Chapter 16

1.3K 41 7
                                    

A/N: Please comment lang po if you want a dedication. We're giving po.. Thanks :))

--------------------------

Marielle's POV

"Ui , may talent pala si Princess noh." Lakas ng pandinig ko, narinig ko yan sa isang chismosa.

"Can't you see Pink, dumami na naman ang mga admirers mo!" sabi ko kay Pink.

"Oo nga. We're so proud of you. Hindi ako makaget over sa ginawa mo. Perfect ang pagbirit mo." singit naman ni Maridele.

"Yiieee.. Nagbablush si Pink." Haha. Asar ni Mae.

Oo nga nagbablush si Pink. Haha! Nakasmile pa ang loka.

"Ano ba kayo! Wag kayong maingay, may makarinig sa inyo, patay kayo sakin." Banta ni Pink, parang nag-iiba na yung mood nya ha, nakikipag lokohan na eh.

By the way nakaupo na kami syempre with BFF Pink. Halata sa kanya na nag enjoy sya kasi naman makasmile wagas! Inaantay na namin ang announcement kung sino ang winner. sana naman si PINK.!

"Anak siguradong ikaw na ang panalo, sa galing mong yan tumba lahat sayo." sabi nung katabi namin. Sus naman makapag react.

"Mommy naman eh." sagot nung anak nyang second year. Tsss. kala mo ubod ng galing.

Tinignan ko si Pink, pati na rin sila Mae at Maridele. Grabe kulang na lang malusaw ung mag-ina sa sama ng tingin nila.

"Excuse me, where are you getting your guts to say that?" yan na! Bumabanat na si Pink. Patay na!

Gulat naman yung mag-ina sa sinabi ni Pink.

"Mommy naman eh, ang daldal kasi. Sorry Pi--Princess, di ko naman sinasadya." Utal-utal na sabi ni Sofia.

As usual, isang matinding irap ang naging sagot ni friendship Pink. Hahaha! Buti nga.

"Okay, parents and students, hawak ko na ngayon ang magiging representatives ng school natin para sa singing competition." Feel na feel ng announcer ang pagsabi nun with hand gesture and angat angat pa nung envelop na hawak.

"Kanino kayo boto? Sa mga lalaking contestants muna." sabi nung announcer.

"TJ! TJ! TJ! TJ!" sigawan nung mga students, pati na rin sila Maridele at Mae. Hala! Pati sila na rin ata na inlove sa varsity player na ito.

Halata naman kay Pink na irita sya, kasi naman TJ, remember kung anong meron sa name na yun? Terrence Jake in short TJ. Alam nyo na yun.

"OK,OK.. Sa mga girls na contestants naman, kanino kayo boto?" tanong ulit nung announcer.

"Princess! Princess! Princess!" Wow, lahat na ata ng students Princess ang bukang bibig. Until...

"Isigaw nyo Sofia, di Princess. " sabi nung nanay ni Sofia. Grabe ipilit ba naman ang anak.

"Vitox, Tisoy isigaw nyo S-O-F-I-A, di yang Princess na yan."

"Tisoyyyy..." sumigaw na talaga, di kasi sya iniintindi ni Tisoy. Hahaha. Sinisigaw nung mga kasama nya Princess eh.

"Tisoy, Vitox, humanda kayo sakin mamaya." dagdag pa.

"Pwede ba. Manahimik na lang. " nagparinig na si Mae, ang init ng ulo.

"Ok,OK. Masyado ng intense ang laban, kaya naman alamin na natin kung sino ang panalo." sabi nung announcer.

"Wag kang mag-alala,tiyak ikaw naman ang panalo anak."bulong nung nanay ni Sofia sa kanya, Tss. Bubulong na lang rinig na rinig pa.

"Mommy, wag ka na nga maingay dyan, nakakahiya na kay Princess oh." nag-init na ang ulo ni Sofia, talagang sinagot na.

"Sssshhh.. Ilang beses dapat sawayin?" si Maridele na tuloy ang nagsalita.

Certified Boyfriend MaterialWhere stories live. Discover now