Chapter 9

1.3K 43 0
                                    

TJ's POV

Sakto 6pm nakarating na kami rito sa venue ng party ni Steve. Restaurant ito na medo malayo sa school namin. Mukhang familiar nga yung dinaanan namin kanina.. Yun din kasi yung way na dinaanan namin nung papunta kami sa subdivision nila Pink nung dumayo kami para magbasketball.

Sinalubong kami kaagad ni Steve.

" Steve! Happy Birthday! Tanda mo na!" bati ni Alec

" Happy birthday bro!" bati ko naman

" Salamat!! Grabe ka naman Alec 16 palang naman ako noh!" sagot ni Steve

" haa, so nandyan na ba ung buong team?" tanong ko

" wala pa sila Joseph at Louie eh, wala parin sila Alfred at Raven" sagot ni Steve

" napaaga ata kami?" sabat ni Alec

" hindi,, sakto lang. Tara pasok na tayo." yaya ni Steve

Pumasok na kami at ang una kong nakita ay sina Zac At Brandon na nauna ng kumakain.

" woy TJ nandyan na pala kau! Kanina pa namin kayo inaantay !" sigaw ni Brandon na punong puno ang bibig ng mga pagkain

" OO nga ! Oi Brandon penge nyan. Lagyan mo nga yung pinggan ko" sigaw ni Zac..

Kahit kelan talaga, basta may party, active ang dalawang ito at sila ang mangunguna sa pagkain.

" kain na kayo. Tara dun table naten." sabi ni Steve

Pumunta na kami sa mga pagkain. Then pagkatapos, umupo na kami sa table namin.

Sobrang lakas ng tugtog sa resto,, nirent pala ni Steve ito just for his birthday lang... Parang club na ang dating ng resto na to sa sobrang lakas ng sounds.

Sunod sunod na ang pagdating ng mg bisita ni Steve. Kumpleto na ang team namin. Nandito rin ung mga classmates niya ,, di ko nga lang sila kaclose kasi magkaiba kami ng section. Actually kasection ni Steve sila Pink. Ewan ko lang kung inimbita niya yung Fab four, pero mukhang malabo eh,, wala naman kasing mga girls dito sa party nya.

Naiwan ako magisa sa table namin. Sina Zac at Brandon ayun, hindi na nakaalis sa pwesto nila kanina, tuloy tuloy parin sila sa pagkain.. Si Alec naman nandun nakikipagtawanan sa mga classmates ni Steve. Yung mga ibang friends ko, nandun nagsasayawan at nagtatawanan. Ang say Lang nila panuorin.

Hays wala ako magawa,,wala bang wifi dito. Baka inaccept na ako ni Pink. Gusto ko sana icheck yung facebook ko eh.

" TJ loner ka dyan ah! Boring ba party ko?"nilapitan ako ni Steve

" ha? Hindi ah! Ang saya nga eh!" sagot ko

" eh bat ang tahimik mo dyan? Haha di ka nakikisali sa nagtatawanan dun!". Tanong ni Steve

" kakakain ko lang eh." pero sa totoo kanina pa ako tapos kumain medyo nahihiya lang ata ako ngayon,, di pa rin kase ako nakakaget-over sa nangyari kanina.

" shot tayo mamaya ah! Birthday ko naman eh!" yaya sakin ni Steve

" tss, di nga ako umiinom." sagot ko

" K J mo talaga kahit kelan. Haha kanta ka nalang pala mamaya! " sabi nya sakin

" haha sige lang!" sinabi ko nalang

Lumapit na si Alec samin.

" Bro ang sarap ng mga handa mo ah."

" haha syempre! , " sagot ni Steve kay Alec

" kaso hindi enjoy eh,, wala kasing mga chicks! Bat ba di ka nagimbita ng mga girls.. Ngayon ka lang di nagdala ng girls ah!!" sus chicks pa tong Alec na to, eh kanina nga lang takot sya kay Pink.

Certified Boyfriend MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon