni Ms. Santos after the class." paalala ni Sir. Kala naman niya nakalimutan ko. Never noh, ito ang araw na special makakalimutan ko.

Certified Boyfriend MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon