~BONUS CHAPTER~

31.8K 675 160
                                    

~BONUS  CHAPTER~

 K’s POV

August, 11:00 am

 

Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang daan papunta sa isa sa mga lab ng Med department para sa aming first period. Kagagaling ko lang sa Roque Ruaño Building pagkatapos kong daanan si Dominique— ang mag-iisang taon ko na ding girlfriend. She's taking Fine Arts and on her last year now. Magka-batch lang kami nito pero dahil five years ang course niya, I graduated first sa pre-med course ko na Nursing.

Medyo wala din ako sa mood habang naglalakad sapagkat hindi naging maganda ang pag-uusap namin bago maghiwalay.

 

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis nun?

She told me yesterday na uuwi na siya after ng last period niya. Masama daw ang pakiramdam. So hindi ko na lang pinilit na lumabas kami kahit namimiss ko na ang company niya dahil sobrang busy ko din sa school stuff lately. You know how med school demands your time.

Mind you, it’s pretty exhausting dude!

Moving on, I even offered her a lift para makuwi siya ng maayos. But she declined, saying na kaya pa naman daw niya ang magdrive. Tapos malalaman ko kinabukasan na gumala pala siya kasama ang mga kabarkada niya after naming magkita kahapon? What’s worse, dalawa sila ng best friend niyang babae at may kasamang dalawang lalaki.

What am I supposed to think?!

Hindi ako ganun kagago. I hate infidelity as much as I hate dishonesty. Wala namang pinagkaiba ang dalawa. Both destroy trust. Naiinis talaga ako kapag pinagmumukha akong tanga. I couldn't answer a friend yesterday nang tuksuin niya akong nagpapabilog na ako sa kanya. I mean, I love her. Pero huwag namang ganito. Pangalawang beses na din kasi ‘tong nangyari kaya siguro medyo hindi ko na napigilan ang mainis at mapataas ang boses kanina. Wala naman kasing kaso sakin kahit lumabas siya kasama ang mga kaibigan niya.

Aminado akong minsan hindi na nga kami nagkakaroon ng time na dalawa dahil malaki ang nakakain ng oras ko sa med school. But just inform me. Ayokong nagmumukhang gago kapag tinatanong ako kasi hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.

 

Kainis, tsk.

 

Wala sa sariling napasuklay ako ng buhok at napatingin sa relo. Muli na naman akong napamura kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Limang minuto na akong late sa first period ko ngayong umaga.

Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa silid nang maramdaman ko ang paghawak sa balikat ko nang kung sino kaya napaharap ako dito. Nakita ko ang kaklase kong si Pete na may malawak na ngisi sa labi.

"K, pare! Wala pa naman si Doc, lika," saad nito at bahagya akong hinila. Nagpaubaya naman ako dito. "May irereto ako sayo. Yung sinasabi kong—"

"Tol, ano ba?" natatawang putol ko dito at tumigil sa paglakad. "May girlfriend na ko di ba? I was kidding nang sinabi kong ipakilala mo ko sa mga hot chicks na kilala mo."

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon