Cuarenta y otso

17.6K 548 251
                                    

~48~
Akala ko dati hindi totoo ang sinasabi nilang nananaginip nang gising.

Pero napagtanto kong posible nga talaga sapagkat iyon mismo ang pakiramdam ko habang kapalitan ko ng text si Mason. Hindi ako mapakali. Hindi ako mapirmi sa higaan. Hanggang sa kasalukuyang estado ay hindi pa din mawaglit sa isip ko ang sinabi niya.

Tatlong salita lang iyon. Tatlo lang pero ang impact hindi ko din yata kinaya.

Meet Sapio Girl.

I sheepishly grin while feeling a little flushed. Muli akong napatitig sa cellphone at binasa ulit ang text nito.

From Mason:
May sasabihin ako sa'yo.

I don't know bakit hanggang sa pagtipa ng reply ay nakangisi pa rin ako. Bahagya ko pang hinawakan ang magkabilang gilid ng labi ko para pigilan pero... geez.

To Mason:
Ano?

Napapiksi ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone wala pang isang minuto yata ang lumipas. Shit. Mas malala pa talaga ako sa taong nagkakape sa sobrang nerbiyosa ko.

From Mason:
Sa personal ko gustong sabihin.
Pwede ba?

Napangisi na naman ako at kagat-labing pilit na sinupil iyon. Marahan akong napapikit. Saglit ko pang hinawakan ang bandang dibdib ko upang literal na maramdaman ang pagkabog niyon.

Hindi naman siguro ako mamamatay nito 'no?

Muli, huminga ako nang malalim. Puso, steady pulse ka lang diyan please.

Ayokong isipin niyang sobrang atat ko namang magreply kaya maya-maya na lang ako magsesend, hehehe-- Eherm.

Ilang beses ko pang tiningnan ang cellphone na parang nag-aabang ng reply na alam ko namang hindi mangyayari kasi hindi naman ako nagreply.

Okay, Louie shabu pa.

I let fifteen minutes pass before I hit send.

To Mason:
Kelan ba?

From Mason:
Bago sana magPasko.

Jusko Mase, ang bilis mong magreply!

I know unfair. Kasi bukod sa maikli lang naman ang text ko ang bilis niya pang magreply, pero bakit ba. Hindi niya kailangang malaman na medyo exci-- na baka mamali ako ng text alam niyo na. Typoshit.

Malalim akong napabuntong-hininga at bumalikwas sa pagkakahiga. Hindi talaga ako mapakali 'pag ganitong kung anu-ano ang naiisip ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

"Kuya...?" saad ko habang kumakatok. "Gising pa ba--"

"O, bakit?" bungad ni Kuya K.

"Hindi ako maka..." nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita ko ang mga mukha ng pinsan ko. They looked intrigued. Most probably 'cause I'm still up at this hour. And they might still be thinking what caused my unusual behavior earlier. Iniisip ko pa lang ang posibleng mangyari kapag tumagal ang pag-uusap namin ng mga 'to, siguradong hindi na ako makakatakas sa mga tanong nila mamaya. Lalo't tinakbuhan ko sila kanina lang.

"Ahh... ano, wala. Kay Mama pala dapat ako pupunta, sige po good night!" Walang lingon-likod na mabilis akong bumaba ng hagdan.

Nahihirapan pa naman akong pigilan ang pagngisi ko ngayon baka mamaya niyan maulanan pa ako ng tukso at mas lalong mahirapan ako sa pagtulog. Dahil sa panunukso nila.

Oo, dahil dun. Sa panunukso. Like 85% of the time.

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura sa kwarto ni Mama. Nang tuluyang makapasok sa loob ng kwarto nito ay matagal pa muna akong tumayo sa pintuan habang nakangiting kinuha ang cellphone. Hinga ng malalim ulit-- whew! Bago tuluyang pindutin ang send button.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon