Chapter 7- Bakit?

12.3K 388 266
                                    

Jacob

Arrgghhh...
"Saan ka ba pupunta?" Naiinis na tanong ko.
Tiningnan ako ni Dakota na para akong nasisiraan ng bait.
"Hindi pa ako inaantok. Gusto kong kumain."
Napabuntong hininga ako.
"Ihahatid nga kita sa kung saan mo gustong ihatid kita." Dagdag niya pa.

"Saan mo gustong kumain?"
"I am craving for donuts." She replied.
Donuts... Donuts...
"JCo? Krispy Kreme? Or Starbucks?"
"Kahit alin sa tatlo." Sagot niya.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa laban kanina?" I asked her ng nasa daan na kami. Nakasandal si Dakota sa passenger seat. Liit naman ng sasakyan na ito. Tumatama ang tuhod ko sa manibela. Wala na bang iaadjust?
"Narinig ko lang sa clinic."
"Paano mo ako nakilala?"
Natawa siya. "You have a tattoo. Mukha mo lang ang nilagyan mo ng paint."
"Bakit kilala mo ang tattoo ko?"
"Dami mong tanong. Di ka maubusan ng bakit." Naiinis na sagot niya sa akin.

Malamang... nasuntok ako dahil tinawag mo ako. Nakadalawang suntok tuloy sa akin ang elepante na iyon.
"Magpapasa yang panga mo, Jake."
"Bakit?"
"Anong bakit? Nasuntok ka kanina baka nakakalimutan mo?!"
"Bakit biglang nawala ang pagtawag mo sa akin ng Jake?"

Tiningan ko si Dakota sa gilid ng mga mata ko. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Mukhang wala na akong kausap pa.

Nakakita kami ng isang Starbucks na 24/7. Tahimik si Dakota na bumaba ng sasakyan.
"Ano ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.
"Umorder ka na muna, ako ng bahala ng sa akin."

Humarap si Dakota sa cashier at sinabi ang order niya na mukhang nalito agad ang barista, hindi pa man nabibigay sa kanya ang order.

"10 pumps vanilla, 5 pumps caramel syrup, 5 pumps classic syrup, 5 pumps caramel sauce, 5 pumps white mocha with whole milk, light coconut milk, light heavy cream, light vanilla powder, extra cream, 5 sweet and low light ice, 10 sugar, 5 splenda, light dark choc curls, extra almond milk, extra sweet cream, extra whip. Nakuha mo?" Tanong ni Dakota.
Tumango ang cashier at inulit ang sinabi niya.
"Yes correct. Saka isang glaze donut." Dagdag niya pa.
"Name po nila maam?"
"Dakota."
"Isang decaf ang sa akin. Venti."

Sabay kaming nag-abot ng credit card ni Dakota sa cashier.
"Magkahiwalay po ba?"
"Hindi." Hinawi ko ang card ni Dakota at inisaksak ko sa kamay ng cashier ang card ko.
"Umupo ka na, Dakota."
Nakatikom ang bibig ni Dakota na sumunod at umupo sa isang table.

"Ano yang kino-compute mo?" Tanong ko ng ibaba ko sa table namin ang order niya.
"Calories."
"Seryoso ka?"
"Ano akala mo? Trip ko lang?" Naasar na tanong niya.
"Kumain ka nga, gutom ka lang." Inusog ko sa harapan niya ang pagkain na inorder niya.

Kalahati pa lang ng donut ang nakakain ni Dakota ng ilapag niya ito.
"Psssttt, ubusin mo yan."
"Hindi pwede, tataba ako."
Tangina...
"Kailangan mo ngang magkalaman. Mukha ka ng toothpick."
Inirapan ako ni Dakota at uminom ng ewan ko kung ano ang lasa nung inorder niyang frappe.
"Kapag nagkalaman naman ako, sasabihan mo naman akong chubby!"
"Kailan kita sinabihang chubby? Kailan ka ba tumaba?"
"Nung 12 years old ako." Sagot niya.
Napakurap ako sa kaharap ko.

"Ano, hindi mo maalala?"
Tangina, galit na naman siya. Nag-uusap lang kami.
"Sinabi ko iyon?"
Tumango si Dakota.
"Thirteen years ago?"
Tumango na naman siya at naningkit na ang mga mata.
"Hindi ka makamove on? Kaya ba nagalit ka sa akin?"
She rolled her eyes at bumalik sa paghigop ng nakakasukang order niya.

"Una, ano masama kung sinabi kong chubby ka?"
"It's like you were saying that I am fat."
"Hindi ko sinabing fat... Ang naalala kong sinabi ko; cute si Dakota, chubby cheeks."
"Heh! Sinabihan mo pa rin akong chubby!"
"Unbelivable." I murmured.

"Pangalawa, ano ba kasing masama kung tumaba ka? Bakit ginugutom mo ang sarili mo? Kung gusto mong kumain, kumain ka."
"Mawawalan ako ng trabaho kapag tumaba ako. Kailangan kong i-jogging yang calories na iyan."
"Eh di mag-jogging ka."
Napatinging si Dakota sa kisame at ang OA ng reaction niya.
"I hate jogging because I hate mornings."
"Eh di sa gabi ka mag-jogging."
She made face... Daming dahilan.
"At pwede kang magtrabaho kahit hindi ka modelo. Yang IG mo parang catalogue na ng Avon."
Natawa si Dakota... Ano nakakatawa? Hindi naman ako nagjojoke!

"Teka, bakit mo alam ang Avon?" Tanong niya.
Nagkalat sa office namin. Leche, iyon yata ang ginagamit ng mga tauhan ko paramagsarili.
"Nagmodel ako dati sa Avon when I was young bago ako napunta sa VS."
Tang-ina... susunugin ko lahat ng catalogue ng Avon sa opisina.

"Jacob? Hey, mukha kang papatay sa itsura mo."
I don't know if she's joking sa itsura ko ngayon pero parang gusto kong tagainang mga tauhan ko sa office kapag may Dakota akong nakita sa catalogue ng Avon.
"Don't look at me like that!" Sabi niya.
"Like what?"
"Like you want to wring my neck." Nakuha niya pa akong irapan.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
She snorted. "Seriously? I have worse nightmare that your resting bitch face."
This is not a RESTING-BITCH-FACE. It's my DO-NOT-FUCK-WITH-ME look.

"Uuwi ka na ba after nito?" I asked her pagkatapos niyang maubos ang biniliniyang frappe.
Tumango si Dakota.
"Ihahatid na muna kita. Saan ka ba nakatira?" She asked habang sinisimot angwhip cream.
Umiling ako. "Ako ang maghahatid sa iyo. Magtataxi ako pauwi sa bahay."
"Baka mapahamak..."
"Ako sa daan?" Sarcastic na tanong ko.
"Ang makakasalubong mo sa daan. Kawawa naman." She replied with equal sarcasm.

Ang lakas niyang mangdent ng ego.

Laws of Attraction (Completed)Where stories live. Discover now