Epilogue

4.3K 74 2
                                    

Epilogue

Isang araw na lang kasal ko na. Akalain mong ikakasal na ko? At sa bestfriend ko pa. Akalain mo nga naman no? Naghanap pa kami ng iba eh sa isa't isa rin pala kami nakatadhana.

"Kuya, here are the other letters." sabi ni PeeWee pagpasok niya sa kwarto.

Andito kami sa resthouse sa Tagaytay. Sila Julie nasa kabilang bahay naman. Sa bahay nila. Kanina nga gusto kong pumunta dun eh. Kaya lang pinigilan ako ng mga ugok kong pinsan. Di daw matutuloy ang kasal pag nagkita kami ng bride.

"Thanks, PeeWee. Palagay na lang diyan sa table." sabi ko.

Lumapit siya sa akin saka umupo sa tabi ko. Umakbay pa siya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko.

"Are you excited?" tanong niya habang inaabot sa akin ang glue stick.

"Excited, nervous, lahat na. Hahaha." sagot ko naman. Nagdikit pa ko ng isang letra saka ko naman dinikit ang folded paper sa libro.

"Ako din." sagot niya.

"Kinakabahan ka?!" gulat na tanong ko sa kanya. "Bride ka ba?"

"Adik!" aniya saka pa pinalo ang braso ko. "Excited lang. Eh kasi naman kuya eh. After all these years. Finally! Ikakasal na kayo ni Ate Julie."

"Yeah. I've been waiting for this day to come too." sabi ko naman. Naglagay ako ng isang letter sa page na ginawa ko saka na nilipat yun para sa susunod na set ng letters.

"Pfft. Tell me about waiting. Paano pa kaya kaming mga unang nakaalam na kayo ang para sa isa't isa? I mean, since friends pa lang kayo eh naiisip na namin that you will be marrying each other." aniya. "Kuya, I'm so happy for you." dagdag pa niya saka yumakap sa akin.

"Thanks, PeeWee."

"You're lucky to have Ate Julie as your wife. And I'm the luckiest to have her as my sister-in-law. Hahaha."

"Ewan ko sayo. Luho mo nanaman yang iniisip mo."

"Hoy hindi ah! Syempre kasi dahil sister-in-law ko na siya mas madami na kaming time para magbonding diba?"

"Dude, ito pa yung hinihingi mo oh." napalingon kami ni PeeWee at nakitang papasok sina Will at Raymond sa kwarto. Nilagay ni Raymond ang iba pang letters sa mesa ko saka sila sumalampak ni Will sa kama.

"Tapos mo na?" tanong ni Will.

"Malapit na. Galing kayo dun?" tanong ko naman.

"Oo. Sarap nga ng pagkain dun eh. Nag-order si Tito Fernando ng madaming pizza. Tapos may chicken pa. Sila Bonna andun pa eh." sagot niya.

"Andun sila Ate Maqui?" tanong naman ni PeeWee.

"Oo. Kakadating lang nila eh. Hinahanap ka din." sagot naman ni Raymond.

"Cool! Kuya dun muna ako sa kabila ha? Wag kang pupunta dun!" bawal naman ni PeeWee sa akin.

"Uy sama na kami!" habol sa kanya nina Will at Raymond.

"Hoy pano ako?!" sigaw ko.

"Diyan ka lang! Di matutuloy ang kasal! Hahahahahaha." sigaw ni Will saka na sila lumabas ng bahay.

"Psh. Ang daya naman. They get to spend their time with her tapos ako bawal?! Unfair!!!" maktol ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at nang matapos ay humiga na ako sa kama. Bukas ko ng umaga ibibigay to kay Julie. I just hope she'll like this. I can't wait for tomorrow. Ang bagal ng oras!

*****

Tomorrow's the big day! Grabe. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Excited na kinakabahan na ewan! Mixed emotions talaga eh.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon