42

3.9K 69 2
                                    

Chapter 42

"Elmo, pinapatawag ka ng mommy mo. Dumating daw si Donya Charito." narinig kong sabi ni manang.

"Okay po." sagot ko. Humarap ako kay Julie saka ko siya hinalikan sa noo. "Ano na nga uli yung sasabihin mo?" tanong ko.

"Ha? W-wala. Nakalimutan ko na eh. Uhm... Sige na pumunta ka na muna sa inyo." aniya.

"Ha? Eh paano ka?"

"I'll be fine. Sige na, dear. Go home first. I'll just text you. Naghihintay na sayo si lola." sabi niya pa.

"Alright. I'll be back agad. Okay? Dito ako matutulog." sabi ko and gave her a chaste kiss on the lips at nagmadali ng pumunta sa bahay.

"There he is." ani mom nang makapasok ako sa main door. "Your lola's here."

Nakita kong nakaupo si lola sa couch at nakangiti sa akin. Lumapit ako saka ko siya hinalikan sa noo.

"Hi, lola." bati ko.

"Where have you been, Elmo?" tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya.

"He's been staying at Ate Julie's place, lola. He practically lives there." sabat naman ni PeeWee.

"So ikaw na si Elmo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Whatever." irap niya.

"Kay Julie? She lives next door diba?" tanong ni lola. Tumango naman ako. "Bakit di mo siya sinama dito?"

"May cast yung right leg niya lola. She met an accident a week ago."

"Ganun ba? How is she?" tanong niya. "I hope she's okay already. Sweet girl."

"She's doing good lola." sagot ko. "Oo nga pala. Napaaga po ata ang uwi niyo dito? Diba supposedly next week pa uwi mo?"

"Well, nabored ang mga pinsan mo sa Cebu kaya they asked if we can go here early."

"So andito sina Raciel?!" excited na sabi ni PeeWee.

"Yes. They're at your Tita Agnes' house. Mamaya magpupunta sila dito." aniya.

"Yehey! Ma, can I sleepover at Tita Agnes'?" paalam ni PeeWee.

"Anak, they're going to stay here overnight naman." nakangiting sabi ni mom.

"Really?! Yehey!"

"I'm going back to Julie's." paalam ko at saka na tumayo.

"Wait, Elmo. Kaya kita pinauwi saglit is because we're going to talk about your party." pigil sa akin ni mom.

"Party? What party?" pagtataka ko.

"Your birthday party, kuya." sabi ni PeeWee.

"Huh? Do we really have to celebrate that?" tanong ko.

"Yes." tipid na sagot ni mom.

"Well, I don't want to have a party." sabi ko.

"We'll have a party whether you like it or not. Kaya please lang Elmo, makisama ka naman." pakiusap ni mom.

"Fine." sabi ko at umupo ulit sa couch.

Nagsimula na silang magplano para sa birthday ko. I mean seriously, can't we just have a birthday dinner with family and friends tapos uwian na? Why do they want to have a party pa? I'm not 7 for Christ's sake.

Saktong natapos ang pagpplano nila nang dumating sina Tita Agnes. Kasama rin nila si Will at Bonna at naging maingay nanaman sa bahay.

"Dude! Namiss kita!" bati sa akin ni Raymond saka pa yumakap. "Ano? Kamusta na kayo ni Julie? Going strong?" tanong niya.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon