Chapter 48

877 25 1
                                    

Dati hinihiling ko na sana pumasok na siya. Pero ngayon, mas gugustuhin ko pa na wag nalang. Kesa naman masaktan lang ako diba?

Alam mo yung akala mo may super power ka.. Kasi nagiging invisible ka sa isang tao. Nakakainis.

Hindi ko aakalaing magiging ganun siya. Tama pa rin talaga ako. Pare-pareho lang sila.

Simula ng pagpasok niya, nag iba na ang lahat. Nagbago na siya.

Ayos pa lang, porma at asal, sobrang iba!

Ang laki ng pinagbago niya. Uso pala yun?

Ni hindi na nga niya ako pinapansin eh. Kaya hindi rin tuloy ako makapag apologize sa kanya. Speaking, hindi ko talaga alam ang motibo ng Elaine na yan sa akin. Hindi ako naniniwala na wala siyang alam sa pagkalock ko sa locker at sa pagkalat ng mga flyers na nagsasabing kasalanan ko ang lahat.

Grabe siya.... Kaya simula ngayon, iiwas na ako sa dapat iwasan. Kung hindi niya ako pinapansin, then fine!

Panibagong araw nanaman to. Iintindihin ko nalang ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun. At kahit si Elaine pa, kailangan ko ng matutunan yung salitang DEDMA.

"Pink, grabe ang aga aga mo naman! Ni hindi mo kami tinext na nakapasok ka na pala." takbo sakin ng tatlo. Ah, oo nga pala! Hindi ko sila natext dahil nagmamadali akong pumasok. Gusto ko kasing umiwas eh.

"Ah sorry. "

"Oh kamus---"

Pinutol ko ang sasabihin ni Maridele, alam ko kasing tungkol yun sa pagdating ni Anderson. Ayoko na yun mapagusapan.

"Ui, alam niyo na ba yung assignment. May gawa na ba kayo? Eto oh. " sabi ko

"Ay tamang tama! Pakopya Pink..." sabi ni Marielle

"oh heto.."

Habang naghihintay kami ng klase. Sobrang free time kaya nagreview nalang ako at sila, gumagawa ng assignments..

Gosh, reporter pala ako sa Chemistry. Combined subject pa naman kami. Hayy. Hindi ako nakapaghanda. Eh kung tumakas kaya ako? Kinakabahan kasi ako eh, aish,

Mali.

Hindi ako tatakas.

Kailangan kong magreport. Hindi ko kailangang magpaapekto. Diba nga, dedma!?

Kaya kinuha ko ang notes ko at maghahanda para sa second subject namin na Chemistry.

Makikita ko nanaman siya, makikita ko nanaman sila.

Ay pucha! Powerpoint nga pala ang report. Di puwede to.!

"Wait lang ah!" sigaw ko sa tatlo sabay takbo palabas.. Pumunta ako ng locker para kuhain ko ang cellphone ko.

Syempre, lumabas agad ako, baka kasi ma-stock ulit ako eh.

Tinext ko si kuya, pero ang Tagal niya magreply. Buti nalang at di pa siya pumapasok.

Dialling Kuya.

(Oh Princess?)

"KUYA! I NEED YOUR HELP."

(Bakit? Anong nangyari sayo?)

"NO. REPORTER KASI AKO NGAYON. PERO NAKALIMUTAN KO GUMAWA NG PRESENTATION. PLEASE KUYA, I NEED YOUR HELP,"

(Ah. Sige sige, ako na bahala...)

"KUYA, NASA STUDY TABLE KO LANG YUNG REPORT KO. IKAW NA BAHALA HA, PLEASE...."

(Oo na, sige na relax lang, cge bye na at gagawin ko na ngayon.)

"THANK YOU!"

Hayy, salamat at nandyan si kuya. Hindi na ako kakabahan pramis! Pagkatapos ko siyang tawagan babalik na sana ako sa room kaso bigla akong nagulat....

Certified Boyfriend MaterialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon