33

4.7K 78 4
                                    

Chapter 33

Andito ako sa hilltop ng Angelfields. I don't want to join them in there. Masyado silang masaya dun. Samantalang ako, parang walang kabuhay-buhay. I looked around to see the lights dangling from the trees. Ang ganda nila. Sobrang ganda nila. I wished Elmo was here with me. Gusto ko siyang makasama ngayong gabi.

"I missed the entourage." nagulat ako nang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko siya. Standing just a few meters away from me is him.

"E-Elmo..."

"Sorry I'm late." sabi niya at naglakad palapit sa akin. "Am I too late?" tanong niya.

Naramdaman ko ang luha mula sa mga mata ko kaya marahas ko iyong pinunsan gamit ang palad ko.

"Yes. You're 4 hours late." sabi ko.

"No. I mean, huli na ba ko para sayo? Na mapatawad ako ng bestfriend ko?" tanong niya.

He stood in front of me at dun ko na hindi napigilan ang maiyak. He's never late for me. Siya lang naman ang hinihintay ko eh. Umiling ako at saka na yumakap sa kanya.

"Ang tagal-tagal mong dumating. Nakakainis ka. Ang tagal-tagal mo." paulit-ulit na sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib.

"I'm so sorry bru. Sorry for reacting that way. Sorry for leaving you. Sorry for walking out on you. I'm sorry." aniya habang hinahagod ang likod ko.

"Ang daya-daya mo. Nakakainis ka." I choked. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. I missed him yet I'm mad at him. Ang gulo lang.

"Alam ko. Madaya ako kasi umamin ka na pero di pa ko naniwala. I'm sorry for being a jerk. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko that night. I was surprised when you told me that yes you'll say that you love me too. And I didn't know what happened to me that night. I tried going to your hotel the next day but then sabi nila nakaalis ka na daw. I wanted to call you pero natatakot ako na baka hindi mo ako kausapin. I'm so sorry, bru. Sorry talaga." yumakap na rin siya sa akin and I tightened my hug. "Namiss kita." bulong niya.

Tumingala ako and he looked down on me, his eyes filled with love.

"I missed you too." sagot ko. Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo.

"I love you, Julie." sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at saka tinitigan siya sa mga mata.

"I love you too, Elmo." sambit ko.

"Bati na tayo ha?" aniya. Tumawa ako saka tumango. "Kasi namiss ko talaga yung kakulitan mo eh. I felt like I was alone in this world when we weren't in good terms."

"Mas namiss ko yung kakulitan mo. Wala ng nanggugulo sa kwarto ko. Wala ng akyat-bahay tuwing gabi. Wala ng kumakanta ng 1D songs kapag bored. Wal--" Nagulat ako when he kissed me. Agad ko siyang pinalo sa labi at tinignan siya ng masama. "What was that for?!" tanong ko.

"Ang daldal mo kasi. Pwede namang sabihin na 'Namiss kita bru. I love you wag na tayo mag-away uli.' Mga ganun lang. Wag na isa-isahin yung namiss mo saken. Bru talaga oh."

"But that doesn't give you the right to kiss me!"

"Bakit? Mahal kita, mahal mo ko. Tapos bawal kita i-kiss?"

"Bakit? Tayo na ba ha?"

"Oo! You told me you love me too. So technically, tayo na."

"Nope. Di ka nanligaw no. Tigilan mo ko." sabi ko saka na kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Naglakad na ako palayo at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. "Ano?!" iritang tanong ko saka siya nilingon.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon