Chapter 10- Momma

11.7K 359 578
                                    

Dakota

"What's your problem, momma?" Bungad ko kay Macky pagpasok ko sa gym sa Country Club.
"Kailan ka magsisimula sa training mo?" Tanong niya.
I rolled my eyes. "Alam mo, kilay ko lang ang hindi masakit sa buong katawan ko ngayon. NagMuay Thai ako kanina."
"Good." Binaba ni Mack yang bumbbell. Nagflex pa siya ng muscles sa harapan ng salamin bago ako hinarap.
"I have a new program for you. Kailan ka magsisimula?"
"Ughh... Anong program na naman yan?"
"Kailangan mong matone ang mga muscles mo." Pinatalikod ako ni Macky at pinisil ang mga hita ko.
"Lalo na yang legs mo. Ano, kailan ka magsisimula?"
Bumagsak ang balikat ko. "Bukas."
"Okay, good. Anong oras kita aahasan dito bukas?"
"Mga 9am, momma."
He rolled his eyes. "7am. Kumain ka na ng gusto mo tonight at mayroon ka ng diet plan bukas." Sabi niya.
"Yun lang? Hindi mo pa sinabi sa phone, pinapunta mo pa talaga ako dito."
"Para alam kong nagkakaintindihan tayo. Mahirap kang kausap pagdating sa oras."
Sinuntok ko ang malapad na braso ni Macky. "Grabe ka. Kamusta ang date?"
Pa-mysterious na ngumiti si Macky.
"Vhaklang twooo..."
Mabilis na tinakpan ni Mack yang bibig ko. Hindi pa kasi magladlad si momma.

"Dakota."
Napatingin kami ni Macky sa nakasimangot na si Jacob.
"Bukas ha." Paalala ni Macky.
"Sure. See you, Mac." Paalam ko kay Macky bago niya ako iniwan kay Jake... cob. Jacob!

"Yes? Bakit ka nandito?"
Nakakunot na naman ang noo niya. Pinaglihi ba ni Tita Sam sa problema si Jacob?
"Si Juancho?" Tanong niya.
"Malay ko... Sa akin mo tatanungin." Kaloka ito. Nilagpasan ko siya at balak kong kumain ng matamis today. Makahanap nga somewhere.
"Hindi ako nakikipagbiruan." Sumunod sa akin si Jacob kaya napahinto ako.
Kinapa ko ang bulsa ng pants ko. Tiningnan ko din ang sneakers na suot ko. Pati talampakan baka naapakan ko si Juancho.
"Wala talaga si Juancho sa akin." Sarcastic na sagot ko bago ako lumakad ulit.

Naiinis na sumunod sa akin si Jacob.
"Bakit ba para kang multo kung maglakad?"
"Mahina lang pakiramdam mo."
"Hindi ako manhid, ano!"
"Sigurado ka?" Mapang-asar na tanong niya.

"Kailangan ko si Juancho." Hinarangan ni Jacob ang dadaanan ko.
"Eh di tawagan mo."
"Hindi sumasagod."
"Eh baka ayaw kang kausap." I replied at iniwasan si Jacob para makapaglakadulit ako.
Saan ba masarap kumain ngayon?

"Tawagan mo nga."
Talagang! Tangina, nakakagulat ito, bigla na lang nasa tabi ko.
"Bakit ba Jacob?... Nag-iisip ako kung saan kakain eh. Nangungulit ka! Tawagan mo. Wala ka bang load? Sa sobrang kuripot mo, naka prepaid ka?!"
"Hindi ako kuripot. At lowbat na ako kakatawag sa kanya. Kaya tawagan mo na at kailangan ko siyang makausap. Ngayon na."
Hindi ako kumilos... Magpatigasan ba kami ng ulo ni Jacob. Tinaasan ko lang siyang isang kilay.
Napabuntong hininga siya bago nagsalita ulit.
"Please." Pinaka-walang buhay na please na narinig ko sa buong life ko ang sinabi niya.
Hindi pa rin ako kumilos.
"Ililibre kita ng kahit anong gusto mong kainin."
"Deal." I replied at nilabas ang phone ko.

Tinawagan ko ang mobile nya pero hindi sumasagot. Tinawagan ko si Sky at hindi rin sumasagot. Ano ba naman ang mga ito? Anong oras pa lang ah! Tinawagan ko ang assistant ni Juancho. Yes, merong na siyang assistant. Akalain mo ang dating assistant, may assistant na ngayon! At si Sky ang namili ng assistant niya. Walang takas si Juancho. Bawal ang sexy-tary.

"Hello, nasaan si Juancho?"
"Ma'am, sino po sila?" Tanong nito sa akin. Lalaki ang assistant ni Juancho. Magaling talaga si Sky.
"Si Dakota, pakisabi it's a matter of life and death situation."
"Okay po Ma'am, hold on for a while."

"I want waffle with gelato." Sabi ko kay Jacob.
Walang reaction ang kumag. Maniningil ako, Jacob. Tangina, kuripot ka nga yata.
"Hello... Dakota." Parang hinihingal pa si Juancho ng sagutin ang tawag ko.
"Eh... ano ang ginagawa mo bakit hinihingal ka?" Natatawang tanong ko.
"Tangina... akala ko kung napano ka. Bakit ba?" Sinigawan ako ni Juancho.
"Gago ka, huwag mo akong sigawan. Si Jacob ang may kailangan sa iyo hindi ako."
"Eto na nga..." Sinaksak ko sa kanya ni Jacob ang phone.

Nagpakalayo-layo si Jacob para kausapin si Juancho. Anong secret yan? Nacurious tuloy ang pagkachismosa ko. Sandali lang kinausap ni Jacob si Juancho at bumalik siya sa tabi ko.
"Kakausapin ka daw." Walang emotion na sabi niya.
Binigay sa akin ang phone ko at kinausap ni Juancho.
"Ano nakakatawa?" Tanong ko kay Juancho na parang hihikain sa kakatawa.
"May lakad ka ba bukas?"
"May training ako sa umaga. Bakit?"
"Kita tayo sa hapon. Hintayin mo ako, mga 6pm."
"Gabi na ang 6pm." Pangbabara ko kay Juancho.
"Eh di sa gabi. Basta hintayin mo ako." Sabi niya at pinatayan ako ng call.

"Ano meron, Jacob?"
"Wala. Tara na." Nauna ng maglakad si Jacob sa akin.
"Teka, yung waffle ko?"
"Kaya nga tara na."
"Talaga? Ano sasakyan natin?"
"Kaya mo ba ng walis mo na iangkas ako?" Sarcastic na tanong niya.
"Badtrip ka ah. Tinulungan na nga kita eh." Bwisit kausap 'to ah.
Napangiti ng kaunti si Jacob kung ngiti ngang matatawag ang pagtaas ng isangs ulot ng labi niya.
"Yung kotse mo o motor ko?"
"Kotse ko. Ayaw ko sa motor." I replied.
Nilahad ni Jacob ang kamay niya. "Susi."
"Ay... Bumili ka nga ng kotse mo." Naiinis na binato ko sa kanya ang susi ng kotse ko.

"Kailan pwedeng dalin sa casa ang kotse mo?" Tanong niya ng nasa daan na kami. Palabas kami ng Country Club.
"Bukas pwede na. Dito lang ako sa Country Club. May training na ako."
"Sige, ipapadala ko na sa casa."
"Kailan susunod na laban mo?"
"Wala muna. May trining din ako." Sagot ni Jacob. Parang galit ka na naman.
"Training saan?"
"Training para humaba ang pasensya ko sa iyo."
Napalaki ang butas ng ilong ko. "Kung hindi ka lang nagmamaneho, tinamaan ka sa akin."
Ayon na naman... gumalaw na naman ng kaunti ang gilid ng labi niya. Ngiti ba iyon? Tipid ah! Kuripot talaga.

Laws of Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon