Chapter 39: Zei... (Part 1)

6.7K 109 18
                                    

Kadiri. Sobrang drama na pala. HAHAHAHAHA! Oh, well. :D Hindi pa po tapos 'to.

Kailangan kasi, magkakatulad ang istorya ng Montanes. HAHAHAHA! Dejk. :))


---Moi. ^___^



Chapter 39 Part 1.

Jhit’s Point of view

Tinignan kong muli ang mukha ko sa salamin sa loob ng CR. Hindi ako handa, ayokong mangyari to sa mga oras na ‘to. Kailangan ko pang tulungan ang pamilya ko.

Hindi ko namamalayang may pumasok sa loob, kung walang humawak sa braso ko.

Si Abby.

“Bakit?” tanong ko.

“Sumama ka sa bahay mamaya,”

“Ano namang gagawin ko sa inyo? Makikipagplastikan na naman sayo?”

“Whatever,” tumingin din siya sa salamin “Namimiss ka na daw ni Mommy, at alam kong gusto ka rin makasama ng kapatid ko, sa parking lot mo nalang siya hintayin, pakisabi ring hindi ako sasabay dahil may pupuntahan kami sandali ni Kenneth,”

“Pwede ba Abby, may bibig ka, wag mo nang ipagawa sa iba ang mga bagay na kaya mong gawin, at hindi ako messenger, isa lang ang usapan natin, ang alagaan ko si Chervin. Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya yan, bahala ka na sa buhay mo, hindi ako pupunta sa impyeryo niyong bahay”

At dali dali akong lumabas ng CR, bumalik ako sa canteen dahil alam kong nandon pa rin ang mga kaklase ko.

“Bakit ang tagal mo?” tanong ni Ange.

“May kinausap pa kasi ako eh,”

Tumayo ako para bumili sana ng pagkain pero nahagip ng mata ko si Pau, kasama niya si Luigi, nakwento kasi sakin ni Pau na nililigawan daw siya ni Luigi, pero wala namang paki-alam ang bestfriend ko dahil libro lang ang kaya niyang pakasalan.

Kahit ganito ang nangyari sakin, atleast, alam kong sasaya ang bestfriend ko.

*vibrate*vibrate*

Calling… Kuya Mar.

“Hello Kuya?”

“Jhit, nasa school ka ba? Baka hindi ako makauwi ha? Nasa trabaho pa ko eh, si Papa daw, uuwi ngayon kasama si Tita, mukhang maayos ayos na si Tita”

“Talaga? Mabuti naman, sige, uuwi ako agad. Ipaghahanda ko si Tita, ingat ka”

“Ingat din, sis”

*toot*toot*toot*

Natuwa naman ako sa narinig ko, mukhang unti-unti na ring naayos ang problema ko. Kahit kasi pagsama-samahin namin ang sweldo naming magkakapatid, kulang pa rin pambayad sa mga Escobar. Hindi na namin pinayagang magtrabaho muna si Papa dahil siya ang nagbabantay kay Tita. Idagdag pa ang mga gastusin ni Tita, pero alam ko namang malalampasan din namin to.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon