Chapter 40: Our new client.

7.1K 129 22
                                    

Oha! After 4 years ang drama ni Moi! XD

Eh basta... maiintindihan niyo naman eh :D

40 VOTES! :)

---Moi

After four years.

Chapter 40

“Kelangan niyo pong umattend sa reception ng client natin para makita yung progress ng company natin Ma’am, pinapasabi po ni Sir Mar na yun na lang daw po ang pwede niyong gawin dahil sila na daw po ang tumapos ng trabaho. Hala Ma’am! Wag kayong magagalit sa’kin, pinagawa lang nila to Ma’am”

I sighed. Talaga naman mga kapatid ko oh! Pati secretary ko tinatakot.

“It’s fine Rose Anne, hayaan mo na mga kapatid ko. Don’t worry pupunta rin ako dun, gusto ko din makita ang design ko habang suot ng bride ang gawa kong gown.”

After ilang years, nakagraduate din ako ng college, multimedia arts, pero pinasok ko ang kamunduhan ng fashion designing, sa ngayon nakapagtayo kami nina kuya ang negosyo, complete package para sa wedding. Ang sarap sa feeling na suot suot nila ang gawa kong design.

Matagal na naming nabayaran ang utang ng pamilya namin sa mga Escobar, puro sorry lang ang naririnig ko kay Chervin, sa huli pinatawad ko rin siya dahil wala na ring mangyayari. Si Abby, hindi ko pa rin siya kinakausap.

Sina kuya naman, dahil Hotel and Restaurant Management ang tinapos nila, sila naman ang nag-aasikaso sa catering services, oh diba? Kompleto na. At masasabi kong the best sila magluto---at ang sarap ng cake nila! Buti nalang hindi ako tumataba, ako kasi lagi ang natikim. AHAHAHA!

“Eh Ma’am, isa pa, kung busy daw po kayo”

Mula sa sketch pad ko, napatingin ako kay Rose Anne.

“Bakit?”

“You know na Ma’am, si Sir-Di-Sumusuko”

Napangiti ako sa tawag ni Rose Anne kay Ren. Oo. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumitigil sakin. Simula nang nalaman niyang wala nang lalaki sa buhay ko, sinubukan ulit niyang manligaw. Talaga naman yung lalaking yun. Pero alam niya namang hanggang kaibigan at kapatid na lang talaga ang turing ko sa kanya.

“Psh. Hayaan mo na nga si Ren, pero bagay kayo”

“MA’AM?!” histerikal na tumili si Rose Anne “Hayy Ma’am, gutom lang yan. Alis na nga ako Ma’am”

Tapos lumabas na siya. Isa rin yun sa gusto ko kay Rose Anne, marunong sumagot. HAHAHA!

** And my mates are all there trying to calm me down

‘Cause I’m shouting your name all over the town

I’m swearing if I go there now

I can change his mind turn it all---**

Napatingin ako sa cellphone ko. Ayt. Si Kuya na naman.

“Ano na namang problema mo Kuya---?”

“JHIT!”

“Wag kang sumigaw! Bakit na naman?!”

“Tumawag si Tita, may nakuha daw siyang client natin, mayaman daw! Hahaha! Pera na naman to sis.” – Kuya

“Kuya, katatapos lang natin sa isa, hindi ba pwedeng pahinga muna?”

“Iris Jane Sarmiento Loyola, walang pahi-pahinga sa negosyong pinasukan natin. Hindi tayo kikita kung hindi tayo magtatrabaho. Kaya wag ka nang tamad dyan. Ipapakilala daw sayo ni Tito ang bago nating client this week---”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon