Chapter 51

871 18 2
                                    

Pink's POV

" Princess, masyado pa atang maaga ha." puna sa akin ni manang

" okay lang po yan,, may mga tutor pa po kasi ako this morning"

" Ahh.. Hindi ka ba sasabay sa mga kaibigan mo? "

" baka mamaya pa po kasi yun eh. Sige na po, mauna na po ako," nagpaalam na ako.

Maaga ako nakarating sa school. Ilan ilan pa lang ang mga estudyante...

Tumambay muna ako sa may parking,, inaantay ang mga friends ko.

" Good morning Princess!" bati sa akin ng isa kong classmate

" hi. Good morning din." bati ko rin sa kanya

" sinisiraan ka pa rin ba ni Elaine? " nagulat ako sa tanong nya

" huh?"

" what I mean is,, inaaway ka pa rin ba niya? " ni-rephrase nya yung tanong nya

" Ah. Hindi na.. Mabuti nga at tumigil na siya,, last week pang hindi nagpaparamdam sa akin yun" sagot ko.

Totoo naman eh. Simula nung dumating si Anderson, Hindi na siya nangaaway...

Si Anderson lang pala makakapagpatigil sa kanya.

Speaking of Anderson,, hindi pa ako nakakapag-apologize sa kanya simula nung pumasok siya. Nasaktan kasi ako sa ginawa niya nung hinarap ko si Elaine.

Hindi ko alam kung kailangan ko pang mag-apologize sa kanya or hindi na....

" Sige Princess, mauna na muna ako sa taas ah. Ok ka lang ba dito mag-isa? "

" oo naman."

" sige. Akyat na ako." nagpaalam na yung classmate ko na kausap ko kanina.

Nagiisa na ako ngayon sa may parking... Para di ako mabored kinuha ko nalang yung cellphone ko at kinalikot ito.

1 new message

From: Jaworski

Good morning po ;))

Hahaha. As if namang Jaworski nga ang real name nya. Ewan. Ayoko na magreply. Hindi ko naman siya kilala, baka stalker pa yan. Kinailangan ko lang talaga ng makakausap kagabi kaya napilitan akong itext yan.

" Pink ! Uy aga ah! " buti at dumating na yung mga friends ko

" akala ko maaga yung mga tinuturuan ko eh."

" ahh.. Tambay muna tayo rito. Ang sarap ng hangin eh." -Marielle

Nagkwentuhan muna kami habang naghihintay sa flag ceremony.

Kung ano ano na yung napaguusapan namin.

" Kahapon pala, nakausap ko si Tyrone" nawala ako bigla sa mood nung binanggit siya ni Mae

" oh? Buti pinansin ka pa" -Maridele

" oo naman. "

" mayabang na siya ano? " -Marielle

" hindi ah. Ano ba kayo, namiss ko nga siya eh. Kasi ganung ganun pa rin talaga siya." sagot ni Mae

" talaga lang ah." -Marielle

Nakikinig nalang ako sa usapan nila

" oo nga. Nahihiya daw kasi siya sa atin kaya hindi daw niya tayo napapansin."

Ako nga ang dapat mahiya sa kanya eh.

Sa kalagitnaan ng usapan,,nabaling ang atensyon ko sa isang lalaki at babaeng magkasamang papasok sa school.

Certified Boyfriend MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon