Diez

40.9K 586 161
                                    


~10~

"Is that Ezekiel?" saad ni Mama nang makababa ito nang sasakyan.

I was starting to get sweaty considering the idea na hindi na nito ipinark sa garahe ang pick-up.

Nilapitan ko ito at pasimpleng hinarang ang katawan ko kay Zeke kahit alam ko namang makikita niya pa rin. Sina Kuya kasi, they instantly froze nung makita nilang biglang bumaba si Mama sa kotse nito at lumapit samin.

"Ma, kasi—"

"Oh my God si Ezekiel nga!"

Napatutop ito ng bibig sabay nang pagbalatay ng pag-alala sa mukha lalo nung makita na nito ng tuluyan si Zeke na nakahiga pa rin sa semento. Napalingon na din ako at nakita kong namumula pa yung kilid ng labi nung gago na tinamaan ni Kuya.

Pihadong mangingitim na iyon maya-maya.

Ano ngayon? Tss. "Ah Ma—"

"What the hell happened here Louie Antoinette? And you better explain it very, very well!" lingon nito sakin pagkatapos akong tignan ng diretso sa mga mata.

Napaatras tuloy ako ng bahagya.

Seryoso, minsan lang binubuo ng nanay ko ang pangalan ko kaya nanginig talaga ako sa takot lalo’t tumaas pa ang timbre ng boses niya.

Napalunok muna ako bago magsalita pero hindi ko din alam kung ano'ng alibi ang sasabihin ko...

Na hindi kaming tatlo mapapagalitan... nang todo?

Kasi parang galit na yata siya.

"M-Mama, a-ano... k-kasi... n-na—"

"I punched him Ma," salo sakin ni Kuya Kurt kaya agad akong napalingon dito.

"Kuya..."

Naman eh. Ako muna mag-explain kay Mama please!

"And why did you do that?!" baling ni Mama kay Kuya Kurt then faced Kuya Justin with the same serious tone who was about to say a word. "At ikaw Justin, ikaw ang pinakamantanda dito, but you tolerated your younger brother for doing this?!"

Agad na nitong dinaluhan si Zeke pagkasabi niyon habang pare-pareho kaming hindi nakaimik na tatlo at halatang kabado na.

Malamang nagalit na nga si Mama lalo’t sinabi pa ni Kuya na sinuntok niya si Zeke. We weren’t taught to start fights. Pag umuwi ka sa bahay at nalamang galing ka sa gulo ay paluluhurin ka sa asin. Lalo na pag ikaw pa ang nagsimula nun. Hays.

Habang ina-assess ni Mama ang kalagayan ni Zeke na tila ginigising niya pa yata ay tinignan ko sina Kuya sa mga mata bago mahinang bumulong. "Let me handle this. Ako nang kakausap kay Mama, please..."

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon