Chapter 3- Secret Knight

13.8K 402 313
                                    

Jacob

Pinapanood ko sila habang nagkakagulo. Ang mahadera kong kapatid ay nandito at panay ang pasimpleng pang-aasar sa akin. Okay na akong solong anak, Xykie. Umuwi ka pa. Hindi kita kailangan dito.

"Tito, hindi ko naman tatakasan ang responsibility ko kay Mia at sa mga magiging anak namin." Sabi ni Ralph na namumutla na. Mukhang siya ang naglilihi. Actually, silang dalawa ni Mia ay kasing kulay ng bond paper ngayon.
"Dapat lang... Anong mga anak?" Nagulat si Tito Mark. Akalain mong nahimay nya pa ang sinabi ni Amboy?
"Mga anak?!" Tanong ng mga chismosang kaibigan ni mommy.
"Opo... kasi quadruplets yung mga anak namin." Sagot ni Ralph.

Tangina, naghalo ang balat sa tinalupan. Kanya kanyang reaction sila. Si Tito Marcus, parang naka-jackpot. Kami ni Kiro at daddy, nakatingin lang sa kanila. Nasa likod kami, malayo sa puso ng chismis pero malapit pa rin mara makita namin silang nagkakagulo.

"Medic... Medic... Hinimatay si Tito Mark." Sigaw ni Juancho.
Napatingin kami kay Tito Mark. Sapo-sapo ni Juancho at walang malay. Tangina, hinimatay nga.
Imbes naman na tulungan ng iba, nagawa pa nilang ivideo. Si Trevor ang umalalay kay Juancho at Tito Mark.

"Balae, okay ka lang?" Nakangising tanong ni Tito Marcus kay Tito Mark. Napapailing kami ni Kiro.
"Walang hiya... Tang-ina." Sunod-sunod ang mura ni Tito.

"Gago 'tong si Mark. Akala mo ang daming nilabas na pera kung maka-react." Bulong ni daddy na ikinatawa namin.

"Tito Mark..."
"Huwag mo akong ma-Tito Mark, Amboy." Sagot ni Tito Mark. Iniinom ng straight ang beer.
"Tito... hindi naman sa masamang tao napunta si Mia." Sabat ni Juancho.
Natawa kami ni Kiro. Tanginang Juancho 'to nangaral pa.
"Mabuting pamilya naman siya napunta. Ayaw mo ba nun, maaalagaan mo ang mga po mo? Parang tropa lang kayo."

"Yung tropa mo." Biro ko kay Kiro.
Naiiling din siya kay Juancho. Bakit ba naging kaibigan namin yang tao na yan?

"Saka Tito, ayaw mo bang madagdagan ang lahi mo ng gwapo?" Tanong ni Gabriel.
"Bakit, di ba sapat ang kagwapuhan ko?" Sarcastic na tanong ni Tito Mark.

Natawa si daddy.
"Hayop na Mark ito. Hanggang ngayon mayabang ang animal." Sabi ni daddy.

"Hindi sa ganun Tito. Dadagdagan lang natin." Sumulsol ni Rome.
"Amboy, ni anino ni Mia, huwag mong sasaktan." Banta ni Tito Mark.
"Opo." Sagot ni Ralph.
"Kapag nagloko, ipapahunting ko sa mga tropa ko. Akong bahala Tito Mark." Hirit ni Jauncho.

"Pinapanakot ka na din ng tropa mo." Sabi ko kay Kiro.

"Kapatid niya si Gab." Tito Mark pointed out.
"Pero, hindi si Kiro. Hindi niya kilala yung secret Knight. Papatumba ko siya kapag niloko si Mia." Pagyayabang ni Yuan.

"Namo ka." Sagot ni Kiro.
Napatingin ako bigla kay Juancho. Tangina mo Juancho. Ang daldal mo...

"Merong secret? Sino?"
"Secret nga Tito. Hindi na secret yun kapag sinabi ko." Mabilis na sagot ni Juancho.
Gigilitan kita kapag dinaldal mo ako.

Sa gilid ng mata ko, I saw Macky, ang gym instructor dito sa Country Club, na kausap ni Dakota. Nakangiting tumango si Dakota at tumayo. Nagpaalam kay Sky at Margaux at sumamang lumabas sa Club Zero. Pasimple akong tumayo at sinundan sila palabas.

Paglabas ko, walang tao. Puntang-ina... saan sila nagpunta?

Dalawang ang pagpipiliang daan... sa kanan papunta sa downtown at sa kaliwa papunta sa villages. I took the right road.

Nakakalimang hakbang pa lamang ako ng magsalita si Xykie.
"Ops, mali." Sabi niya.
Hutangina... nahuli ako ng mahadera kong kapatid.
"Get lost."
"Todo bakod ka ah." Tukso niya.
I turned around and went for the other road. Sinundan akong maglakad ni Xykie. Para kaming multo na walang sound maglakad.

Naiinis akong huminto at hinarap si Xykie na nakangisi sa dilim.
"Ano ba problema mo, Xykie?" I whispered... though I want to wring her neck.
"Wala lang... I just missed you." She replied.

"Dakota..."
"Oh my God..." Napasigaw si Dakota sa amin ni Xykie. Sa gitna namin ni Xykie siya dumaan at nagulat ng magsalita si Xykie.
"What the hell... ano ang ginagawa nyo sa dilim?" Sapo-sapo ni Dakota ang puso niya.
"Grabe... ang taas ng talon mo." Tumatawang comment ni Xykie. Nasaan na si Macky?
"Ano ba kasi ang trip nyo? Sino yang kasama mo Xykie?"
Lumapit si Dakota para makita akong mabuti.
"Pambihira kayong magkapatid... Sa dilim kayo nag-uusap. Hindi ko man kayo narinig na nagpunta dito."

Nilagpasan kami ni Dakota at bumalik ulit sa Club Zero.

"Hala siya... wala si Macky... Ano ang ginawa nila sa dilim?" Bulong ni Xykie bago bumalik sa Club Zero na tumatawa. Baliw!

Tanginang badtrip... Sa bahay na lang ako magbabantay... Daming alam ni Xykie.

Laws of Attraction (Completed)Where stories live. Discover now