Chapter 30- Grand Entrance

12.7K 432 197
                                    

Jacob

"Jacob." Boses ni daddy ang nagpahinto sa akin sa paghakbang.
"Maghintay ka ng back-up mo."

Nakatago ako sa dilim at nasa harapan ko ang building na pinagdalan kay Dakota.

"Nasa basement si Dakota kasama ang ibang model. Mag-iingat kayo sa pagpapaputok mo, may mga civilian." Paalala ni Xykei sa akin.
Dumating si Kiro, Tita Abby, Tito Ace at Gab sakay ng mga motor.

"Nasaan na kayo, Kyle?" Tanong ni Tito Ace.
"Tang-ina. NLEX pa lang." Sagot ni daddy.
"Papasok na kami." I said.

Umakyat si Tita Abby sa isang puno at nilabas ang snipping riffle. Isa-isang pinaputukan ni Tita ang mga nasa perimeter.

"Go." Sabi ni Tita.
Hindi ako naghintay ng senyas mula kay Gab. Tumakbo ako papasok sa main door.
"Nag-grand entrance ang anak mo." Sabi ni Tita Abby sa ear piece at nakuha pang tumawa ni Tito Marcus.
"Tang-ina, bakit dyan ka dumaan?" Sigaw ni Gab sa akin.

Napahinto ang mga tao sa loob ng bumukas ang pintuan nila. Sa tindi ng galit ko, tatlong bala ang minimum na tama sa kanila bawat isa. Wala ng nagawa ang mga kasama ko kung hindi sumuporta na lang.

Mas marami ang tauhan dito kaysa sa Laguna. Hawak ko sa kaliwa ang katana at baril sa kanang kamay ko. Maswerte ang kalaban na hindi ko naputulan ng ulo.

"Huwag mong gawing giniling yang kalaban." Sita ni Xykie sa akin.
"Tumahimik ka." Sigaw ko sa kanya.
"Ihanda mo yang putang-inang kasamahan mong shadow na pinabayaan si Dakota. Naririnig mo ako, putang-ina mo ka, umalis ka na bago pa kita maabutan sa headquarters."

Nagpapaputok ang mga nasa ibaba kaya hidi kami masugod. Hinagisan ng tear gas ni Gab ang hagdanan at bumaba kaming tatlo nila Kiro. Imune kami sa tear gas, isa sa naging training namin yan. Bawat gumalaw sa usok, binabaril ko agad. Naiwan sa ground floor si Tito Ace.

"Baka may civilian." Xykie warned me.
"Wala akong pakialam." Sagot ko.

"Dakota..." Sigaw ko sa hallway ng humupa ang usok.
Katawan ng mga kidnapper ang nasa hallway. Tinataga ko ng katana ang madaanan namin. Sinipa ni Kiro ang ulo ng isa ng humiwalay ito sa katawan pagkataga ko.

"Dakota." I shouted again.
"Jake." I heard a faint shout.
"Nasa dulo, Jacob." Sabi ni Xykie sa akin.
Mabilis akong naglakad papunta sa dulo ng hallway at kinatok ang pintuan sa dulo.

"Dakota..." Walang doorknob. Lock lang ang mayroon sa pintuan. Hindi basta-basta makakapasok ng walang susi.
"Jake... Jake, tulong." Sigaw niya.
"Umalis ka sa likod ng pinto."
"Nakatali ako sa kama." Sagot niya.

Pinaputukan ko ang pintuan hanggang sa bumukas ito. Pagpasok ko sa kwarto, napamura maging si Xykie sa nakita namin.

Pinatay ko ang body cam ko at nilapitan si Dakota na nakatali ang dalawang kamay at paa sa bedpost. Wala siyang damit maliban sa suot na panty at bra.

Hindi ako kumibo habang pinuputol ko ang tali sa kamay at paa niya. Nilagay ko ang katana sa likuran ko.
Umiiyak na yumakap si Dakota pagkaputol ng mga tali sa kanya.
"Jake..."
"Did someone touch?"
Hindi sumagot si Dakota. Umiiyak siya na parang bata sa balikat ko.

"I got her." Sabi ko kay Xykie.
"Nasa labas na sila daddy. Marami pang victims ang nasa ibang room. Is she okay?" Tanong ni Xykie.
"Are you okay, love?" Tanong ko kay Dakota.
Humihikbing tinago ni Koko ang mukha niya sa leeg ko.
"Nandito sila Tita Bella."
"Pakisabi, pauwi na kami." I replied to Xyk.

"May dugo ka." She said.
"Not my blood." Isinuot ko ang jacket ko sa kanya. I looked at her. Her face has handprint and she looked scared.
"Who did this? Sino ang sumampal sa iyo? Did someone touched you?"
Huminga ng malalim si Dakota at pinunasan ko ang mga luha niya.
"I was fighting so they tied me up. Si Godiva, yung manager ko dito ang naggupit ng pants at blouse ko. Mr. Carbon was about to raped me when he heard gunshots so he runs away. But earlier when I was tied up, they touch my body."

Huminga ako ng malalim at baka matakot si Dakota sa akin. Kinalma ko ang demonyo sa katawan ko.
"I need names, love."
"I'll give you." She replied.
Nanginginig si Koko habang kinukwento niya ang nanagyari. Mr. Carbon is on the list and Godiva pati si Peggy. Hindi niya raw kilala ang mga tauhan but those can be arranged. Lahat ng pumasok sa building na ito na mamamatay.

"I was so scared."
"I got you." I murmured.

"Jacob, ready na kayo? Nasa labas ang mga NBI, kamot ulo sa massacre na ginawa mo." Sabi ni Xykie sa akin.
"I want you to close your eyes, Dakota. Hindi mo dapat makita ang labas."
"How will I walk?"
"I'll carry you."
Tumayo ako at inalalayan si Dakota. Natakpan naman ang dapat matakpan sa kanya ng jacket ko.

"Ready?"
Tumango si Dakota. I carried her, bridal style. Itinago ni Dakota ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko.
"Do not open until I told you to do so."
"Yeah."

Lumabas kami ng kwarto at sinalubong kami nila Gab. Hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa hita ni Dakota.

Puno ng dugo ang ground floor at hindi ko alam kung paano nila ilalabas ang mga babae sa basement ng hindi nakikita ang mga pugot na ulo.

Kausap ni daddy at Tito Ace ang NBI ng makalabas kami sa building. Ang mga media ay hinarang malayo sa pinangyarihan. Ipinasok ko agad sa kotse si Dakota at nakasunod sa amin si Tita Abby.

"Okay ka lang?" Tanong ni Tita sa kanya. Nakaupo kami sa likod ng sasakyan at nakakandong si Dakota sa akin. Hindi ko binibitawan. Ayaw kong bitawan kahit pinipilit niyang umupo sa upuan.
"Kung bibitawan ako ni Jacob, Tita, mas magiging okay ako."
"Hindi mangyayari. Diyan ka uupo hanggang sa makabalik tayo sa Country Club." Hindi talaga ako makakalma ng todo.

"I got their location." Sabi ni Xykie sa akin.
"Perfect Xyk. Put some tail on them. Pauwi na kami." I replied.

Mapapaaga ang dalaw ni kamatayan sa kanila. Maraming pacarpet na pula. Coffee party na naman sa buong Metro Manila.

------
A/N

I know I didn't elaborated what Jacob did.
Masyadong brutal ang nasa isip ko at hindi ko alam ilagay sa panulat.

Kaya pasensya na kung hindi ko nabigyan ng justice ang fight scene.

Laws of Attraction (Completed)Where stories live. Discover now