46

3.4K 71 3
                                    

Chapter 46

Halatang nasurprise si Julie sa ginawa ko sa kanya sa EK. Well, that's just the first part. Marami pang kasunod yan. Sumulyap ako sa kanya at nakitang nakangiti siya sa kawalan.

"Happy?" tanong ko. Napalingon siya sa akin saka tumango.

"Very." sagot niya. "Thank you."

"Anything for you." sabi ko and kissed her knuckles. "You should sleep first. Malayo pa naman tayo." dagdag ko. Tumango na lang siya saka sinandal ang ulo sa headrest at pumikit.

Nang masiguro kong tulog na tulog na siya ay nag-exit ako sa ibang toll gate. Another surprise for her. At alam kong sobra siyang matutuwa dito.

Huminto na ako sa harap ng bahay at pinagmasdan muna siya habang natutulog. Kinuha ko uli ang phone ko saka ko siya kinuhaan ng madaming pictures bago siya ginising.

"Baby, we're home." sabi ko while caressing her cheek. Dahan-dahan siyang nagmulat at saka lumingon.

"Asan tayo?" pagtataka niya.

"Andito tayo sa Batangas." sagot ko. "Halika na."

Bumaba na kami ng kotse saka na naglakad sa stonepath papunta sa resthouse. Naka-off ang lahat ng ilaw dun at ang tanging liwanag lang ay ang liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Wait." sabi ko saka kinuha ang panyo na nasa bulsa ko and blindfolded her.

"Ano to, Elmo?" pagtataka niya.

"Basta. Now, hold my hand. I'll lead the way."

Binuksan ko na ang pinto at saka na ini-on ang mga ilaw. Pagkatapos ay tinanggal ko na ang blindfold niya.

"SURPRIIIIIIIIISE!!!" sabay-sabay na sigaw nina Maqui, Peachy, Cielo, Kuya Fort, Ate Steffie, Axel, Kevin, Jack, Douglas, Mia, Jam, Camille, Jarid, Clark, mga pinsan ko, si PeeWee at si mom. Nagpasabog pa ng party poppers sina Jarid at Axel.

"Oh my god!" sabi ni Julie.

"HAPPY BIRTHDAY, JULIE!" sabi nanaman nila. Nakita ko ang tuwa at ang pagkagulat sa mga mata ni Julie. Halatang wala siyang alam sa mga plano ko.

Lumapit si Maqui sa kanya dala ang isang cake at sabay-sabay namang kumanta ng birthday song ang lahat.

"Make a wish, bee." ani Maqui. Pumikit si Julie at pagkatapos ay hinipan niya na ang 22 candles na nakapalibot sa cake.

"Yeheeeeey! Happy Birthday, Julie!" sabay-sabay na bati nila. Isa-isang lumapit ang mga kaibigan namin sa kanya saka siya binati at niyakap.

"Happy Birthday, baby!" sabi ni Ate Steffie at niyakap niya si Julie na ngayon ay umiiyak na.

"Thank you ate." aniya.

"Baby bunso! Happy Birthdaaaaaay!" bati naman ni Kuya Fort habang sumasayaw-sayaw pa. Nagtawanan ang lahat dahil sa sayaw na ginagawa niya.

"Thank you kuya!" sabi ni Julie at yumakap ng mahigpit sa kapatid niya.

"Oh wait. May gustong bumati sayo." sabi ni Kuya Fort at saka pinakita ang iPad niya kay Julie.

"Happy Birthday, princess!

"Mama! Papa!" ani Julie.

"Hi, anak!" sabi ni Tito Fernando saka pa kumaway. Kumaway naman pabalik si Julie sa kanila. "Oh. Bakit umiiyak ka?"

"Eh kasi naman eh." sabi ni Julie.

"It's all Elmo's idea." ani Tita Judith. Tumingin sa akin si Julie and I just raised my hands in mock surrender.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon