Chapter 34- Prep

13.2K 423 116
                                    

Jacob

1 week later

Muntik ng mabulunan si Juancho ng sabihin kong gusto ko ng magpropose kay Dakota.

"Hindi ka ba magdadalawang isip?" Tanong niya. Pinuntahan ko talaga siya sa office niya sa Makati.
"Hindi."
"Lakas talaga ng tama mo kay Dakota."
Tumango ako kay Juancho. "Ano na? Tutulungan mo ako o hindi?"
"Kailangan natin ng tulong. Ako nga hindi makapagpropose eh, sa akin ka pa magtatanong." Sagot ni Juancho.

Natigil ang pag-uusap ni Margaux at Sky ng pumasok sila sa office ni Juancho at makita ako.
"Ayan, kailangan moa ng tulong ng dalawang yan." Sabi ni Juancho sa akin. Damn, dumadami na ang nakakaalam.
"Tungkol saan?" Tanong naman ni Margaux.
"Paano daw magpropose kay Dakota?"

Nagkatinginan si Margaux at Sky at saka nagtitili. Nagtakip kami ng tenga ni Jauncho.
"Oh my God... Oh my God..." Nagpaypay si Margaux ng mukha niya.

Hinila ako ni Sky at Margaux paglapit nila sa table at pinaupo sa sofa sa isang sulot ng office ni Juancho.
"Okay, so far si Tito Renz ang may hawak ng pinaka the best proposal ever sa Country Club. Gusto mo bang talbugan?" Tanong ni Margaux sa akin.
"She deserves it." I replied.
"Shit... kinikilig ako." Sabi ni Sky at hinampas ang braso ni Margaux.
"Whoah, teka lang Jacob... Hindi pa kami nakakabawi sa kilig." Huminga ng malalim si Margaux.

"Gusto mo bang isabay natin ang wedding sa proposal? Like what Zoren did to Carmina?" Tanong ni Margaux.
"Kaya nyo?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan si Sky at Margaux.
"Oh shit, seryoso ka nga?" Tanong ni Sky sa akin.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Ano ang time frame mo?" Tanong ni Margaux at kinuha ang tab niya.
"Two weeks." I replied.
Binaba ni Margaux ang tab niya at tumutig sa akin.
"We need help." She said. "If you want to pull this in two weeks, kailangan natin si Tita Yumi."
Tumango ako.
"Magkano ang budget?" Margaux asked and I smirked.
"Right... nagtanong pa ako. Let's go, kailangan nating simulan ngayon." Hinila na naman ako ni Margaux at Sky patayo.
"Sama ka babe?" Tanong ni Sky kay Juancho habang paalis kami.
"Syempre, hintayin nyo ako."Habol ni Jauncho sa amin.

"Kailangan mong magpaalam kay Tito Frank at Tita Bella." Sabi ni Margaux sa akin habang nasa phone.
"Yes Tita Yumi, urgent lang. Nasaan po kayo?"
"Okay po, I have a client. Basta ipapaliwanag ko na lang pagdating namin. Yes Tita, pakihintay nyo kami sa office mo."
"Okay, deretso tayo sa Grace Hotel. Naghihintay si Tita Yumi." Sabi ni Margaux.

Napakurap sa amin si Tita Yumi pagkatapos naming sabihin ang balak ko.
"Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Tita Yumi sa akin.
"Dahil maikli ang buhay, Tita." I replied.
"Damn, right. Okay, I'm in." Sabi ni Tita Yumi.
"Yehey." Nagpalakpakan ang tatlo kong kasama.
"Kailangan natin...or mo rather, na makausap si Frank at Bella."

So ang ginawa ni Tita Yumi, tinawagan si Tita Bella at Tito Frank para papuntahin sa office niya. Kinakabahan akong naghihintay sa meeting room ni Tita Yumi. Nagtatakang pumasok si Tita Bella at Tito Frank kasama si Tita Yumi.
"Iwanan ko muna kayo." Sabi ni Tita Yumi.
"May problema ba, Jacob? Nasaan si Dakota?" Tanong ni Tito Frank.
"Nasa training niya, Tito. Upo muna po kayo." Kinakabahan ako.

Nagsimula akong magsalita ng makaupo silang dalawa.
"Tito, Tita, gusto ko pong pakasalan si Dakota."
"Pambihira, wala ka talagang pasakalye." Huminga ng malalim si Tito Frank.
"Pinag-isapan mo ba yang sinabi mo?"
Tumango ako.
"Buntis ba si Dakota?" Tanong ni Tita Bella. Nangingiti akong umiling.
"So bakit ka nagmamadali?" Tanong niya.

"Life is too short, Tita. I felt like I waited long enough already." Maikling sagot ko.
Nagkatinginan si Tita Bella at Tito Frank.
"Did you already propose to her?" Tito Frank asked.
"Not yet Tito. I am actually asking Tita Yumi's help to come up with an idea of same date marriage proposal and wedding."
Nailing si Tito Frank. "Nag-iisa kong anak si Dakota, Jacob. Kapag iyan, umiyak, kahit Knights ka pa..." Tito Frank warned.
"I won't hurt her. I love her too damn much to hurt her."
"Can I bake your wedding cake?" Naluluhang tanong ni Tita Bella sa akin.
"Oo naman Tita."
Naluluhang yumakap sa akin si Tita Bella.
"May anak na akong lalaki... dad." Nakangiting lumingon si Tita kay Tito Frank.

Paglabas namin ng meeting room, marami ng tao sa office ni Tita Yumi. Nakatutok sila sa laptop na nasa harapan ni Tita Lise.

"Jacob, come here." Tawag ni Tita Lise sa akin.
Mayroon siyang nakaplay na videos sa laptop at nangiti ako sa mga compilation nya.
"I have an idea." Sabi ni Violet.

"Okay, destination wedding tayo. The question is, saan?" Tanong ni Juancho.
"Sa Seychelles" Margaux replied.
"Tama, doon siya gustong magpakasal. Beach wedding." Sabi ni Sky.
"Seychelles it is." I confirmed.

And they work on ideas on how to make this moment for me and Dakota so special. Damn, I'm excited about what they were discussing. Pati si Tita Bella, nakiki-input na rin.

"Jacob, kailangan natin ng isang island." Margaux said.
"Bibilin ko?"
Nagtawanan sila. "Grabe, rent lang. RENT." Sabi ni Tita Yumi.
"Bahala na po kayo."

"Hindi mo ba sasabihan ang mommy mo? Baka hinihintay niya ang araw na ito?" Tita Bella said to me. Magkasama nga pala silang namili ng ring.
"I'll talk to them later, Tita."
"Good." Nakangiting sagot ni Tita Bella at nagpatuloy sila sa kung ano mang kulay ang mapagkasunduan nila.

Basta ako, ang gusto ko lang maikasal kay Dakota.

Laws of Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon