Chapter 43: Still.

7.6K 130 24
                                    

Mas masarap talagang magbasa ng tuloy tuloy XDD

Update na ulit. Sa Monday na yung last chapter, my gosssssssssssh! LAST CHAPTEEEEEEEEEEEEEEEEEER! GAAAAAAAAAAAAAAAAH! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! ANG PANGLIMA KONG STORY! PATAPOS NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!


Wala lang. Masaya lang ako :DD

SANA LAHAT MAGCOMMENT! YUN NALANG HINIHILING KO, SALAMAT! :))

Nga pala, iplay niyo yung kanta, hindi kayo magsisisi :DD

STILL - Frankie J :)

---Moi :)


Chapter 43

 

“Woah, ang sarap! I love it!” sabi ni Raye, ginagawa ko na ulit ang trabaho ko ngayon. Tasting, viewing at kung anu-ano pa.

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Ahm, Ma’am Raye, susukatan muna kita para sa gown mo,”

“Sige! Waaah. Baka tumaba na ko! Hala! >.<”

“Hindi Ma’am, ang sexy sexy niyo nga po eh,” sabi ni Rose Anne.

Dinala ko siya sa office ko para masukatan, umalis muna sandali si Zeiron, hindi ko alam kung san pupunta eh, kay Raye naman kasi siya nagpaalam, alangan namang sa’kin diba?

Kinuha ko na ang mga gamit ko, bago ko siya sukatan.

“May nagawa na nga pala akong design para sa gown mo,” kinuha ko ‘to sa cabinet ko at inabot ko sa kanya.

Natigilan siya nung makita niya ‘to. “Wow… ito ba talaga… I love it,” ngumiti siya sakin at niyakap ako. “Thanks,”

Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Wala dapat siyang mapansin sa mga kinikilos ko.

“Okay na ba sa’yo to?”

“Oo naman, may tiwala naman ako sayo,” tinuloy ko na ang ginagawa ko sa kanya, “Ikaw? Sexy ka rin Iris, ano bang sukat mo?”

Feeling ko namula naman ako sa sinabi niya. Kahit papano nagkalaman naman ako, pero hindi sapat para sabihing sexy ako.

“Ampayat payat ko nga eh, anong sexy dito?”

“Hahaha, edi ibig sabihin payat din ako? Game, anong vital stat mo?”

Medyo makulit siya kaya sinabi ko na sa kanya, nagitla pa nga siya dahil magkatulad kami, yep. Pati height.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon