Chapter 41: Best for her.

7.1K 110 23
                                    

Taelangs. Nakakalimutan ko kung sinong mga nagpapa-dedicate. HAHAHA! Pasensya naman :D PM niyo nalang ako. Konti nalang to. Sorry sa hindi maaabot :))


---Moi ^____^





Chapter 41


Humarap ako sa salamin ng CR ng restaurant kung nasan ako ngayon. Agad akong nag-excuse sa kanila, hindi naman imposible na magkita ulit kami pero sana hindi ganitong sitwasyon… bago naming kliyente…isa lang ang ibig sabihin nun.

Magpapakasal na ang taong mahal ko.

 

*tok*tok*

“Jhit? Ikaw ba ang tao dyan sa loob? Lumabas ka na, nalate ka na nga tapos magtatagal ka pa dyan, nakakahiya kay Mr. Montanes” lumabas na ko “Ayos ka lang ba? Namumutla ka ha?”

“Ayos lang po ako, pasensya na po. S-sige po… pupuntahan ko na siya,”

Bumalik ako sa table namin, nakaupo na siya at nung napansin niyang may papalapit sa kanya, nag-angat siya ng tingin.

Muli, blangko pa rin ang mukha niya. Ano nang gagawin ko?

“Pasensya na po Mr. Montanes, medyo sumama daw kasi ang pakiramdam ni Iris, I mean ng wedding planner niyo kaya tumakbo papunta sa CR”

“It’s fine” napakislot ako ng narinig ko ulit ang boses niya, sht. Siniko naman ako ni Tita.

Putek na!

“G-Good day, Mr—Mr. Montanes,” huminga ako ng malalim para mawala ang kung ano mang nararamdaman ko,

“Same to you,” may nagserve samin ng pagkain, sinabi niyang kumain na kami pero nakatitig lang ako sa pagkain ko.

Maya maya narinig kong tumunog ang cellphone ni Tita, agad naman niyang sinagot. Tapos bumalik siya.

“Jhit, may aasikasuhin lang ako sandali, ikaw na bahala kay Mr. Montanes ha?”

“TITA!” medyo napalakas ang boses ko nun, “Tita… please naman,”

“Kaya mo na yan, alis na ko.” humarap siya kay Zeiron “Una na po ako Mr. Montanes, si Iris na po ang bahala sa inyo, mabait naman po ito at alam kong magkakasundo kayo” tumango lang si Zeiron “Sige Jhit”

Wala na kong nagawa nung umalis si Tita. Kami na lang talaga ni Zeiron ang naiwan. Sht.

“Ahm… masarap ang pagkain nila dito,” nasabi ko nalang sabay subo ng kung ano mang nasa kutsara ko. Sheeet! Ang anghang!

“That’s chili,”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon