Chapter 30: Grow up!

7.7K 127 14
                                    

No regular updates. Busy na po ako, susubukan ko ulit mag-update pag may time ako. Ang pangit kasi ng sched ko. Wala nang time para mag-type.

Sorry. Ayoko pang madaliin ng sobra eh kaya pasensya na po kung sobrang kupad ng update :/

Salamat po ulit sa mga nagbabasa nito, kahit slow update. Thank you so much! :* Wala nang quota kasi kahit ako hindi ko alam kung kelan ko maa-update, susubukan kong damihan ang UD sa sembreak. Thank you ulit!

Ito na. Maikli lang po (:

Ako pa rin si Moisel. Kahit Cho o Oh gamitin ko XDDD Naman! :)

---Moi.

Chapter 30

12 AM. Inayos ko na ang gamit ko at naghanda nang umuwi, mas lalo akong napagod dahil sa nangyari ngayong gabi.

Bakit ba ngayon pa sila bumabalik kung kelan ayos na ang lahat? Kung kelan masaya na ko ulit?

“Problem, sis?” napatingin ako sa nagsalita, kasamahan ko sa trabaho “Nagbago yata ang mood mo? Porket nandito na ang boyfriend mo?”

“Hala! Pa’no niyo po nalaman?”

“Nanghuhuli lang ako, nagpahuli ka naman. So, kayo na nga ni Cloud”

“HINDI PO!!”

Nagkibit balikat lang siya. Anube. Wala talaga akong mauuto :/

Si Zeiron lang! HAHAHAHA.

“Oh, siya lumabas ka na, nasa labas na ang irog mo” natatawa niyang sabi “Bagay naman kayo eh” sabay kindat.

Syempre naman. Kami pa. HAHAHA!

“Sige po, alis na po ako” tumango lang siya at naglakad na ko palabas. Hindi ko na lang seseryosohin ang mga nangyayari, alam ko kung ano ang tama. Tatapusin ko ang kung anong meron sa’min ni Chervin at ibibigay ko ang buong atensyon ko sa relasyon namin ni Zeiron.

Lumabas na ko dala yung bag ko. patay na naman ako nito kay kuya. Napakabait ko kasi eh.

“Ui, tara na” kinulbit ko si Zeiron na ngayon eh nakaupo, tumingin siya sa’kin, tumitig at ngumiti. Gaaaah! Alam kong namumula na naman ako. “Bakit ka ba nangiti?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko, at kinuha lang ang bag ko tapos naglakad na kami palabas, niyakag ko na lang siyang maglakad kami.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon