Chapter 8- Unbelievable

12.1K 379 620
                                    

Dakota

Malapit na ang VS Fashion Show at kailangan kong ituloy-tuloy ang training ko. Ano kaya kung huling show ko na ito? Nakakapagod na din kasi. Pwede naman kasi akong mag-Vet gaya ni daddy or magdecorate ng cupcakes gaya ni mommy. Or pwede kaming magteam up ni Margaux at maglabas ng sarili naming clothing line. Pwede ko ding gayahin si Juancho na lay low muna. Shit... dami kong naiisip, umuulan kasi at tinatamad akong bumangon.

Speaking of the devil, tumatawag si Juancho. Ano na naman kaya ang problema nito?

"Bakit?"
"Akala ko ba magwowork out tayo?" Tanong niya.
"San ka na ba?" Shit, oo nga pala. Nakaschedule kaming mag Muay Thai ngayon.
"Nasa gym na."
"On the way naman na ako."
"Taena na ka. Nakahiga ka pa. Bilisan mo." Binabaan ako ng tawag ni Juancho.
Hahaha... kilalang-kilala ako ng damoho.

Pagdating ko sa gym after an hour, nakita ko si Sky na tinuturuan ni Juancho. Natawa ako ng malakas kaya natingin sila sa akin.
"Ano nakain mo Sky bakit nandito ka sa gym?" Tanong ko sa kaibigan ko. Kumaway si Sky bago sumimangot.
"Pinaghahandaan mo ba ang pagkikita nyo ni Arabella?"
Natatawa akong pumunta sa locker room para ilagay ang bag ko. Nakatape na ang kamay at paa ko ng lumabas ako ng locker room.

Eh... nandito pala si Jacob. Kanina pa siya dito? Mukhang nagpapatayan na sila ni Juancho sa mat.
Tumabi ako kay Sky na hinihingal sa bench at mukhang hihimatayin na.
"Hindi ako makahinga..." Reklamo niya.
"Sa simula lang yan." Galing kong magpayo pero tamad na tamad akong kumilos ngayon.
"Hindi nga ako nagjojogging, bakit pa ako nag-agree na magmartial arts?"
Napahiga si Sky sa bench.
"Iwan muna kita, magwa-warm up muna ako."

Nagwarm-up ako sa punching bag habang hinihintay kong matapos si Juancho at Jacob. Akala ko ba kami ni Juancho ang sparing partner? Umeepal itong si Jacob. Show off masyado. Pinapakita ang mga muscles... eh di ikaw na ang hunk!

"Juancho... Ano na?"
Nakahiga na si Juancho sa mat at mukhang wala na akong kasparing neto.
"Ayaw ko na. Si Jacob na lang yayain mo."
Natingin ako kay Jacob. Visible na ang pasa nya sa mukha.
"Mukhang nabugbog na eh."
Tiningnan ako ng masama ni Jacob. Oh Lord, ang sarap nyang inisin. Tumatawang umupo si Juancho.
"Dadating ka kasi, late. Kahit kailan ka, magulo kang kausap." Iniwan ako ni Juancho sa mat kasama si Jacob.

"Baka mabalian ka ng buto."
I snorted. "Tara, Grim Reaper."
Ngumisi si Jacob. Alam mo yung ngisi na dapat kilabutan ka pero hindi ako kinilabutan. Koko, tumigil ka nga, ano ka sweet 16?

Lumakad si Jacob ng mabagal. He is trying to intimidate me by circling. Shit...hindi ko siya maramdamang lumalakad. Bakit ganun?

"Focus." Biglang nasa harapan ko si Jacob. Mabuti at nailagan ko ang suntok. I counter his attack pero mabilis siyang gumalaw. Para siyang predator.

Hindi tumatama ang mga sipa ko kay Jacob. Kahit isang suntok ay hindi ako nakabitaw. Lagi niyang nasasangga. Lagi niyang naiiwasan ang mga binibigay ko.

One minute nasa harap ko si Jacob, the next thing I felt was when he pushed me. Dapat ay suntok iyon pero itinulak niya lamang ako pababa. Napasigaw ako. I am preparing myself na mabaltog at hindi nangyari. Sinapo ako ni Jacob ng malapit na akong tumama sa floor. Paano niya akong nasapo?

"Ang bagal mong gumalaw." Sabi niya ng itinayo niya ako na naguguluhan pa rin sa nangyari. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya.
"How did... Paanong napunta..."
"Mali ang ibang galaw mo."
"It's just my exercise. As if gagamitin ko." Katwiran ko.
"Kahit na. Mali pa rin."

"Itaas mo pa ang tuhod mo kapag knee strike." Pinakita ni Jacob sa akin ang tamang position. Hindi ako tinigilan hanggat hindi tama ang ginagawa ko. Ang sakit ng buong katawan ko pagkatapos ng isang oras.

"Ayaw ko na." Napahiga na ako sa mat. Si Jacob parang hindi pa pagod.
"Isa pa."
"Ayaw ko na. Nagugutom na ako."
"Come, let's eat."
"I can't move... Gisingin nyo ako after an hour." I replied at dumapa sa mat.

"Koko, bilisan mo. Nagugutom na ako." Sigaw ni Sky na nasa bench.
"I think I'm gonna die." I murmured.
"Stop over reacting." Sagot ni Jacob.
"I'm not over reacting."

Hinawakan ni Jacob ang tshirt ko at... Oh my God, itinayo niya ako. Fucking shit,hindi ako magaang. Paano niya akong nabuhat?

"Move... nagugutom na kami." He pushed me slightly to move. At mabagal akong bumalik sa locker room para magshower. Tumutulo pa ng bahagya ang buhok ko ng lumabas ako sa locker room. Nakaready na silang tatlo at ako na lang ang hinihintay.

"Saan tayo?"
"May dala ka bang kotse?" Tanong ni Sky.
Tumango ako habang umiinom ng tubig.
"Yun pala. Sabay na sayo si Jacob." Sagot ni Yuan.
"Nag-grab ka na naman?" Manghang tanong ko sa kanya.
"Wala naman akong kotse."
"Bakit hindi ka bumili?"

I can't believe this guy. Sobrang kuripot ba niya?
"Aanhin ko ang kotse kung ako lang mag-isa?"
"Ako lang din naman mag-isa, bakit may kotse ako?"
"Daldal mo. Akin na ang susi."
"Mauna na kami sa parking ha." Natatawa si Sky na nagpaalam sa amin at iniwan kaming nagtatalo ni Jacob.
"Susi..." Nakalahad si Jacob at hinihintay ang susi.
"Nope... Ako ang magmamaneho sa kotse ko."
Iniwan ko siya at mabilis na sumunod kay Juancho at Sky.

"Bilisan mo namang magmaneho." Reklamo ni Jacob na naka-upo sa passenger seat.
"Nakikisakay ka na lang, mareklamo ka pa."
Natahimik si Jacob... Bwisit na traffic... Ay lecheng mga bus driver.

"Koko..."
"Yeah?"
"Why you called me Jake last night?"
Nagkibit ako ng balikat. Jake naman talaga ang tawag ko sa iyo, until that maharot na girl na hinalikan mo called you Jake. So naging Jacob ka na from that time.
"I'm trying to have a serious conversation with you."
"And I'm trying to subtly avoid it." I replied. Hindi ko kailangang magpaliwanag.
"Why?"
"You made your choice and I made mine. Just because you don't like my choice doesn't mean you have the right to ask for an explanation." I replied. Huwag kana kasing magtanong...
"You are..."
"Beautiful, I know."
"Unbelievable." He replied and looked at the window.

Laws of Attraction (Completed)Where stories live. Discover now