Chapter 36: Mas kailangan kita...

6.8K 101 19
                                    

Iplay niyo po ang kanta.

End of the road - BoyzIIMen

T_______________________________________T

Ewan ko, naiyak ako eh. HAHAHAHAHAHAHA! :D

----Moi.

Chapter 36

Jhit’s Point of view

“Hello, Chervin”

“Jhit? I-ikaw ba ‘to?”

Huminga ako ng malalim. Kakayanin ko to, para sa kapakanan niya…

“O-oo Chervin, kamusta na?”

“A-ayos lang… Jhit, ikaw? Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?” naramdaman ko ang saya sa boses niya.

“Ayos lang din, pwede ba tayong magkita? Mamaya sa school?”

“Yes, of course. Hindi mo kasi ako pinapansin tuwing nakakasalubong kita eh. May sasabihin ka ba sa’kin? Ano ba yun?”

“Mamaya nalang… kung ayos lang”

“Oo… oo naman. Magkita nalang tayo mamaya, papunta na ko sa school, gusto mo daanan kita sa inyo?”

“H-hindi na, w-wala ako sa bahay, s-sige na. Kita nalang tayo mamaya. Ingat”

“Ingat din… I miss you”

Binaba ko na agad pagkatapos niyang magsalita. Tumingin ulit ako sa bahay nina Zei… ito na siguro ang huling beses na makakapunta ako sa kanila.

Mamimiss kita…

~~~

Guizelle’s Point of view

Yaaaawn. Hayyy. Inaantok pa ko. Pambihirang Dwight yan! Hindi ako pinatulog! >___<

Oooops! Baka kung anong iniisip niyo! Kasi naman >_____<

Pinaggawa kami ng project, at dahil ka-group ko si Dwightie beybe, sa bahay namin sila natulog.

“Good morning!” Dwight

“Anong good sa morning kung mukha mo lang naman ang makikita ko?”

“Yun nga ang good sa morning, mukha ng pinakagwapo ang nakikita mo.”

“Kapal talaga, wag ka ngang makipag-usap sakin. Ni hindi ka pa naghihilamos! Kadiri ka!”

Ngumiti lang siya tapos dumiretso na sa lamesa sa kusina. Syempre joke lang yung hindi pa siya naghihilamos. Kagwapo pa rin :””>

“Kumain ka na” sabi ni Dwight sa’kin.

“Hintayin mo naman ang iba nating kaklase. Mahiya ka naman!” sabi ko sa kanya

“Eh gutom na ko eh, bakit ba?”

“Sandoval, ano ba talagang gagawin ko sa’yo?” napahawak nalang ako sa noo ko, hindi ko na ma-take ang ugali ni-----

“Love me,”

Wait… napangiti ako. Kung anu-ano nang naririnig ko.

“You heard it right, Ms. President”

“H-ha?” napatingin ako sa kanya “A-ano y-yun?”

Tinaasan ako ng balahibo sa batok at parang nanlamig ako.

“My grumpy…”

Hindi na siya nakatingin sakin pero nakikita ko pa rin ang ngiti sa mga labi niya.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon