Chapter 53

869 18 5
                                    

Pink's POV

Araw araw, gabi-gabi na kami magkatext ng Jaworski na yan. Kahit papaano, nababawasan yung problemang iniisip ko dahil sa katext kong ito. Nakakaenjoy siyang katext eh.

Malapit na pala ang card distribution. Wew. Actually, sa buong school year na to, ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Ganito talaga kapag dedicated ka na sa isang bagay. Sana makapasok man lang ako sa ranking,

Habang papalapit ang araw ng mga puso at ang JS prom namin, hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag usap ni Anderson simula ng bumalik siya.

Nakakainis lang kasi natauhan na ako ngayon sa sinabi sa akin ng Fab three na baka maunahan ako ni Elaine. Haiishh..

Desidido na akong aminin ang nararamdaman ko sa kanya. At wala na akong pake kung anong sasabihin niya,,

Sasabihin ko na talaga ang tunay na feelings ko para sa kanya. Na oo, gusto ko na siya.. And I think, mahal ko na nga.

Bwisit talaga! Nakakainis! Bakit ba ngayon ko lang nalaman yun! Aaaargh..

Nandito ako ngayon sa CR, ang lugar kung saan ako pwedeng mag-isip ng matahimik.

"Sasabihin mo lang naman na gusto mo siya, Pink you can do it." kinakausap ko ang sarili ko.

Sa sobrang tense ko, naiihi ako.. Phew, pumasok muna ako sa cubicle.

Hayyy. Nakakakaba itong balak kong gawin.. Mamaya sa library. Tama! Doon ko siya kakausapin.. Sa tingin ko, masosolo ko naman siya ngayon eh.

Princess, oras na para lunukin yang pride mo. Go! Final na talaga yan.

Oops, buti nalang at sa isip ko lang nasasabi to.. May tao na pumasok sa CR. naku, kung nagkataong kausap ko sarili ko, nakakahiya!! Sobrang nababaliw na ako, di ko namalayang may tao na sa kabilang cubicle.

RELAX!,!

Lumabas na ako dahil desidido na nga ako. Naghahanda na ako..

Anderson, I like you. And I think, it's more than that. I think, I'm really falling in love with you...

Paharap ako sa salamin ng may nakita akong papel sa may sink.. Ano kaya yun?

Nakabukas siya. Parang love letter?

Sorry, sobrang curious ako.. Kinuha ko.

It goes like this:

(Elaine,

I think I'm starting to fall for you. I don't know since when but it just came through, I realized that you're everything I want ... Simula nung nasuspend ako, tinigilan ko na si Princess,,, napagtanto kong hindi siya ang karapat dapat para sa akin.. At ikaw yun Elaine..

Pinalaruan ko lang naman siya nung una,, akala ko kasi makukuha ko siya kaagad, pero hindi eh.. Nahihiya ako sabihin sa iyo ito ng harapan ... Pero sana matanggap mo ang totoong nararamdaman ko sayo.

Love,

Tyrone James Anderson)

O____O

Tama ba tong nababasa ko?

I don't know pero biglang nanikip ng sobra ang dibdib ko sa nabasa ko.. Halos di na ako makahinga..

Ang sakit. Pumirma pa siya mismo sa sulat? Gantong ganto ang pirma niya nung nag deal kami.

Shet. Naloko nanaman ako. Ayoko na. Ang sakit sakit.

Umiiyak na ako. Hindi ko na mapigilan.. Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta..

Certified Boyfriend MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon