Chapter 55

865 14 2
                                    

Pink's POV

"Pink! Pink!" gulat kami nina Marielle at Maridele sa sigaw ni Mae na tumatakbo sa amin.

"Oh? Problema mo?" tanong ko,

Ang ingay nasa loob pa naman ng class room. And yes, combined subject again.. At handa na akong makita sila. Kahit nag P-PDA pa. Wala akong pake.

"Si Tyrone!!"

Sigaw ni Mae. Wala na sana akong pake sa sasabihin niya nang biglang pumasok si Anderson sa room. Galit na galit siya..

First time ko siyang makita na galit. San siya pupunta?

Huminto siya sa harap ni Elaine. "SABIHIN MO NGA SAKIN ELAINE ANG TOTOO, IKAW BA ANG MAY GAWA NETO!??" sigaw niya kay Elaine at pinakita ang isang pirasong papel.

Teka,

¥___¥

Yun yung love letter Niya para kay Elaine diba? Psh...

Pero teka, ano bang gusto niya sabihin? Bakit niya sinisigawan si Elaine? Ang girlfriend niya?

"Bakit?" classmate1

"Anong ginawa ni Elaine kay Tj?" classmate 2

Napanganga nalang ako sa bilis ng pangyayari. Hinila niya si Elaine palabas ng room... Di ko alam kung anong nangyayari.

"Anong meron? " tanong ni Alec at lumapit sa amin,

"Teka, bakit nagkaganun si Tyrone?" Maridele

"Wait wait... Makinig kayo okay!" explain ni Mae

Nananatili akong nakatahimik dahil sari saring bagay ang pumapasok sa isipan ko.. Bakit ganun ang reaksyon ni Anderson?

Ewan.. Ang gulo! At saka bakit ba nakikialam pa ako dito, diba nga wala na akong pakealam? Psh.

"Nakasalubong ko si Tyrone kanina, and then he asked me kung bakit hindi natin siya pinapansin or kinakausap.. Sobra pa ang galit ko sa kanya kaya nasampal ko siya at nasabihan ng masasakit na salita dahil nga sa panloloko niya sayo Pink.... Pero nung pinakita ko sa kanya ang sulat na binigay mo sa akin Pink, even him.. He was also surprised. At sa tingin namin, na-set up siya.. Hindi siya ang may gawa ng sulat na yun! Hindi siya!" mabilis na explain ni Mae

Gulat naman kaming lahat. Lalo na ako, ni hindi ko nga alam kung ano magiging reakson ko. Nabawasan yung hurt sa loob pero nadagdagan ng inis kay Elaine.

Kung ganun, si Elaine nga lang ba talaga ang may gawa nun?

"Shit! Grabe talaga yang Elaine na yan..... Nag away pa kami ni Tj. Shit talaga shit!" parang gusto na mambugbog ni Alec sa sinasabi niya.. Naiinis din siya.

"Tignan natin kung anong nangyayari!!" tawag ni Brandon at lumabas naman sila..

Pero ako, nagpaiwan nalang ako sa loob dahil ayokong marinig ang pinaguusapan nila ngayon. Masakit pa din sa akin. Kahit na alam ko ng hindi si Anderson ang may gawa nun. Masakit pa din. :(

"Pink, halika!"

"Sige Marielle, kayo na lang, dito na ako."

Ayoko nga kasi makita or marinig. Dahil baka sa inis ko, di mapigilang sumabog ang ulo ko at kung ano pa magawa ko kay Elaine o kay Anderson. Hindi ko kakayanin.

.....

Pero ilang minuto din, nagsibalikan ang mga nakiusyoso sa room... Saktong lumabas na si Anderson at dirediretso sa paglalakad,. Aalis siiya malamang.

"Tyrone, san ka pupunta?" Pero mukhang hindi narinig ni Anderson si Mae dahil hindi siya pinansin neto.

"BWISIT NA ELAINE YAAAAAN!!!" sigaw ni Brandon

Certified Boyfriend MaterialTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang