Veintidos

31.5K 638 156
                                    

~22~

"Louie!"

Napalingon ako kay Thea at tumigil sa paglalakad palabas ng classroom. Pinauna ko na lang ang ibang kaklase namin para naman hindi ako nakaharang sa pintuan.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko dito nang sa wakas ay kaming apat na lamang ang naiwan kasama sina Teofy at Nina. Kasalukuyang tila may pinag-uusapan naman ang dalawa habang may sinusulat si Nina sa board na parang nag-e-explain sa isa.

"I already told you that I got a crush on your very handsome brother, di ba?"

Kilala niya si Hiro? "Huh? Paanong—"

"Paano ko nakilala? Not yet! You never get the chance to formally introduce us nga eh. But, did you remember yung sa Buendia before? You said your father made your very handsome brother to like…give flyers nun?"

Ahhh... onga pala.

Habang tumatango ay hindi ko pa rin napigilan ang pagkunot ng noo. Nalito kasi ako dahil parang ang off ng tinatanong niya. Ini-expect kong related sa klase namin since may bago na naman kaming group work at kaming apat ulit ang magkakasama sa grupo.

Bahagyang niyugyog nito ang balikat ko. "Louie! I heard he was here last Thursday! Nanood ng game mo sa gym. Why?! You didn’t even bother na i-text ako, you are so masama talaga!" umiikot ang matang saad nito.

What?! Paano nila nalaman?

"Ang galing mo palang magbasketball?" sabat naman ni Teofy na noo'y nakalapit na din samin kasunod si Nina. "Sana naman sinabihan mo kami para napanood namin ang laban niyo ni Jeremiah. Natalo mo daw siya eh. Good for him."

Ngumiti lang ako sa sinabi nito. "Tsamba lang."

"Masyado ka talagang humble Miss Kwok," nangingiti na sabi naman ni Nina. "Tsamba pa talaga na natalo mo ang varsity player? Ang lagay eh, babae ka pa?"

"Wait. Lumalayo na yung conversation eh," muling sabat ni Thea. "Louie. Can you... make something. I mean... Can you make lakad me naman sa very handsome brother mo? Ano ba mga hilig nun?" nagniningning ang mga matang saad nito habang magkasalikop ang mga kamay na tila nagdadasal.

Seryoso ba 'to?

Pero ano nga ba mga hilig ni Hiro? Last time I checked…

Ahhh...

I couldn't help but chuckle a bit sa naiisip. "May girlfriend na yata iyon. He’s kind of dating someone now.”

“You serious?” nakakunot-noong tanong ni Thea. “Ano’ng hilig niya sa girls nga?”

Pigil pigil ko ang pagtawa sa itsura nito. “Mahilig siya sa babaeng malakas kumain."

"Huh?! Edi ang taba ng girl nun?! It's not me! Nagda-diet pa naman ako," laglag ang balikat na saad nito kasabay ng pagtawa nila Teofy at Nina sa inakto. Kulang na lang kasi maglupasay ito sa sahig sa nalaman.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon