Chapter 61 (Part One)

803 16 2
                                    

Pagkatapos ng gabing yun, parang mas naging tahimik na ako. Naguguluhan na nga din ang tatlo kung bakit paiba-iba daw ang kinikilos ko. Hindi pa nga pala nila alam ang tungkol sa amin ni Anderson.

Hindi na kami nagpansinan pa ni Anderson. Palagi na naming iniiwasan ang isa't-isa. Pero hindi pa din naalis sa isipan ko nung sinabi niyang nadiagnose si Elaine sa hospital. Pakiramdam ko naging selfish ako kaya naging ganito kami ni Anderson. Siguro kung hinayaan ko muna siyang magexplain baka naging maayos pa kami.. Mas inuna ko kasi ang emosyon ko... Oo, nakakapangsisi.

Hindi na pumapasok si Elaine.. It's been a week nung matapos ang lahat sa amin nung gabing iyon.. Maganda rin pala na kayong dalawa lang ang nakakaalam kasi hindi masyado napapansin ng karamihan.. Dahil ang main focus nila ay ang parating na JS Prom... Hindi ko na iniisip pang sumali dyan.. Una palang, ayoko na..

Kamusta na kaya si Elaine? Gusto ko nga sana siya dalawin kaso parang naguiguilty ako sa mga ginagawa ko.. Siguro tama nang si Anderson nalang muna ang bumisita sa kanya.. Total siya lang naman ang kailangan niya eh.

Wala na akong cellphone. Pinatay ko muna. Ayoko muna gumamit dahil baka hindi ko Mapigilan ang sarili ko at matext ko pa si Anderson... Ayokong isipin niya na ang weird ko..

Dalawang linggo nalang at magaganap na ang inaantay ng lahat.. Ang JS Prom.. Sabi ko nga, hindi nalang ako pupunta dahil hindi rin naman magiging magandang gabi yun para sa akin...

Pauwi na ako ngayon... Hindi ko na inintay pa yung Fab Three, mas gusto ko kasing mapagisa sa mga ganitong oras...

Palabas na kami ng school nang magsalita ang driver ko.. "Iha, birthday ng kaibigan mo hindi ka ba pupunta?"

Birthday? Sino naman?

Asdfghjjkl!

Oo nga pala, birthday ni Maridele ngayon!! Ghaaad, nakalimutan ko. Sorry sorry sorry!!

Andami dami kong naiisip. Tapos birthday ng isa sa mga bestfriends ko nakalimutan ko na.. Hayy, magagalit sakin yun pag di ako pumunta.. Tsk! Kaya pala absent siya ngayon. Pero bakit di man lang sinabi sakin ng dalawa kanina yun? Aish.

Nung ipaalala sakin ni manong yun, agad akong nagbihis para pumunta sa bahay nila. Every year naman naghahanda yun at sa bahay nila palagi ang venue... Pero since iisang subdivision lang kami,nilakad ko nalang yun..

Ang dami ng tao..in fairness, medyo bonggang handaan... Marami rin siyang inimbita na taga Northville. At meron ding galing sa dati naming school..

"Pink!" sigaw ni Mae at lumapit agad sa akin nang matanaw niya ako sa gate ng bahay.

"Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ni Maridele eh.." Lumapit din si Marielle

"Ah? Hindi noh.. Tara na sa loob, asan si Maridele?"

"Nandun.."

Lumapit na kami sa table namin.. At pinuntahan din kami ng birthday celebrant..

"Happy birthday!" bati ko sa kanya.

"Akala ko di ka pupunta." Sagot naman niya...

"Oo nga, sabi ko nga eh! Kasi diba parang problemado lagi itsura niyaaa!" singit ni Mae

"Psh, di noh." Deny ko nanaman! Tss.

Unti unti ng dumami ang mga bisita niya.... Maraming lumapit sa table namin lalo na ang mga dati naming kaklase..

Halos buong section naman yata namin ay inimbita din ni Maridele.... At dahil nakita ko si Brandon dito, umaasa akong dadating din si Anderson...

"Si Alec ba pupunta?" Tanong ko sa kanila.

Certified Boyfriend MaterialWhere stories live. Discover now