Catorce

36.8K 654 211
                                    

~14~

 

Wednesday

 

In life, you meet people.

A lot of them.

Some passed by and would never cross your mind again…

Some makes you think what happened to them now…

Some you wonder if they ever think about you…

Then, some... you wish you never had to think about again…

Yet you still do…

And it

Anak ng tinapa!

Kusang tumalbog ang ballpen ko mula sa pagkakahawak nang mabunggo ng kung sino ang arm chair ko.

I was busy doodling using my right hand because Sand— that was on my left— was busy shading the armour of the anime I don't even have the slightest idea who, and was ignoring me since I forgot when. Maybe almost eternity by now.

Pero wala naman akong pakialam, hahaha.

Ang tagal naman kasi ng prof namin dito sa Chem 16. This is supposed to be our first meeting. May balak pa yatang mag-grand entrance, tss.

Before I forget about my 0.4 G-Tec pen, na nasa paanan na ng mga paa ko ay pasimple kong pinatay ang music sa ipod gamit ang switch na nasa headset nito. I then lazily stared at my pen on the floor na wala akong planong pulutin.

 

Pag yan talaga hindi na gumana pag sinulat ko, impit kong saad sa isip.

Wala sa sariling inangat ko ang kanang kamay upang kamutin ang batok— na yeah, hindi naman makati. Out of mannerism lang at pigilan na din ang sariling mapalatak o baka mabulyawan ko pa ang bumunggo sa upuan ko dala nang umuusbong na inis.

Dahil hindi na din tumutunog ang music kaya dinig ko na ang mga ingay sa paligid. Lahat ay nagdadaldalan. Pero ang unang narinig ko ay ang pagsasagutan ng dalawang lalaki na nasa tabi ko lang banda. Nasa isle na din kasi ang pwesto ng upuan ko dahil hindi na kami nakakuha ni Sand ng seat na sa bandang gitna.

"Hala, nalaglag mo yung ballpen ni ate. Pulutin mo, hahaha!"

 

"Oo na. Kulit mo kasi. Mauna ka na sa likod. Save a seat."

 

"Gago! Hinahabol mo kaya ako, ako pa ‘tong makulit. Sabi sayo wag na nating pasukan to eh. Mahirap daw ang Chem 16 sabi ng mga seniors."

 

"Tss. I-drop na lang natin. Tingnan muna natin yung first two weeks."

It didn't take that long para maramdaman kong may nagsquat sa side ko. The person fished my pen at nang abutin ko iyon, I was a bit surprised to came face-to-face to a familiar pair of playful eyes.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon