31

4.3K 70 3
                                    

Chapter 31

"Here." sabi ni Maqui sabay abot ng isang mug ng coffee sa akin.

Andito na ko sa bahay niya at kasama namin sina Peachy at Cielo. Silang tatlo ang sumundo sa akin sa airport at mula pa kanina nila ako di makausap ng maayos.

"Don't think about it too much. Please? Andito kami oh." sabi ni Peachy.

"Thanks." tipid na sagot ko naman. "Uhm... Maq, can I sleep first?" paalam ko.

"Yeah. Sa kwarto ka na, bee." aniya. Tumayo na ako at diretsong umakyat papunta sa kwarto niya. Habang umaakyat ay narinig ko silang nag-uusap.

"First love, first heartbreak. Hay. Akala ko pa naman happily ever after na sila." sabi ni Cielo.

"Me too. I actually thought na yung trip to Cebu niya eh may magandang mangyayari." sabi naman ni Peachy.

"Everything happens for a reason naman eh. Look at them, they have the chemistry, the spark, everything! Ang kailangan lang nila is timing. Kaso punyetang timing yan nag-inaso nanaman." sabi naman ni Maqui.

Tuluyan na kong pumasok at hindi na narinig pa ang sumunod na pinag-usapan nila. Humiga ako sa kama ni Maqui and hugged her pillow. Pumikit ako at sinubukang matulog.

Pagmulat ng mata ko ay napansin kong madilim na sa labas. Medyo mahaba ata ang naging tulog ko. Agad akong lumabas ng kwarto at naabutang kumakain sina Maqui ng pizza sa baba.

"Hey there! Pizza oh. This will make you feel better." sabi ni Peachy sabay abot sa akin ng isang plate.

"Thanks."

"Onga pala. Kuya Fort called and sabi niya bukas daw uwi nila ni Ate Steffie. You can stay here if you want." sabi naman ni Maqui. Tumango na lang ako saka tumabi kay Cielo sa breakfast bar.

"You okay?" tanong ni Cielo sa akin.

"Not quite. But I'll be fine." sagot ko. Hinagod niya ang likod ko saka ako nginitian.

"We'll stay here with you." sabi ni Peachy. "Nagdecide kami ni Cielo na mag-overnight na din dito para naman masaya tayo."

Sinubukan kong ngumiti para sa kanila. They're all I've got now at kailangan kong maging masaya para sa kanila.

"And since it's Christmas day, Merry Christmas bee!" bati ni Maqui saka niya inabot sa akin ang isang regalo.

"Merry Christmas Julie!" bati naman ni Cielo at nag-abot din ng gift.

"Ako din! Merry Christmas, babe!" ani Peachy at binigay din sa akin ang gift.

"Thank you guys. Uhm... Here. Merry Christmas." sabi ko saka ko kinuha ang backpack ko at inabot sa kanila ang mga regalo ko.

Sabay-sabay naming binuksan iyon at natuwa ako sa mga binigay nila sa akin. Binigyan ako ni Cielo ng mga libro. Si Peachy naman niregaluhan ako ng Panda fleece blanket at si Maqui naman ay niregaluhan ako ng vintage-looking instax camera.

"Ay hebigat ang gift ni Maqui." sabi ni Peachy.

"Haha. Adik. Gusto ko kasi may bagong cam tayo pag naga-outing. Lamnyona. Vain eh. Tsaka para instant na yung photos para sa photowall ni Julie. Diba, bee?" aniya.

"Yeah. Tara picture tayo." anyaya ko sa kanila.

"Ay! Game ako diyan." comment ni Peachy.

Pumwesto na kami at nagsiksikan para magkasya kaming lahat.

"Tabs, usog konti baka puro pisngi mo na makita!" ani Maqui.

"Yats, nakakahurt ka na ha! Pasko naman pagbigyan mo na ko!"

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon