Chapter 28: Paasa ka.

8.2K 166 37
                                    

NP: Be mine by 2ne1. Kyoooooot! :"">

        Natatawa ako. HAHAHAHA. Kpayn. Basa na.

       Ang daming silent readers. Mag-ingay kayooooooo! Yooooooohooooooooo. Kitang kita ko kayo :))



40 VOTES.


----Moi.




Chapter 28

“Ano ba kasing nangyari?” galit na galit na sigaw ni Kuya Rey “Bakit nandito siya ngayon?”

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero nahihirapan ako…

“Hindi mo ba siya binabantayan Mar? Ha?” mag-aaway ba sila dahil sa’kin? “Bakit nangyari to?”

“Kuya Rey, nagitla rin lang ako ng tumawag si….” Biglang umingay… sino? “Hindi ko alam kung anong nangyari… pasensya na kuya…”

Ngayon ko lang naramdaman, ang sakit ng buong katawan ko, hindi ako makagalaw… sinubukan kong imulat ang mata ko.

Kulay puti, ang sakit sa mata. Na’san na ko ngayon? Anong nangyari?

“JHIT!”

Nakita ko ang mga kapatid ko na halatang alalang alala.

“Ayos ka na ba?”

“Anong masakit sayo?”

“Gutom ka na ba?”

Ginala ko ang tingin sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, sa hospital to…

“Ano bang nangyari sa’yong bata ka?!” pinipigil lang ni Kuya Rey ang galit niya, pero mas pinili niyang magmukhang makalma “May masakit ba sayo?”

Umiling ako, may dextrose na nakakabit sa’kin, puro pasa rin ang kamay ko, may mga gasgas at konting dugo pa.

Ang huli ko lang naaalala…

Pagtingin ko sa sumigaw, may malakas na bagay na tumama sa’kin… nandilim ang paningin ko at parang wala akong naramdaman…

 

“Iris!” minulat ko ang mata ko pero nanlalabo ang paningin ko “C’mon Iris, please don’t sleep” hinawakan niya ang pisngi ko at marahang tinapik.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon