Chapter 34: I trust you

7.2K 113 16
                                    

DRAMA ALERT! DRAMA ALERT! Aye, aye Captain! =))

ExY updates every Friday ^___^


READ // VOTE // COMMENT.


---Moisel :]




Chapter 34

 

 

Jhit’s Point of view

Tama. Yun nga ang dapat kong gawin, alam kong maiintindihan niya ko.

Natapos na siyang kumanta, hinanap ko ulit si Zeiron, nakita ko naman agad siya, malalim pa rin ang iniisip. Ano kayang nangyayari sa kanya?

“Wag mong masyadong titigan, baka matunaw” WOAH! “Hi besh!”

“Hello besh” ngumiti ako sa kanya.

“Mukhang problemado si boyfie mo ah?”

“Oo nga eh, besh…” tumingin siya sakin, nahulaan naman siguro agad niya ang nais kong iparating kaya hinigit niya ko papunta sa may ilog. Hindi pa kami pinapayagang magpunta dito pero wala naman sigurong mangyayaring masama.

“Oh besh? Anong problema mo?”

“Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko” sinabi ko sa kanya “Nahihirapan na ko”

“Bakit naman?” umupo ako sa may bato, siya naman sa may lupa.

“Si Chervin…” umpisa ko “Muntik na siyang mamatay dahil sa’kin”

“Oh, eh bakit hindi pa natuluyan? Dejoke! Ano kamo? Bakit?”

“Wag ka ngang magbiro nang ganyan Cassandra,” sumimangot siya “Nagkausap kami ni Abby”

Flashback

Lumabas ako at tiningnan siya. Ano namang kailangan sakin nito?

Naglakad siya paalis kaya sinundan ko siya, sa may hagdan kami tumigil.

“Bakit?”

“Layuan mo si Kenneth,” sinabi niya sakin.

“Wala akong balak patusin ang boyfriend mo, Ms. Escobar” nagagalit na talaga ako. Kailangan ko lang magtimpi.

“Alam ko…” nag-umpisa nang mamuo ang luha sa mata niya “…pero gusto ka pa rin niya. Bakit ba lahat nalang ng malapit sakin kinukuha mo?! Pati kapatid ko!”

“Bakit na naman pumasok sa usapan si Chervin? Wala na kaming dalawa Abby, at ngayon, alam mo naman palang wala akong balak pang guluhin kayo ni Kenneth, ano pang kailangan mo?”

“P-pano kung iwan ako ni Kenneth at ikaw ang piliin niya?”

“Hindi ko siya pipiliin,” like duh. Zeiron na nga eh. Psh. “Abby, tapos na kami ni Kenneth, wala na rin kami ng kapatid mo, wala nakong problema sa kanila.”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon