4

4.7K 60 2
                                    

Chapter 4

Saturday. Wala akong class but I have a training in school. Sinundo ko si Julie sa kanila like always at sabay kaming pumasok.

"I'll be at the auditorium by 3 para maayos namin yung stage." sabi niya sa akin before she went off to her classroom.

Naglakad na ako papasok ng covered court at naabutan ang team na nagwwarm up na.

"Late si captain!" ani Jack nang makita ako.

"Baka kasi hinatid pa si Ms. President slash girlfriend niya." nakangising sabi naman ni Kevin.

"Baliw!" sabi ko. "Makagawa kayo ng issue ah."

"Haha. Dude, okay lang yan. Para namang di ka pa sanay." sabi naman ni Axel.

"Sanay na ko pero alam naman kasi nating lahat that Julie and I are bestfriends." sabi ko sa kanila.

"Uh-huh." tango naman nila. Alam ko namang di naniniwala tong mga kumag na to eh. They've been teasing me about this issue at kibit-balikat lang naman ako. Julie is like a sister to me.

"Oh. Magkkwentuhan na lang ba tayo dito? Baka ika-champion natin yan!" narinig namin ang malakas na boses ni Coach.

Agad kaming nagsimulang gumawa ng iba't ibang routines at pagkatapos nun ay nagsimula na kaming maglaro.

Natapos ang training namin ng bandang 3:30 kaya agad akong nagtungo sa shower room at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nagpaalam na kay Coach.

"Nagmamadali ka nanaman Magalona." puna niya nang makalapit ako.

"Tutulong pa po kasi ako sa auditorium sir."

"Ha? Anong meron?"

"Mag-aayos kami ng stage para po sa event next week." sagot ko.

"Ah. Kasama mo yung girlfriend mo?"

"Huh?" pagtataka ko.

"Girlfriend mo yung president ng SSG diba? Si Ms. San Jose?" tanong niya.

"Oo, coach! Girlfriend niya yun!" sigaw naman ni Jack. Binato ko siya ng bola at naghagalpakan lang naman sila.

"Wag kang maniniwala sa mga kumag na yan coach." sabi ko sa kanya.

Umiling lang naman si coach at natawa. Baliw?

"Well, if that's the case. Sige na. Mauna ka na." aniya.

Tinakbo ko na mula sa gym hanggang sa auditorium at naabutan silang abala sa pag-aayos ng stage.

"Yung letters amin na." narinig kong sabi ni Julie. Hinanap ko siya at nakitang nakatuntong siya sa isang 12-ft. ladder at siya ang naglalagay ng mga letters sa likod ng stage.

"Here na girl." sabi naman ni Douglas at saka inabot sa kanya ang cut-out letters mula sa styroboard.

"Hm. Move mo pa ng konti sa left, Jules." ani Mia.

"Hi guys!" bati ko sa kanila.

"Hi Elmo!" sabay-sabay na bati naman nila.

"Kapag ikaw nalaglag diyan tatawanan pa kita." sabi ko kay Julie nang makatayo ako sa paanan ng ladder.

"Subukan mo lang. FO tayo." sabi naman niya. Naisipan ko siyang lokohin at saka ko inalog ang hagdan. "Aaaaaah!!! Elmo ano baaaaa!" sigaw niya.

"Hahahahahahaha." hagalpak ko. "Joke lang. Bumaba ka nga diyan. Mahulog ka pa eh." sabi ko.

"Ts. Wag kang magulo. Kita mong naglalagay ng letters eh!" sagot naman niya.

"Bakit kasi di si Douglas ang pagawin mo niyan?" tanong ko saka hinanap si Douglas. Nakita ko siyang nakaupo sa may first row ng auditorium at nakataas ang dalawang paa sa kabilang upuan. Abala siya sa pagkain ng chips at pagttext sa phone niya. "I mean, look at him. He's just sitting there tapos ikaw nandyan sa taas."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon