1

9.2K 94 6
                                    

Chapter 1

It was early in the morning. I woke up and joined my brother for breakfast.

"Good morning kuya." I greeted him and kissed his cheek.

"Morning, buddy. Kain ka na. Manang prepared breakfast." sabi niya sa akin.

I looked at the food on the table and my stomach started growling. There are waffles, bacon, omelette and a choice of coffee, tea or juice. I sat beside kuya and we ate in silence.

"Kuya, hatid mo ko sa school." I told him.

"Hindi ka ba susunduin ni Elmo?" he asked.

"Hindi. Kanina pa nasa school yun. May training sila ng team eh. For the upcoming sportsfest." sagot ko naman.

"Ah osige. I'll bring you to school bago ko sunduin si Steffie."

"Ay! Ngayon ba kayo pupunta sa wedding planner?" excited na tanong ko sa kanya.

"Yup." nakangiting sagot niya. "Kumain ka na then maligo ka na. Baka malate ka pa eh."

I nodded saka na ko nagpatuloy ka pagkain. After breakfast, umakyat na uli ako sa kwarto at saka na naligo.

I'm Julie Anne San Jose. I'm 21 years old and a 5th year Architecture student. Boyish ako. Hindi naman tibolibambam but more of one-of-the-boys lang. Graduate kasi ako sa all-girls school nung highschool and I only have one sibling. Lalaki pa. Yun nga. Si Kuya Fort. He's 12 years older than me at spoiled ako sa kanya. Syempre! Bunso eh. Hahaha. So yun. Isa pa, my bestfriend is also a guy. Since bata kami magbestfriends na kami eh. Kasi si mama tsaka yung mommy niya, college bestfriends. And we live in the same village so matic na naging bestfriends na din kami.

"Julie! Hurry up!" I heard kuya yelling from outside my room.

Madali na kong nagbanlaw and after that ay nagbihis na ko at saka na lumabas ng kwarto. Naabutan ko si kuya na nakatayo na sa may main door kaya naman agad na kong naglakad at naunang lumabas sa kanya.

"Wala ka ng nakalimutan?" tanong niya. Umiling ako saka na niya ko hinatid sa school.

"Bye kuya!" paalam ko saka na pumasok sa school.

"Julie!" nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin.

"Uy, Jam." bati ko.

"May auditions mamaya diba?" tanong niya.

"Yeah. Tayo magpapaaudition eh. Don't forget ha? And tell Clark I need to see the final stage design. Tsaka pala, yung program flow pafinalize mo na kanila Camille. Para mabigay na natin kay chairman. Tsak--"

"Hep! Chillax ka lang. Hahahaha. Ihahatid ko sa room mo yung final program flow. Then ako na din bahala kay Clark." she said. "And yung food stalls okay na din. Nabigay na kay chairman yung budget for that."

Nakahinga ako ng maluwag saka na lang ngumiti sa kanya.

"Okay good. Sige uhm... May class pa ko eh. I'll see you guys at 4 okay?"

"Yeah sure. See you later, Jules!" saka na siya nagbeso sa akin.

Naglakad na ko papunta sa Cadd room namin at saktong kararating pa lang ng prof namin.

"Okay. Proceed with your activity." sabi niya saka na umupo sa teacher's table at nagbasa ng libro.

Ganito madalas sa Cadd subject namin. Magbibigay siya ng activity good for the whole week at hindi na magtuturo.

"Julie." narinig kong tawag ng isa kong classmate.

"Hm?"

"Paano mo nagawa yung spiral staircase? Absent ako last meeting kaya di ko nakopya yung codes." ani Hazel.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon