Chapter 4- MMA

12.7K 370 258
                                    

Dakota

Nakatambay ako sa Sweet Bells that night. Pinakialaman ko ang TV screen ni mommy sa wall at nilipat sa MMA.

"Oh jeez... Dakota, can you please change it." Saway ni mommy sa akin.
"Mom, wait lang. Maganda ang laban."

When I was in Canada, sabay kaming nanonood ng MMA ni Auntie Michaela. Ang cool nga eh kasi parang 15 years lang ang pagitan naming dalawa. Half-sister siya ni mommy. Tapos para kaming magsisters. Then si Uncle Justin, siya ang kasama namin ni Juancho na nanonood ng live na MMA. Ang cool... basagan talaga ng mukha ang ginagawa nila sa cage. Tapos makikita mo, tumutulo talaga ang mga dugo nila sa ilong.

"Dakota... My God... how barbaric ng pinapanood mo, anak."
Super pagirl naman si mommy. How to be you po?
"Tap out... Fucking hell... Mamamatay ka na. Tap out." As if maririnig ako ng nasa TV.
Ayaw niyang sumuko. Kulay purple na siya... Mahirap kalaban yang galing Russia na yan, tanga.
"Tap out, you idiot." Nagsisisigaw na ako at nakatayo sa harapan ng TV ng mamatay ang monitor. Eh... what happened?

Hawak ni mommy ang plug at nakapamewang siya.
"Dakota, daig mo pa ang nanonood sa kanto kung sumigaw."
I motioned the TV screen... so frustrated to talk. Mommy... matatapos na eh... Bakit mo binunot ang plug?
"Konting pino ng galaw, anak. Dinaig mo pa si Juancho sa kagaslawan."
Oh my God... "Tinatakwil mo na naman ako." Nag-iinarteng pagdadrama ko.
My mom rolled her eyes. "Kung pwede nga lang. Kaso nag-iisang anak kita kaya hindi ko magawa."
Tumawa ako... "Mom, why you are still pretty kahit nagagalit ka na? How to be you po?"
Laging naiinis si mommy kapag tinatanong ko sa kanya iyon. How to be you? Eh kasi, iyon ang caption sa kanya dati noong nanalo siya ng Miss Universe.
"Doon ka nga sa daddy mo. Ikaw, lagi mo akong ginagalit. Nakaka-stress ka."
Tumatawa akong pumunta sa counter at kumuha ng cupcakes. Dadalan ko na lang si Tita D at magchi-chikahan kami. Tutal hindi ako makalayas sa Tagaytay.

Mahilig ako sa mga hayop gaya ni daddy. Kaya nga nag-veterinary medicine din ako gaya niya. But unlike him na ginamit nya talaga, ako eto... pacute lang sa mga animals. Kung minsan ay nakatambay ako sa pet clinic nila ni Tita D. Tumutulong kapag kaya ko. Ganern lang. Chill lang ako.

"Hello Tita..."
"Hey... Bakit nandito ka?" Kumuha agad ng cupcake si Tita after kong magbeso.
"Pinaalis ako ni mommy sa shop."
Tumawa si Tita. "At si daddy mo naman ang iinisin mo."
"Parang ganon na nga." Nakangising sagot ko.
Binigay ni Tita ang white coat sa akin na may pangalan ko. Oh Gosh... surreal.
D. Montalban- DVM.

"Oh...Tita, thank you." I hugged her. Cool talaga ni Tita D.
Sinuot ko ang white coat at feeling vet na ako.
"At dahil naka-coat ka na. Punta ka na sa operating room. May nanganganak na dog." Tinaboy ako ni Tita Diane papunta sa operating room. Excited akong lumabas ng office room at pinuntahan si daddy na binabantayan ang manganganak na dog.

Tinaasan ako ng kilay ni daddy pagpasok ko. Nakamask siya pero alam kong nakangiti siya ng nakita niya akong nakacoat.
"Bagay ba?"
"Manggugulo ka ba o tutulong ka?" Tanong niya but he open his arms so naghug muna ako sa kanya.
"How many puppies?" Tanong ko.
Nagtali ako ng buhok at naglagay ng net. Naghugas ako ng kamay at naglagay ng mask. Huli kong nilagay ang gloves.
"Four." Daddy replied.
"Ang liit mo baby, paano ka nagka-puppy ng four?" Kinakausap ko ang Pomeranian na nakahiga sa operating table. Malamlam ang mga mata niya. Mukha siyang in pain.
Tapos naalala ko si Mia at ang quadruplets... Jusme... hindi ako makaget over.

Hindi kinaya ni mama poms ang normal delivery kaya na CS siya. Hinayaan ako ni daddy na mag-operate. Nakaalalay siya sa akin lalo na sa stitching. Four bouncing puppies ang nilalaro ko after ng operation. Gusto kong iuwi ang isa. Hahaha.

After kong mapirmahan ang mga document sa ginawa kong procedure, tumambay ako sa receiving area ng clinic para manood ng TV. Sana walang tao para mailipat ko sa MMA.

Merong dalawang bagets doon na nag-uusap about sa underground fight. At dahil dakilang chismosa ako, pinakinggan ko sila.

"You have to be there. Ang gwapo ni Grim Reaper. Pero deadly. Ang dami na niyang tinalo sabi ni Kuya." Sabi ng isang bagets. Ilang taon ka lang ba nene? Parang 16 ka pa lang.
"Totoo? Saan ba yan?" Tanong ng friend niya na parang kaka-start pa lang mag mens. Puno pa ng pimple ang fez tapos gwapo na agad ang hinahanap. Uunahan pa akong magkaboyfriend.
"Sa QC.. Alam mo ba ang building na..." Sinabi niya ang name ng building at sinusulat ko naman lahat ng info habang nag-uusap sila. Grabe, alam niya ang schedule. May website ba iyan?
"Mostly mga professionals na ang mga pumupusta doon. Pagawa kang fake ID. Bawal ang below 21 years old eh."

Akalain mo...merong underground Mixed Martial Arts fight sa Quezon City. I'm so excited. Pupuntahan ko ito.... Tatakas ako.. . Shhh, secret lang.

Laws of Attraction (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora