Veinticinco

25.4K 622 170
                                    

~25~

"Halatang balisa ka ah. Ayaw mo ba siyang makita?"

Hindi ako kumibo. Ni hindi ko nga siya nilingon. Parang ayoko lang pag-usapan ang tinutumbok na topic ni Tatay.

"Sigurado akong namimiss ka na nun," dagdag pa nito sa pananahimik ko.

Hindi ko pa rin pinansin ang sinabi niya. Patuloy lang ako sa pagtap sa bintana ng kotse habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.

Dahil wala pa kaming pasok tuwing Lunes ay nagpahatid ako kay Tatay upang puntahan ang taong nasa huling listahan na gusto kong hingian ng tulong.

Kung 'di lang talaga dahil kay Mama, tss.

Pero sabagay, hitting two birds with one stone na din 'to. I promised na bibisitahin ko siya one of these days.

Edi ito na iyon.

I scheduled myself for an appointment with him. Tumawag ako sa secretary nito, which was unnecessary of me to do daw. He cancelled all of his appointments today. I know dahil naulingan ko pa ang sekretarya niya sa kabilang linya nang sabihin nitong, "But sir, you have an important meeting with the CEO of a multibillion-dollar company this Monday."

Hindi naman ako pa-important. Kaya nga nagpa-sked talaga ako ng appointment. Pero bahala siya. It's his choice. Hindi ko naman siya inutusan na i-cancel ang appointment niya. Sinabi ko lang naman na may mga bagay akong gustong itanong din sa kanya. I told him na gusto ko muna kaming mag-usap na dalawa lang. A private conversation with him. Kahit kalahating oras lang talaga.

Kaya humanda siya pag may epal mamaya.

De joke. Hahaha.

Hindi ko napigilan ang biglang pagbuntong-hininga nang may maalala.

"Tay, bakit ka nga pala nasiraan noong Sabado?" lingon ko dito.

Bahagya lamang akong binalingan ni Tatay habang patuloy sa pagda-drive. Halatang tila ayaw nitong pag-usapan ang nangyari.

"Tay..."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. "Anak, sa totoo lang, pinagbabawal sana ng Mama mo na pag-usapan ang ganitong mga bagay eh. Lalo na kapag ikaw ang nagtatanong. Kung anu-ano kasi ang naiisip mong gawin."

Napakagat ako ng ibabang labi sa sinabi nito. Ang alam ni Mama ay kaya ako pupunta kina Papa para bisitahin ito katulad ng pinangako ko. But she doesn't know that I have a far more important concern to talk about with him. That involves her.

"Gusto ko lang naman malaman Tay eh. Tsaka hindi mo mawawala sakin ang 'di mag-alala sa nangyari kay Mama. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung bakit ayaw niya na malaman nila Lolo ang nangyari?"

Tumango-tango ito. "Tayong apat lang yata nina Tita Ayessa mo ang nakakaalam anak kasi ayaw din palakihin ng Mama mo ang isyu. Tsaka wag ka nang masyadong mag-alala, pinapa-imbestigahan na iyon nina Mama mo at kumuha na din siya ng bodyguard."

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon