Trece

38.8K 609 162
                                    

~13~

 

Tuesday, 10 am

Make friends.

 

Kahapon ay ni-remind na naman ako nila Kuya na makipagkaibigan daw para may buddy din ako sa school. Hindi kasi blocked sectioning ang UP. Or ewan ko kung paanong schedule kinuha nila Kuya ang mga subjects ko kaya wala akong mapansing kaklase na naging kaklase ko din sa ibang subjects.

Pero sabagay, ngayong week pa lang din naman magsisimula ang major subjects namin. Last week kasi, we were informed na wala munang klase sa first week ang majors.

 

Baka naman kaya hindi mo na naman napapansin ang mga kaklase mo dahil subsob ka na naman sa discussion?

 

Napasimangot ako sa naisip.

 

“Make friends your face,” mahinang bulong ko at saglit na inayos ang pagkakapusod ng buhok.

Medyo mahaba na kasi iyon dahil ayaw talagang pumayag ni Mama na ipagupit. Naninibago nga ako na ewan. Lagi na lang akong nagbabaon ng rubber band sa bulsa dahil minsan bumibigay ang pagkakapusod ko o bigla na lang lumuluwag. At dahil din diyan kaya nagiging mannerism ko na yata ang pagkamot ng batok ko kahit hindi naman iyon makati, haha.

Kinuha ko ang Form 5 sa bag nang makuntento na ako sa pagkakapusod ng buhok. It says that I’ll be having my Math 17 later this afternoon. Bukas naman ang Chem 16 na panghapon din. Both are the only major subjects that I will be taking this first semester. The rest ay mga general education subjects na.

I don’t have classes every Monday at half day naman ako every Friday. Kung tutuusin, ang ganda nga ng schedule ko kaya wala naman akong reklamo sa pagpili nila Kuya doon. Gusto ko din yung fact na wala kaming uniform kaya every day civilian clothes. Katulad ngayon, I’m wearing a plain tees, jeans and Converse shoes. Maliit na sling bag lang din ang sukbit ko dahil hindi ko din naman pa alam kung ano’ng book ang gagamitin namin.

I was heading to the canteen na malapit sa AS building. Balak kong doon na lang muna tumambay. Iyon kasi ang pinakamalapit mula sa supposedly first subject ko mamayang 11. Maaga lang talaga ako ng isang oras sa pagpunta sa school kaya paikot ikot lang ako upang masaulado ang mga buildings. Baka ma-traffic eh. Nasa Ortigas pa naman ang condo. At ayoko nang maulit ang pagiging late ko last week.

I was too busy sa pag-iisip ng mga bagay bagay nang makita ko ang isang estudyante na sumulpot kung saan na mabilis ding naglalakad. Parang sobrang oblivious nito sa paligid habang nagbi-brisk walking. Siguro matangkad lang siya ng isa o dalawang pulgada sakin. He has a slightly long hair compared to normal guys, fair skinned but he looked like a geek with his loose Superman logo printed shirt.

Oh wait, was that a blouse?

O baka bago na ang fashion trend ngayon ng mga lalaki?

Weird. Para siyang si Chan-Chan manamit kaso may glasses lang siya. And his slightly lanky frame.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon