34

4.8K 82 2
                                    

Chapter 34

"Matunaw naman yung kapatid ko dude." biro sa akin ni Kuya Fort.

Andito kasi kami sa isang long table habang nag-iinuman. Si Julie naman ay kasama nina Maqui, Peachy at Cielo sa bar counter at nagkkwentuhan silang apat.

"Dude, hayaan mo si Elmo. Mahal niya eh. Ikaw nga ganyan ka din kay Steffie eh. Hahahaha." biro sa kanya ni Kuya Bryan.

"Oo nga. Especially when we were still in college! Naalala mo dude?" tanong naman ni Kuya Jiro.

"Hahaha! Diba dati nga kung makanakaw ka ng tingin kay Steffie may time interval pa?" sambit naman ni Kuya Migo.

"Hoy! Walang ganun ha?!" depensa naman ni Kuya Fort.

"Oo nga wala namang ganun ah." sabi naman ni Kuya Pol. "Kasi hanggang ngayon sumusulyap pa rin siya kay Steffie every 5 seconds!"

Nagtawanan ang lahat ng kabarkada ni Kuya Fort saka pa siya patuloy na inasar.

"Hindi kaya!" sambit niya.

"Hindi daw. Osige. 5...4...3...2...1!"

Sakto naman ay napalingon si Kuya Fort kay Ate Steffie na siya namang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

"Boom!" sabay-sabay na sabi nilang magkakaibigan.

"Hoy! Nasakto lang sa bilang niyo!" depensa nanaman ni Kuya Fort.

Nagbulungan silang magkakaibigan at sabay-sabay na napatitig kay Kuya Fort. Palihim naman akong nagbilang ng 5 segundo at maya-maya ay lumingon nanaman si Kuya Fort kay Ate Steffie. Nagtawanan nanaman silang magkakaibigan at saka na lang nagkunwaring may ibang pinagtatawanan nang magbalik ng tingin si Kuya Fort.

"Elmo, diba bestfriend ka ni Julie? Naalala ko nung college pa kami pag nandun kami sa bahay nila Fort, lagi ka naming nakikita dun. Naglalaro kayo ng playstation ni Julie." sabi ni Kuya Migo.

"Oo. Magkababata yang dalawang yan eh." sang-ayon naman ni Kuya Pol. "Naalala niyo dati? Lagi natin silang inuutusan. Hahahaha."

"Oo! Tapos diba kalbo pa tong si Elmo nun?" sabi naman ni Kuya Jiro saka pa ginulo ang buhok ko. "Akalain mong tutubuan ka ng buhok, dude? Hahahahahaha!"

"Hahaha. Oo naman kuya. It was mom's idea naman to have my head shaved eh. Inasar pa nga ako ni Julie nun eh. I looked like an egg daw." sabi ko naman.

"Yeah. You looked like an egg with braces. Hahahahaha." sang-ayon ni Kuya Fort.

"Pero tignan mo nga naman no? How time flies. Kasal na kaming lahat and you and Julie are finally together. Akala nga namin hanggang playstation stage lang kayo eh." seryosong sambit ni Kuya Migo.

"Playstation stage?" pagtataka ko.

"It's an old rule to us. Sa barkada kasi namin may stages kami ng relationship ng isang babae at isang lalaki. Example, kayo nga ni Julie. You started with the getting-to-know stage. Tapos naging best buddies stage. Then playstation stage. Hanggang sa naging awkward stage and finally, the finish line stage." sabi ni Kuya Pol.

"May ganun pala?" sabi ko.

"Oo. Haha. Konti lang naman nakakaalam ng ganyan eh. Madalas kasing nangyayari yung getting-to-know stage lang tapos finish line stage na. Eh syempre sa amin, may in between. Parang itong sina Fort at Steffie. They started out as bestfriends hanggang sa ayan. Kinasal din." paliwanag naman ni Kuya Bryan.

"Pero, Elmo wag kang papaunder kay Julie ha? Wag kang tutulad kay Fort na under kay Steffie. Hahaha." sabi ni Kuya Migo.

"Hoy hindi ako under ha!" sabat naman ni Kuya Fort.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now