Chapter 13- Jacob's Stat

11.5K 373 171
                                    

Jacob

"Kamusta ang mowdel?" Tanong ni Xykie sa akin pagpasok ko sa HQ.
Nagtawanan si Gab at Kiro ng makita ako.
"Bakit ba umuwi ka pa? Masaya na ako na nag-iisang anak ako."
Niligpasan ko ang nakangising si Xykie. At syempre dahil dakilang mapang-asar siya, sinundan ako hanggang sa makaupo ako sa tabi nila Gab.
"Hmm... syempre malungkot ang buhay kapag wala ka. Sino aasarin ko?"
"Subukan mo yung asawa mo para naman maiba."
Tumatawang nakikinig lang si Gab sa amin.

"Alam mo..."
"Wala akong pake."
"Okay sige... Hindi ko na lang pala sasabihin sa iyo na si Macky at Dakota..." Nagkibit ng balikat si Xykie at saka tumalikod.
"Tang-inang...Xykie..."
Tumatawang bumalik si Xykie sa tabi ko.
"Ang rupok mo." Sabi niya. Si Kiro na madalang tumawa ay tawa ng tawa sa tabi ko.

"Okay... dahil sa mabuti akong kapatid." Simula ni Xykie sa akin.
"Kailan pa?"
"At ang cute mong ma-inlove."
"Hindi ako inlove... Gago ka ah. Umayos ka." Nakakainis talaga siya.
"Talaga? Oh... eh di... let's say, tinubuan ka na ng emotions..."
"Tagal ng ligoy. Ano ba sasabihin mo?"
Tumawa na naman si Xykie.
"It's about Macky."

Naghintay ako ng sasbaihin ni Xykie. Ano ba ang hinahanap niya sa phone? May kausap ba ako? Kailan ba titino itong kapatid ko na ito?
"Ilan na ba ang tinakot mo sa mga manliligaw ni Dakota?"
Napatiim ako ng bagang. Bakit alam niya?
"Anong tinatakot ang mga manliligaw ni Dakota?" Usisa ni Sakura na nasa kabilang panig ng office pero narinig ang usapan namin. Nagmamadali siyang pumunta sa grupo namin dala ang laptop niya.
"Teka, hinahanap ko nga ang statistics ko eh. Mayroon akong listahan nun eh." Sabi ni Xykie.

"Nu ba yan Jacob, manligaw ka." Wika ni Sakura sa akin.
"Gaya ng ginawa mo kay Kiro?" Sarcastic na tanong ko.
"Sarcastic ne'to." Naiinis na sagot ni Sakura.
"Ah eto na... so bali nagsimula lang ako two years ago. That time, lima ang nanganib ang buhay dahil nakipagdate kay Dakota. Dalawa ang nasuntok ni Jacob dahil kinuwento sa iba ang kiss nila ni Dakota at..."
Inagaw ko ang cellphone ni Xykie at binato sa wall. Ayon, basag.

"Ano ba! Sira-ulo ka." Sigaw niya sa akin.
"Tapos ka na?"
"Hindi pa... at dahil binato ang cellphone ko hindi ko mapapakita ang picture ni Macky na nagkikiss."
Umakyat ang dugo ko sa sinabi ni Xykie.
"Ayusin mo ang susunod mong sasabihin, Xykie." I said through gritted teeth.
She rolled her eyes.
"Kung hindi ka ba naman sira ulo, balak mo pa talagang itumba si Macky."
"Wala akong..."
"Naku tigilan mo ako Jacob. Kilala kita." Pangbabara niya sa akin.
Natikom ko ang bibig ko. Si Gab at Kiro ay nadukmo na sa kakatawa.
"Yang tingin mo pa lang, malapit ng kuhanin ni Lord si Macky. Tantanan mo siya. Hindi siya talo."
Talaga? Panay hipo sa hita ni Dakota!
"Yan ang napapala mo sa kakapanood ng cctv. Bakla si Macky." Sabi ni Xykie.

Napalaki ang mata namin nila Gab. Xykie rolled her eyes.
"Ngayon nasabi ko na sayo dahil mabuti akong kapatid, aalis na ako...mowdel." Ngumisi si Xykie bago kinuha ang phone niyang basag at umalis.
"Hahaha... yung itsura ni Kuya Gab." Tumatawang umalis din si Sakura.
"Kelan pa naging bakla si Macky?" Tanong ni Gab.
"Malay ko." Sagot ko.

"Wala ka bang practice? Bakit nandito ka?" Usisa ni Gab.
"Can someone explain to me, even on small word, why I'm being assigned in this mission?"
Nagtawanan sila ni Kiro.
"Kasi nga, mowdel ka." Sagot ni Gab.

Si Juancho lang ang kasama kong paulit-ulit na nagpractice ng lecheng lakad na yan. Wala naman akong nakikitang espesyal.

"Medyo nakukuha mo na. Konting practice na lang." Sabi ni Juancho. Palabas nakami sa studio.
"Salamat pre."
"Nagtalo ba kayo ni Koko?" Tanong ni Juancho.
"Hindi naman. Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
He shrugged his shoulder. "Wala kasi siya ngayon."
"Tamang usisa ka din. Pagod daw siya."
"Ahhh... Bakit kayo nag-away dati?"
"Hindi ko alam, Juancho. Tanong mo sa kanya."
Tumawa si Juancho. "Parang may idea na ako."
"Buti ka pa meron. Ako, hindi ko alam bakit sya nagkaganoon."
"Talaga? Teka, ikaw ang Jake na tinatawag niya?"
Napatingin ako kay Juancho. Mukha ngang may alam ito.
"Ano alam mo?" Tanong ko.
Ngumisi siya. "Beer?"
"Tara."

Sa Club Zero kami nagpunta ni Juancho. Gusto nya daw mag-unwind at nastess daw sya sa opisina.
"Alam mo, pakiramdam ko kaya mo ako kinausap sa gym kasi nakikita mong kasama ko si Dakota."
Matalino ka talaga... Nagkibit lang ako ng balikat at ngumisi naman si Juancho.
"Kung ikaw si Jake... ikaw nga ba?"
"She called be Jake before."
"Ahhh ikaw nga yun. Sino yung Nerissa?"
Nakunot ang noo ko. "Sino yun?"
"Malay ko... Isipin mo kung sino. Wala akong sasabihin detalye sa iyo. Matalino ka naman. Maiisip mo yun."
Mamaya na ako mag-iisip. Kukuha muna ako ng information.

"May dahilan nga kaya umiwas si Dakota sa akin."
Tumango si Juancho. "Naging kayo ba?"
Nakunot na naman ang noo ko.
"Hindi." I replied.
"Ahhh.."

Tangina... ang linaw ng clue mo ah, Juancho!
"Nagseselos siya sa Nerissa na iyon?"
Tumawa si Juancho. "Wala akong sinabi."

Talaga?! Teka, sino yung Nerissa?

Laws of Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon